El Brujo director Tikoy Aguiluz on working with Gerald Anderson and Jake Cuenca: "Professionals... Maganda ang attitude nila, ’tsaka may respect."

“Una, may mga narinig akong kuwento, ’Yung mga bagong artistang ‘yan, pagdating sa set, hindi ka kakausapin, di ka pakikinggan.’ Pero hindi pala...may respeto, akala ko nga, iba, e. Hindi pala. It’s not that way!” Director Tikoy Aguiluz says about his El Brujo stars Gerald Anderson and Jake Cuenca.


Sa kasalukuyang usapin ukol sa pagiging National Artist, may kakaibang pananaw si Direk Tikoy Aguiluz na nabanggit niya nang muli siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa natatanging paggunita para sa yumaong aktor/director/manunulat na si Mario O’Hara.

"Sino ba’ng gustong maging National Artist sa mga panahong ito? Wala na yatang may gusto," bungad ni Direk Tikoy.

Ito’y sa kabila ng katotohanang patuloy na pinag-uusapan ang posibleng pagkakaluklok pa rin bilang National Artist ng Comedy King na si Dolphy.

Sabi ng director, "Ang maganda, yung ginagawa sa Japan. Meron silang National Treasure [award].

“Siguro dapat may National Artist ka, pero meron ka ring National Treasure, like Ate Guy [Nora Aunor], Dolphy, FPJ [Fernando Poe, Jr.]... mga National Treasures.

“Iba yun, e.

"Pero si Mario O’Hara, National Artist talaga dapat. Artist siya, e.

“Sino ba ang sumulat ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang [1974]? Sino ba ang sumulat ng Insiang [1976]? Si Mario O’Hara!

“Lahat ng magandang trabaho ni Lino Brocka, siya yun. He’s the spirit behind such gems.

"At saka gumawa siya ng mga genre… Bagong Hari [1986], action. Gumawa siya ng Manananggal In Manila [1997], horror genre. Naiangat niya.

“Yun ang lesson sa mga bagong filmmakers. You will learn a lesson from him.

"Kasi ang mga bagong filmmakers, hindi naniniwala sa genre. Art film kaagad, e. You should teach them a lesson.

“Ito, storytelling, hindi basta art film. Kasi sa genre ka makaka-develop ng audience.

"So, ang direksiyon ko ngayon, genre.

“Ang natutunan ko sa kanila [Mario and Lino], ’wag mong kakalimutan yung audience mo. You should not forget your audience.

“Yun ang advantage ng nakatrabaho mo sila—na sila ang nagturo sa ’yo.

"E, itong mga bata, hindi na nila naabutan ’yon, e.

“E, digital na, e. Anyone can shoot a film.

“So far, may magagaling pa din," sabi ni Direk Tikoy Aguiluz, na ngayo’y may tinatapos na pelikulang aksiyon, pinamagatang El Brujo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS LEARNED FROM MARIO O’HARA. Tulad ng marami sa industriya, nanghihinayang si Direk Tikoy sa maagang pagpanaw ni Mario O’Hara.

"He’s good for at least five more films. Sayang!" sambit niya.

"Fan ako ni Mario ever since. Nung nagtrabaho ako sa Maynila (Sa Mga Kuko Ng Liwanag) [1975], kay Lino, first job ko yun, e.

“Crew ako doon, ‘tapos still photographer.

“Pagkatapos no’n, sabi ko, ’Ayoko na, gagawa [na lang] ako ng docu after ng Maynila...’

"Marami akong natutunan sa kanya in terms of...yung kanyang attitude sa trabaho, yung kanyang point of view... napaka-cool at walang pretensiyon.

“Real deal! Siya ang totoo!

"Lahat ng ginawa niya, maski commercial material, tina-transform niya into something else.

"Yung pitu-pito na Babae Sa Bubungang Lata [1998], ibang-iba, e.

“Naalala ko, pinanood ko yun sa Megamall. Sabi ko, ’This guy, iba siya. Nakakabilib!’

“But the tragedy is he was good for another five films...

"Puwede sana yung mga bata...sana there’ll come a time na maka-interact sila.

“Pero ang problema, recluse siya [Direk Mario]. Hindi siya mahilig mag-interact with people. Ganun ang mga tunay na artists, e.

"Pero nandiyan naman ang mga trabaho niya. Isip-isip siguro niya, ’Panoorin mo na lang ang trabaho ko!’

“At saka the idea of making a film is you share humanity with others. So, nagawa na niya ’yon. Tama na ’yon.

"Si Mario, secured na yung place niya sa history ng Philippine cinema. Ako, I’m still trying to find my way.

“Mario will still be an inspiration to me."

O’HARA OFFERED TO DIRECT EL PRESIDENTE. "Nabalitaan ko nga. But Mario had class!" sambit ni Direk Tikoy sa balitang in-offer kay Mario ang pagiging direktor ng El Presidente.

Ang El Presidente ang dapat sana’y kasunod na pelikulang pagsasamahan nina Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito bilang bida at ni Direk Tikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaalitan sina Ejercito at Direk Tikoy dahil sa ilang pagbabagong pinagawa ng una sa dinirek ng huli na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na isinali sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

"Kung kukunin man niya, tatawagan niya ako, ’Direk, akin na ba ito?’ Hindi nga niya tinanggap, e!

"Look at him. Nakita ko ’yan noon sa Regal, nagtatrabaho pero walang ilaw sa set niya.

“Lahat ng ilaw, kinukuha, dinadala sa isang production na paborito ni Mother Lily [Regal Films producer]. Wala sa kanya. Pero gawa pa rin siya!

"Mario was the real deal! Hindi ko alam ang kuwento, pero kung tatanggapin niya ’yan [El Presidente], tatawagan niya ako.

“Ang alam kong rason niya, why he didn’t accept El Presidente was that, ‘Inuumpisahan na ni Direk Tikoy, e...’

"May class nga, e! He had class!"

MOVING ON. Has Tikoy Aguiluz moved on matapos ang hindi niya magagandang karanasan while doing the Asiong Salonga remake at maging ang El Presidente—both starred in by ER Ejercito—na may ilang araw na ring nasimulang shooting middle of last year?

"Oo naman. Nakakapanghinayang lang, siyempre Emilio Aguinaldo [story] ’yon, ang ganda ng material, ‘tsaka nabuo ko na yung concept.

“E, ganun talaga. In another time, siguro magagawa ko rin," sabi ni Direk Tikoy.

What about the legal issues na kaakibat ng Asiong Salonga filmbio, na ipinatanggal ni Tikoy ang pangalan niya sa lahat ng film credits ilang araw bago maitanghal ang pelikula bilang MMFF 2011 entry?

"Ano naman yun, meron namang mga abugado.

“Sabi ko, sa mga abugado na natin [padaanin], sila na lang ang mag-usap.

"Ang sa akin lang naman, ang inireklamo ko doon, bakit hindi yung AD [assistant director] ko ang ginamit, bakit si Daryl [dela Cruz, tauhan sa produksiyon] pa, e, hindi naman AD yun?

"Inisyu pa ako! Unang-una, hindi ko siya AD, siniraan pa ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Man! Showbiz talaga! Gustong sumikat, e!

“Unang-una, hindi naman siya AD, e!" diin ng director.

Looking back, sa mga parangal na natamo ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa MMFF 2011 at iba pang award-giving bodies, pangalan ni Daryll dela Cruz ang nabanggit bilang director. Ang panalo ni Tikoy Aguiluz bilang Best Director ay naikredito sa isang Daryll dela Cruz.

DOCU FILM WITH NORA AUNOR. Nang hindi maging maayos ang sitwasyon sa pagsasapelikula ng El Presidente, nagkaroon ng frustration si Tikoy na maidirek sa isang full-length film si Nora Aunor.

Anupa’t may plano si Direk Tikoy to do a documentary film on the Superstar.

"Oo, tuloy naman ’yon. Naka-shoot na ako, meron na akong bed ng audio, e. Hinihintay ko lang, kasi nagkaproblema sa El Presidente.

"Nahihiya naman akong puntahan siya.

“Kasi halimbawa, lalapitan ko naman siya, do the docu, and then gagawin niya ang El Presidente for ER... delicadeza ng konti," pagsasaalang-alang din ng premyadong filmmaker.

"Parang I’m putting her on the spot. Tapusin na muna [ang El Presidente].

“Nagkita naman kami ni Gov. Okey naman kami na, e. Okey na. I mean, nagda-dialogue na."

Balitang si Direk Mark Meily na ang magpapatuloy ng sinimulang trabaho ni Tikoy sa El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story.

EL BRUJO. As for Tikoy’s new film, ito’y ang indie action movie titled El Brujo, na bida ang mainstream actors na sina Gerald Anderson at Jake Cuenca.

"Panoorin mo! It’s a very strange mix [of commercial and non-commercial elements of cinema]. It’s not really an action film," excited na sabi niya sa PEP.

Sa YouTube ay ipinalabas na ang teaser ng El Brujo at ipinakita dito kung paano ine-execute ang mga action scenes—with Gerald and Jake na animo mga cowboy na lumilipad-lipad sa kanilang fight scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang permiso [ang nag-post sa YouTube].

“Nagsu-shoot lang ng stills ‘yon, e, pinost agad. Galit na galit nga ako!

"Wala silang business. Ipapatanggal ko sana, bahala na lang.

“Ganun naman talaga ang Internet. Paano mo maku-control yun?

“That’s the very nature of the beast. Nakakapikon nga, e…”

Hanggang kailan ang tapos ng shooting niya ng El Brujo?

"May mga shoot pa, sa August pa [ang tapos]. Kaya nga inumpisahan ko muna itong bago.

“’Pag may gano’n, naghihintay ka, maiinis ka lang.

“Kaya itong bago, titirahin ko na kaagad muna, ginagawa ko ang script.

“Yung El Brujo, sabi ko, sandali lang, e," banggit pa ni Direk Tikoy, na hindi muna ni-reveal ang isa pang bagong sisimulang pelikula.

WORKING WITH GERALD AND JAKE. "Hindi naman sila mahirap katrabaho," sabi ni Tikoy tungkol kina Gerald Anderson at Jake Cuenca.

"Nahirapan lang ako sa schedule nila, pero ang nakita ko, itong mga ito, naghahanap ng material na maganda—all of them.

"So, parang binigyan nila ako ng time.

“Maski na ipit-ipit ang schedule nila, on the set they came on time. Professionals. Oo, hindi nila ako pinahirapan.

"Maganda ang attitude nila, ’tsaka may respect.

“Una, may mga narinig akong kuwento, ’Yung mga bagong artistang ‘yan, pagdating sa set, hindi ka kakausapin, di ka pakikinggan.’ Pero hindi pala.”

Truth is, ayon din sa direktor, “They are excited to work with me!

“They sat down with me, they came on time.

“’Pag sinabi kong ganito, nakikinig sila. And they wanted to learn.

"Oo, may respeto, akala ko nga, iba, e. Hindi pala. It’s not that way!

"So, meron tayong pre-conceived na wrong ideas. Siguro sila rin, maraming narinig tungkol sa akin.

“Pero pagdating sa set, nagkasundo pala kami. Ganun lang ’yon, e. Ganun lang ’yon!’ tawa pa ni Direk Tikoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN