(UPDATED) PNoy and celebrities mourn the death of Comedy King Dolphy

Just a few minutes after news that King of Comedy Dolphy passed away came out, the Twitter world was flooded with claims that Dolphy was still alive. But a few minutes later, it was confirmed by Dolphy’s partner, Zsa Zsa Padilla.


Nagluluksa ang industriya ng Pelikulang Pilipino dahil sa pagpanaw ng Comedy King na sa Dolphy.

Binawian ng buhay ang beteranong komedyante kaninang 8:34 ng gabi, Hulyo 10, sa Makati Medical Center sanhi ng "multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure."

Si Dolphy ay 83 years old.

TWITTER WORLD. Kaugnay nito, nagkagulo kanina ang mundo ng Twitter dahil sa balitang pumanaw na ang Comedy King.

Ilang celebrities ang nag-post ng kanilang mensahe tungkol sa pagpanaw ni Mang Dolphy, pero ilan sa kanila ang agad ding binawi ang kanilang tweets matapos kumalat ang report na hindi pa raw kumpirmado ang balita.

Ngunit nang kumpirmahin mismo ng longtime partner ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa Padilla ang pagpanaw ng beteranong komedyante, sunud-sunod na ang pagpu-post ng mensahe ng pakikiramay ang mga artista sa Twitter.

Ang iba pa sa kanila ay nag-post ng mga litrato nila na kasama ang Hari ng Komedya nang nabubuhay pa ito.

Naging top trending topic din sa Twitter ang hashtag na "RIP Dolphy" ilang minuto lamang pagkatapos makumpirma ang pagyao ng Comedy King.

Narito ang ilan sa mga celebrities na nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pamilya Quizon sa pamamagitan ng Twitter:

Ruffa Gutierrez (@iloveruffag): "RIP Ninong Dolphy Thank you for making us laugh troughout the years. You will always be in our hearts. May your soul rest in peace."

Rufa Mae Quinto: (‏@imrufamaequinto): "I’m so sad I wanna cry!R.I.p to my Idol the king of comedy!Dolphy.:"

Kris Aquino (@aquinokristina): "Zsazsa text me 8:50 PM to state simply "he just passed away". Prayers & love for the Quizons, respect & gratitude for our King of Comedy."

KC Concepcion ‏(@kc_concepcion): "To our beloved Tito Dolphy... You are loved by our nation. May you rest in peace. ❤"

Ping Medina ‏(@PingMedina): "Mang Dolphy you will forever be the King Of Comedy ♥"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karen Davila ‏(@Karen_DaviLa): "Manong Dolphy....we will miss you. ABSCBN has received confirmation that the King of Comedy has passed away."

John Lapus (‏@sweetjohnlapus): "Paalam Tito Dolphy. Hindi ka namin pakakalimutan."

Iza Calzado ‏(@MissIzaCalzado): "Sending Love and Light to the soul of the King of Comedy, Dolphy. Rest in Peace. Praying for strength for @zsazsapadilla @ziaquizon & family"

Mariel Rodriguez (‏@itsmemarielt): "Willie called Zsa Zsa Padilla while we were on air. Zsa Zsa confirmed the sad news ☹ I feel for Zsa Zsa and their family.let’s pray."

Bianca Gonzalez ‏(@iamsuperbianca): "thank you for all the laughter and light, rest in peace mang dolphy."

Maxene Magalona ‏(@maxenemagalona ): "Such depressing news.. But let’s take this moment to remember how much the King of Comedy made us laugh. #RIPDolphy you will be missed."

Kim Atienza (‏@kuyakim_atienza): "Dolphy is dead. Confirmed. We love you dolphy the nation mourns."

Tim Yap: "a moment of silence for the King of Comedy. RIP Mang Dolphy."

Valerie Concepcion (@v_concepcion): "My sincerest condolonces to Tito Dolphy’s family and friends.. ☹ Thank you for the laughter, King of Comedy"

"You’re now with God. Your journey here on Earth has ended. But the things you’ve done will remain in our hearts." RIP."

): "Tatanda at lilipas din ako ngunit merong awiting iiwanan sa inyong alaala dahil minsan tayoy nagkasama- DOLPHY Rest In Peace TITO DOLPHY..."

"The whole nation is grieving with the passing away of a titan, but at this moment, may we all offer our prayers and support to the Quizon family."

"Truly honored to have shared the screen with you. We will miss you, Tito Dolphy."

): "RIP, Comedy King. You are sorely missed. Condolences to the Quizon Family, you are in our prayers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

): "RIP, Dolphy. Maraming salamat po."

): "Mang Dolphy was an inspiration, a living icon when i was starting out in ABS, we all dreamed of working with him. He will be missed dearly"

): "From Eric Quizon to my wife "He passed away Jolens, Heaven is now a happier place". She calls him "Tatay Dolphy."

): "Bilang comeDienne ako po ay nalulungkot sa nangyari sa ating comedy King:) Sya ang inspiration ko kaya ako nagpatawa ng nagpatawa"

"It’s 7am and woke up with the sad news.. The King of Comedy is now with the King of Kings. My prayers to his loved ones."

): "Dolphy has them all laughing in Heaven."

): "Tito Dolphy. I pray for the whole Quizon Family. I pray for strength in this weakening moment."

): "I love you Tatay Dolphy! Salamat sa pagkakataong nakasama kita :) lagi kang laman ng aking dasal ikaw lang ang nag iisang Dolphy."

): "Paalam sa nagiisang hari ng komedya.. Hindi namin kayo malilimutan.. Maraming salamat po."

): "Rest in peace tito dolphy."

): "Biglang bumagsak ang araw ko ng ganon ganon lang... Sakit sa dibdib ng lungkot ko... Pahinga ka na Tatay Dolphy. Salamat sa lahat."

: "P.12 us all realize all the more how much we love you. We will never forget you. Rest in God now, Tito. Pls say ’hi’ to my..."

"Salamat sa lahat at paalam ninong dolphy! Our prayers and love to the Quizon clan and r dear@zsazsapadilla"

"mahal ka namin mang dolphy. thank you for having the privilege of working w you in the movies. God bless you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PNOY’S STATEMENT. Maging ang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno "Noynoy" Aquino III ay nagbigay rin ng mensahe sa pagpanaw ni Dolphy.

Isang official statement ang inilabas ng Malacañang kanina sa media kunsaan inihayag ni PNoy ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng Hari ng Komedya.

Matatandaang ginawaran ni Pangulong Aquino si Dolphy ng Grand Collar of the Order of the Golden Heart noong November 8, 2010.

Narito ang mensahe ni PNoy tungkol sa pagyao ng Comedy King:

"Mabuting tao si Dolphy, at kinatawan niya ang karaniwang Pilipino: malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa, at handang harapin ang mga hamon ng tadhana.

"Nagmula siya sa isang henerasyong dumaan sa maraming pagsubok—at sa pakikipagsapalaran ay natutong maging mapagpakumbaba, matapat, at matulungin.

"Hindi kailanman niya tinalikuran ang mga kaibigan, at ang sambayanang naging bukal ng kanyang mga tagumpay.

"Sa loob ng mahabang panahon, ipinakita sa atin ni Dolphy na anumang pagsubok ay may katuwang na pag-asa at ligaya; mulat siyang anumang problema ay mapangingibabawan ng positibong pagtanaw sa kapalaran.

"Binago niya hindi lamang ang kaniyang industriya, kundi maging ang pambansang kamalayan: sa pamamagitan ng kaniyang sining, pinalawak ni Dolphy ang ating pananaw, at binigyan tayo ng kakayahang suriin, pahalagahan, at hanapan ng ngiti ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino.

"Nakikiisa ako at ang aking pamilya, sampu ng ating mga kasamahan sa gobyerno, sa pagluluksa ng Pamilya Quizon ngayong gabi.

"Ang pagpanaw ni Rodolfo Quizon Sr.—ang nag-iisang Hari ng Komedya—ay tiyak na nagdudulot ng lumbay sa isang bansang matagal niyang pinasaya."

CLICK HERE to reminisce Dolphy and his Journey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN