Rodrigo Duterte: "I believe in God, but I do not believe in religions."

May 20, 2016
<p>Kinundena ni incoming President Rodrigo Duterte ang kaipokrituhan diumano ng ilang namumuno ng simbahan sa pakikisawsaw nito sa takbo ng gobyerno. Tanong pa niya sa ilang obispo: "Pero kayo, bishops, I would like to ask you, kayo ba ay naniniwala talag

Sa pangalawang bahagi ng eksklusibong panayam ni Jessica Soho kay incoming President Rodrigo Duterte para sa State of the Nation ng GMA News TV, binalikan ng outgoing Davao City mayor ang mga pangyayari noong panahon ng kampanya.

May mga taga-simbahan kasing ikinampanyang huwag siyang iboto, partikular na ang ilang obispo na hindi sang-ayon sa kanyang plataporma de gobyerno at pagkatao.

Pero sinasabi ng karamihan na tila hindi ito pinakinggan ng mga tao dahil sa malaking kalamangan ni Duterte sa mga nakalaban niya para sa pagka-presidente.

Kaya naman tinatawag nilang 'protest vote' ang halos 16 million votes na nakuha niya noong May 9 elections.

Tanong ni Jessica: “Mayor, yung nakuha po niyong boto, protest vote yun, e. Mga ayaw ng staus quo, yung naniwala na change is coming kasi andiyan na kayo. Paano ho yun?”

Tugon ni Duterte, “Kanya-kanyang ano ‘yan, e. And they think it is the right time, let them be.

Continue reading below ↓

“But I said, I do not know.

“I remember, the three bishops came out openly against me, encourage the faithful not to vote on me.

“I told the people this will be a referendum. Ako na mismo nagsabi na sundin kayo [the bishops].

“At pupunta sila sa impiyerno kung hindi nila sundin ang mga bishops.

“Where do you think you find relevance of the Catholic faith? The church and you at this time of our generation?”

Pero kahit iminungkahi noon ni Duterte sa maraming Katoliko na huwag siyang iboto, alinsunod sa panawagan ng mga obispo, tila hindi naman ito ang nangyari noong halalan.

Pagpapatuloy pa ng magiging bagong pangulo ng Pilipinas, “Sabi ko naman, sundin ninyo yung kandidato nila. You have the favored candidates.

“Alam mo kasi, there is separation of church and state.

“I do not begrudge if the bishops would stick to it.

“But it is really a separation and they would have to go out if the issue becomes a moral one or if it becomes an interest...

Continue reading below ↓

“Pero kayo, bishops, I would like to ask you, 'Kayo ba ay naniniwala talaga sa separation of Church and state?'

“For the record, I believe in God, but I do not believe in religions. Period.

“And the most hypocritical institutions in the Philippines, guess who?”

“DO NOT CULTIVATE HYPOCRISY.” Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online, kung saan inilabas nila ang iba pang sinabi ni Duterte tungkol sa separation of church and state, tinuligsa ng incoming president ang aniya’y pagmamalabis ng ilang namumuno ng simbahan, partikular na noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Saad ni Duterte, “Kasi nung panahon ni Gloria Arroyo... kayong karamihan, nanghingi ng sasakyan, mga Montero. And you call that a separation of state?”

Ang tinutukoy ni Duterte ay ang isang insidente noong 2009 kung saan ang obispo ng Bataan na si Bishop Juan de Dios Pueblos ay nanghingi ng regalong sasakyan kay Arroyo para sa kanyang kaarawan.

Continue reading below ↓

Sa administrasyong Arroyo rin nagtatag ang Malacañang ng opisina para sa "religious and ecclesiastical affairs" na pinamunuan ng isang tao na katumbas na rin ang posisyon ng isang cabinet member.

“You allowed the prostitution of you,” sabi pa ni Duterte tungkol dito.

Binuksan din ni Duterte ang usapin tungkol sa pang-aabuso ng mga pari sa mga kabataang naglilingkod sa simbahan.

Sa gitna ng kanyang kampanya, ibinulgar ng incoming president na biktima rin siya ng pang-aabuso ng isang pari noong estudyante pa lamang siya taong 1956.

Saad pa ni Duterte, “And the abuses. You asked me publicly to name the priest. So I did.

“And you said to me, 'you go to court.'

“Do not cultivate hypocrisy or you will get it. Tatamaan kayo dito.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kinundena ni incoming President Rodrigo Duterte ang kaipokrituhan diumano ng ilang namumuno ng simbahan sa pakikisawsaw nito sa takbo ng gobyerno. Tanong pa niya sa ilang obispo: "Pero kayo, bishops, I would like to ask you, kayo ba ay naniniwala talag
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results