Pia Guanio takes a leave from her shows to prepare for the birth of Scarlet Janine

Pia Guanio is now on her eight month of pregnancy. When asked if she is ready to give birth, the TV host answered, “Yeah, I’ve been reading up on it and, truth be told, I’m so glad na hindi ako scared to death. I thought I would be, but I’m quite just curious about it. Gusto ko lang maramdaman, ano ba itong labor na ito? Is it really gonna hurt? But kaya iyan.”


Binigyan ng Showbiz Central si Pia Guanio ng isang baby shower kahapon, July 8.

Humarap si Pia sa mga co-host niyang sina Raymond Gutierrez, Jennylyn Mercado, at John “Sweet” Lapus.

Nauna na kasing nagpaalam si Pia sa show kahapon bago pa mag-last episode ang Showbiz Central sa July 29 para paghandaan ang nalalapit niyang panganganak sa susunod na buwan.

Nauna munang ipinalabas ang VTR ng pagiging host ni Pia sa Showbiz Central. Kasama na ang pagbati at mensahe ng mga kasama niya sa trabaho; kabilang na si Mike Enriquez ng 24 Oras at ang Dabarkads niya sa Eat Bulaga! na sina Senator Tito Sotto, Keempee de Leon, Julia Clarete, Isabelle Daza, Michael V., at Solenn Heussaff.

Nagbigay rin ng mensahe ang kaibigan niyang si Ricky Lo at ang GMA-7 executive na si Ms. Marivin Arayata.

Pabirong bungad naman ni Pia, nag-a-adjust pa raw siya sa pagtawag sa kanya ng “Mommy Pia.”

“I’m having a hard time getting used to the Mommy Pia part. I have one month to get used to it!” natatawang sabi ni Pia.

DOCTOR’S ORDERS. Last day na ni Pia kahapon sa Showbiz Central dahil na rin daw sa payo ng doktor. Paano na ang iba pa niyang shows na Eat Bulaga! at 24 Oras?

“Doctor’s orders. I already filed my leave na rin sa Eat Bulaga! on Friday.

“I just have to finish ‘til the end of the month sa 24 Oras. Kasi mas mahirap humanap ng pinchhitter sa 24 Oras.

“Honestly, it’s also easier to do that show [24 Oras] kasi sa Eat Bulaga!, we have to be up and about, running around.

“This show [Showbiz Central] is quite long naman, ‘tapos 24 Oras naman is like an hour long and I’m all like five minutes of it.”

Ano exactly ang advise ng doktor sa kanya?

“Well, now that I’m eight months pregnant, I have to take extra care because ayoko naman na pre-termed yung labor and delivery ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then secondly, I also have a lot of things to get ready like the nursery for instance.

“Buti nga Eat Bulaga! gave me my first few baby things, as in, at saka si Joey de Leon.

“Otherwise, zero pa rin yung score ni Scarlet.

“And then yesterday, we had a baby shower, as well. Thank you to all the guests who came.”

SCARLET JANINE. Bukod sa Scarlet, magkakaroon din pala ng second name ang baby ni Pia.

“Sorry Nelson [Canlas, reporter ng GMA News], nauna na. Kasi si Nelson was there yesterday.

“It was actually gonna be a scoop kasi hindi ko akalain na ilalagay… my mother-in-law actually threw the baby shower for me.

“So, thank you for the Magos for the very beautiful shower.

“Kaya lang, ibinuking ako ng mother-in-law ko, nilagay na niya Scarlet Janine.”

Bakit ayaw niya ng nickname na “Letlet” na galing kay Michael V?

“Papatayin ako ng mga Letlets sa mundo, di ba?” biro niya. “Pero we’ve decided Carl because it’s cute.”

Bakit hindi na-approve ang suggestion ni Joey de Leon na “Jaida”?

“Well, although it’s thoughtful of him… talagang inisip niya ito on his own.

“Kasi nga Scarlet is red, Jaida is from jade which is green. Christmas color sana.

“I kinda preferred Janine because it’s a French name which means God is gracious.

“So, it means more to me dahil ever since me and Steve got together, talaga namang God has been pouring out His graces.

“Dahil from the time we met, till we got engaged, to the wedding and to this no-complication pregnancy, todo-todo yung grasya ng Diyos sa aming dalawa.

“So, I though it was apt talaga to give glory to God for this.”

READY TO GIVE BIRTH. Handa na ba siya sa panganganak?

“Yeah, I’ve been reading up on it and, truth be told, I’m so glad na hindi ako scared to death.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I thought I would be, but I’m quite just curious about it.

“Gusto ko lang maramdaman, ano ba itong labor na ito? Is it really gonna hurt? But kaya iyan.”

Ano bang paghahandang ginagawa niya para paglabas ni Baby Scarlet ay handa na siya to handle a baby?

“I’m reading child… how to bring up children books. So, as in like the French way, the American way. Pagsasama-samahin natin ‘yan.

“Of course, the Pinoy way, we get lots of that from your relatives.

“So, hindi tayo magkukulang sa pagkukuhanan ng information.”

Nag-usap na ba sila ni Steve kung anong way of delivery ang pagdadaanan niya?

“I plan to use all aspects of science and technology on this, di ba?

“But hopefully it’s a normal delivery para also the recovery is faster. I can be with you guys sooner, also in Eat Bulaga!.”

Pagkatapos ng panganganak, binyag na ang susunod. May mga naiisip na ba siyang kuning ninong at ninang para sa binyagan?

“I have some names in mind. But since hindi ko pa sila nasasabihan, I’d really like for them to know first from us.”


SUPPORTIVE HUSBAND. Bukod kay Pia, sumali rin sa usapan ang asawa nitong si Steve Mago sa pamamagitan ng live phone patch.

Nagkatawanan pa nga sila sa simula nang magkamaling tawagin ni Steve si Raymond bilang Richard. Si Richard kasi ang kabarkada talaga ni Steve sa Gutierrez twins.

Bago si Pia ay si Steve muna ang in-interview nina Raymond, Jennylyn, at Sweet. Unang tanong kay Steve ay kung anong suporta ang ibinibigay niya sa kanyang asawa na malapit nang manganak?

“Well, ako, palagi akong nagbabasa ng books for pregnancy.

“So, every morning or during the middle of the day, nagbabasa ako ng mga pregnancy books to be prepared for the baby,” sabi ni Steve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READY TO BE CALLED A DADDY. Handa na ba si Steve na matawag na daddy?

“Well, oo. I’m now prepared to be called a daddy after…

“I think maganda yung preparation before giving birth on nine months. Parang you get prepared of becoming a father.”

May pangalan na silang nakahanda sa paglabas ng kanilang baby girl. Papangalanan nila itong Scarlet. After Baby Scarlet, ilan pa ang gusto nilang babies?

Sabi ni Steve, “Well, ang gusto talaga namin ni Pia is one baby. Pero gusto namin sana boy.

“Pero fortunately, naging girl naman, it’s a blessing.

“Pero ngayon, we’ll focus muna on Baby Scarlet and maybe we’ll decide after kung gusto pa namin ng isa pa.”

Sa pagbubuntis ba ni Pia, nagkaroon ba ng mood swings ito? Ano ang napansin niya sa asawa lalo na noong early stage ng pregnancy nito?

“Well, yung mga mood swings niya, I think more on sa pagkain, e. Yung first five months mahilig siya sa mga maaasim na pagkain.

“Pero towards the later part, nagkaroon na siya ng sweet tooth. Mahilig na kaming mag-ice cream, mag-cake.

“Naging mahilig kaming kumain ng dessert.”

DREAMS FOR BABY SCARLET. Ano ba ang pangarap nila ni Pia para kay Baby Scarlet?

Sabi ni Steve, “Well, of course, ang pangarap ko sa anak ko ay maging one successful and God-loving person.

“Yung specific, ngayon wala pa akong naiisip.”

Dagdag naman ni Pia, “Other than she’s gonna be as athletic as both of us. Ano yun… magiging buntot namin sa jogging, sa biking.”

Ano ang message ni Steve para kay Pia lalo na’t magpapahinga muna ito pansamantala sa showbiz?

“Well, my message to Pia is I’m gonna be always here to support her and I’m gonna be here to make her happy and support her to deliver a normal delivery.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL PIA. Pagkatapos ng panayam kay Steve ay si Pia naman ang tinanong kung ano ang message niya sa lahat ng kanyang mga fans at sa mga taong sumuporta sa kanya at naniwala, lalo na sa pagiging host niya ng Showbiz Central.

“Well, I hone a lot of my skills with interviewing people live on this show, first on S-Files and now in Showbiz Central.

“So, I wanna thank them because it’s not every day that you are able to sustain a show for what… since 2004, so that’s seven years.

“In that seven years I really learned a lot. And I really grew as a talk show host and as a host on television.

“So, maraming salamat sa Showbiz Central for giving me all the tough interviews also, which of course, sometimes I got praised for it… sometimes, I got, you know, like criticized for it.

“Tumibay ang loob ko, kumapal ang mukha ko dahil sa mga assignments that I got on this show.

“And I really wanna thank you guys for that opportunity. Not everyone gets that kind of opportunity in this industry.”

Ayon naman sa mga co-host niyang sina Raymond, Jennelyn, at Sweet, mami-miss nila si Pia at sinusuportahan nila ang gagawin nitong pamamahinga. Excited na rin sila sa paglabas sa mundo ni Baby Scarlet.

May mga regalo rin silang ibinigay for Pia at sa parating nitong baby.

May huling pahayag pa si Pia. Aniya “As much as I love the work, I’m actually looking forward also to having a rest day naman on a Sunday. And with Scarlet coming, I’m going to need it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN