Patrick Garcia denies not giving financial support to son with Jennylyn Mercado

“Medyo of course sometimes ‘pag walang trabaho, medyo nahihirapan, di ba? I think… if ever man, naiintindihan naman ni Jennlyn yun at saka ni Tita Lydia [Jennylyn’s mom] yun. Ganun naman, give and take naman kami. Minsan si Jen ang walang ano… di ba? So, gano’n talaga ang buhay,” says Patrick Garcia about rumor that he has stopped giving financial support to Alex Jazz, his son with ex-girlfriend Jennylyn Mercado.&l


Nilinaw ni Patrick Garcia ang balitang sa kanya unang in-offer ang isa sa lead roles ng indie film na Lihis.

Hindi lang daw ito tinanggap ni Patrick dahil hindi niya kayang gumawa ng eksenang may halikan sa kapwa niya aktor, na gagampanan ni Baron Geisler.

Kaya ang pumalit daw kay Patrick ay si Jake Cuenca.

Pero ayon kay Patrick, wala siyang natatanggap na offer para sa Lihis.

“Siguro they have plans lang na considering me, pero they never really…” sabi ni Patrick nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) san 20th anniversary ng Star Magic sa ASAP 2012 kahapon, July 8.

Pero kung sakaling may offer sa kanyang pelikula na may ganung eksena, tatanggapin ba niya?

“Well, a challenge is a challenge,” sagot ni Patrick.

“Basta it’s good in the boundaries of… you know.”

May movie ba siyang gagawin ngayon?

"Meron. It’s a bold movie. Medyo shy pa akong gawin yun.

“Wala yun… joke lang yun,” natatawang biro ng aktor.

Kung walang movie ngayon si Patrick, ano ang dapat abangan sa kanya ng kanyang mga fans?

“Abangan nila, lahat. Siguro ano… wala pang plano ngayon.

“Pero sana yung mga future projects ko, sana nandun pa rin yung mga fans ko na sumusuporta sa akin.

“Abangan na lang nila,” sabi niya.

FINANCIAL SUPPORT. Samantala, mariin namang itinanggi ni Patrick ang lumabas na balitang hindi na raw niya sinusuportahan, financially, ang anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

“Sinong nagsabi?” gulat na reaksiyon ni Patrick.

“Hindi yun totoo… I have to clarify that with ano…

“Medyo of course sometimes ‘pag walang trabaho, medyo nahihirapan, di ba?

“I think… if ever man, naiintindihan naman ni Jennlyn yun at saka ni Tita Lydia [Jennylyn’s mom] yun.

“Ganun naman, give and take naman kami.

“Minsan si Jen ang walang ano… di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, gano’n talaga ang buhay.”

Nagagawa pa rin ba niyang bisitahin si Alex Jazz?

“Oo naman. Kagabi lang nandun ako bahay nila,” banggit ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN