Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: "May something sa kanya na wala ang ibang lalaki. Malakas ang dating niya.”

Kathryn Bernardo on her first impression of Daniel Padilla: “Parang lahat tayo, kung ano yung unang impression sa kanya, mayabang na playboy, ganoon. Pero as a person, parang angas niya lang yung mayabang. Pero kapag nakilala mo siya, super-bait, super gentleman. At kapag kasama mo, siguradong-sigurado kang aalagaan ka niya."


Ikinuwento ni Kathryn Bernardo sa The Buzz kahapon, July 8, kung paano sila nagkakilala ng kanyang ka-loveteam at itinuturing na isa sa hottest teen stars ngayon na si Daniel Padilla

Ayon kay Kathryn, “Noong first na nakita ko si DJ [palayaw ni Daniel] sa Showtime, nag-guest ako with Julia [Montes], parang nag-guest din siya do’n.

“Yun ang first ever, pero hindi kami nag-usap noon.

“’Tapos, after no’n, next na yung sa Growing Up na audition.

“Naging close kami noong taping ng Growing Up, but may time rin na nag-usap kami na medyo nawala na ang ilangan.

“Actually, Growing Up talaga ang nagpaano ng relationship namin.”

FIRST IMPRESSION. Mayabang daw ang unang naging impression ni Kathryn kay Daniel.

Sabi ng young actress, “Parang lahat tayo, kung ano yung unang impression sa kanya, mayabang na playboy, ganoon.

“Pero as a person, parang angas niya lang yung mayabang.

“Pero kapag nakilala mo siya, super-bait, super gentleman. At kapag kasama mo, siguradong-sigurado kang aalagaan ka niya.

“Super-bait din sa mga kapatid niya. Caring at saka trustworthy.”

Inamin ni Kathryn na hindi raw talaga siya madaling magtiwala sa tao, pero kay Daniel, feeling daw niya ay safe ang anumang sasabihin o sikreto niya.

“Na-convince naman ako na sincere si DJ. Yung ipinapakita naman niya sa mga tao.

“Makikita mo rin kung gaano kabait si DJ at kung gaano siya kaalaga sa akin.

“Hindi rin naman kasi itinatago ni DJ ang feelings niya, so malalaman mo rin naman na pinapahalagahan ka niya at espesyal ka para sa kanya.”

SURPRISE! Hindi naman daw makakalimutan ni Kathryn ang guest appearance nila ni Daniel sa Gandang Gabi Vice kunsaan sinorpresa siya ng binata.

Sabi ni Kathryn, “Ewan ko, kasi nagulat din ako na special guest pala siya do’n, ‘tapos kumanta pa siya.

“Unexpected talaga na nandoon siya, so hindi ko siya makakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa ginawa, ‘eto lang, kailan lang, binigyan niya ako ng dalawang puppies. So, nakakatuwa.”

Kinilig daw si Kathryn sa naging gesture na yun ni Daniel.

“Sakto lang. Siyempre, kinikilig.

“Kahit naman sinong babae, kapag nandiyan na ang mga Padilla looks niya na smile niya na ganyan, yung eyes niya…

“Basta, may something sa kanya na wala ang ibang lalaki. Malakas ang dating niya.”

May pag-asa kaya si Daniel sa kanya sa panliligaw?

“Hindi ko pa masasabi kasi matagal pa naman yung right age ko na ‘yan, pero siguro magkakaroon ng chance naman.

“I like him as a friend. Ngayon siguro, friends muna—parang special friend siguro.”

Sa huli, binati ni Kathryn sa Daniel sa pagkakaroon nito ng Gold Records award dahil sa debut album niya.

“Gusto kitang i-congratulate kasi nag-gold na ang album mo at pati yung sa acting career mo.

“Sana lang huwag magbabago at palaging makikinig sa akin or kay Tita Karla [Estrada, Daniel’s mom], sa lahat.

“Lagi lang kaming nandito para sa ‘yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN