Erik Santos reveals why he will never venture into acting: "Makikipagsabayan ka ba kila Piolo, makikipagsabayan ka ba kila John Lloyd?"

Erik Santos on his greatest achievement as a singer: “Ako, I can say ang greatest achievement ko, yung nakaabot ako ng ten years na nandito pa rin ako. Kasi, iba yun, e. Kumbaga, ’pag nakilala ka ng mga tao… yun, nakilala ka, ang hirap i-sustain. Ang hirap mag-sustain lalo dito sa ’tin, iba yung sistema ng showbiz. Iba yung sistema ng industriya."


Ngayong halos sampung taon na sa showbiz si Erik Santos, marami ang nagtatanong kung ano pa ba ang magagawa niya sa industriya bukod sa pagkanta.

Dahil na rin nanggaling sila sa iisang talent show, ang Star In A Million ng ABS-CBN, madalas maikumpara si Erik sa kasabayang si Christian Bautista.

Nagbida na sa pag-arte si Christian sa pamamagitan ng Pan-Asian series na The Kitchen Musical, kung saan kasama niya si Karylle; napansin pa nga ito sa international scene.

Sa presscon para sa kanyang nalalapit na concert, na ginanap sa Kozui Green Tea sa Tomas Morato, Quezon City, nilinaw ni Erik na nais niyang patuloy na makilala bilang isang singer.

“Kasi ayokong masyadong… hindi kasi ako aktor…so… maybe I can act pero hindi talaga yun yung goal ko sa career ko.

“Ang goal ko kasi career ko, to be like Basil [Valdez], Gary [Valenciano], Martin [Nievera] na talagang nag-stick sila sa singing. Because that’s what they do best, e—singing.

“And feeling ko, yun yung strength ko—yung mag-offer nang mag-offer ng mga kanta, be it masaya or malungkot na kanta. Ayun yung direksiyon ng career ko.”

CHANGES IN HIS MUSIC. Kung mayroon man daw mga pagbabago sa kanya ay may kinalaman ito sa kanyang musika.

“Siguro, mas yung changes, sa music ko. Sa music.”

Nakilala man bilang Prince of Pop, sinusubukan na rin daw ni Erik ang iba pang mga genre upang may bagong abangan ang kanyang mga fans.

“Yeah, actually nag-e-explore kami ng mga bagong approach when it comes to... yung pagre-record ng mga bagong kanta.

“Pero ganun pa rin, ang core pa rin namin, ang main goal pa rin namin is mapalakas yung OPM [Original Pilipino Music].

"Pero yung genre, siyempre sinusubukan pa rin namin.

“Lalo kapag yung mga concerts. ’Yan kasi yung venue, yung perfect venue para mapakita mo yung versatility mo as a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa album, hindi masayado, e.”

Ganunpaman, dadahan-dahanin daw ni Erik ang pagbabago upang hindi mabigla ang kanyang mga tagasunod.

“Kasi dito sa Pilipinas, parang ’pag bigla kang nag-iba, parang iba na yung ano, yung pagtanggap ng tao.

“So, kailangan dadahan-dahanin mo sila. Hindi yung drastic change. Lalo na ’pag music.

"Baka ma-disorient yung [audience] pati yung career pathing mo, kung ano yung goal mo.”

WHY HE WILL NOT DO A TELESERYE. Ipinaliwang ni Erik kung bakit hindi niya piniling tumuloy sa pag-arte, kahit pa karamihan sa mga kasabayan niya ay gumawa na ng mga teleserye o pelikula.

“Actually, oo. Totoo naman yun, e. Iba talaga yung exposure ’pag nasa TV ka, teleserye ka.

“Kaya lang, personal ko lang ‘to, a… makikipagsabayan ka ba kila Piolo [Pascual], makikipagsabayan ka ba kila John Lloyd [Cruz]?

“Dun ka na lang sa alam mong mag-e-excel ka, which is singing. For me, on my personal opinion, yun yung stand ko.

“Ayoko kasing gumagawa ng isang bagay na half-baked.

"E, feeling ko ’pag nag-acting ako, half-baked. Kasi hindi naman talaga yun yung career-pathing ko.

“So, dun na lang ako sa singing which I can say na, ’Ay eto, dito ako, dito ako nag-e-excel.’

"So, dito ako kumikita, dito ko napu-provide-an yung family ko, at dito ako masaya.

“Kumbaga, dito ako magpu-focus, dun din ako kukuha ng idea kung paano ko mare-reestablish yung career ko as a singer.”

NEW TALENTS. Kabi-kabila ang mga talent at artista search shows sa TV ngayon. Sa dami ng nais makapasok sa mundo ng showbiz, hindi nagkaila si Erik na nakakaramdam din siya ng “threat” mula sa mga ito.

“Honestly, siyempre nati-threatened. Tao lang naman kasi tayo, di ba?

"Pero, yun nga, tulad nga nung sinabi ko, nakakatuwa lang kasi na-establish ko na yung sarili ko as a singer.

“And, para maabot ko yung ten years, ang dami mong pagdadaaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I think isa yun sa mga nagpapalakas ng loob ko, na imbes na ma-threatened, to improve yourself more.

“For me, yun. Siyempre nati-threatened pero mas ginagamit ko yun para gawin pa yung mas best ko sa ginagawa ko.

“Siyempre ’pag sa mga concerts kailangan may bago ka laging ipapakita. Kailangan meron ka palaging hit song.

"Sa singer yun, a, sa pagiging singer.

“And since singer ako, dun ako nagpo-focus.

"Kailangan sa isang album na ilabas mo, meron kang hit song. Kailangan sa isang concert na gagawin mo, may bago ka laging ipapakita.”

STAYING POWER. Sa kanyang palagay, ano kaya ang sikreto ng pagtatagal niya, at maging ng mga kasabayan niyang tulad ni Christian sa industriya?

“Kung meron man kasing bagay na pareho kami ni Christian, yun yung dedication sa trabaho.

“’Pag nag-uusap kami, lagi kaming nagmi-meet on one point na, kapag nagkakasundo kami sa bagay, na yung hindi kami namimili ng work.

“Kasi yun yung ugali niya rin, e, yung ’pag may dumating na work, tanggap lang nang tanggap nang tanggap.

“Kumbaga, ang hirap mag-say no, lalo na kung gusto mo yung ginagawa mo. So I think yun yung pinagkapareho namin ni Christian," saad ni Erik.

Malaki din ang pagpapasalamat ni Erik sa kanilang mga fans na patuloy ang pagsuporta sa kanila.

“’Tsaka siyempre andiyan yung discipline, yung pagmamahal namin sa supporters namin.

“Kasi, totoo naman, if it’s not because of our supporters, simula pa nung nagsimula kami, kung hindi talaga sila kumapit sa’min, wala, wala. Hindi rin kami mapupuntahan.”

GREATEST ACHIEVEMENT. Sa dami ng mga bagong singers na nais gumawa ng pangalan sa industriya, maituturing ni Erik na greatest achievement niya ang manatili sa showbiz nang ganito katagal.

“Ako, I can say ang greatest achievement ko, yung nakaabot ako ng ten years na nandito pa rin ako. Kasi, iba yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, ’pag nakilala ka ng mga tao… yun, nakilala ka, ang hirap i-sustain

"Ang hirap mag-sustain lalo dito sa ’tin, iba yung sistema ng showbiz. Iba yung sistema ng industriya.

"Kaya nga sabi ko kanina, ‘pag nag-usap kami ni Christian, napaka-grateful namin na nakasampa kami.

“And, ‘pag naglalabas kami ng album, tinatangkilik pa rin ng mga tao, ‘pag nag-concert kami, pinupuntahan pa rin ng mga tao.

“So kahit na may mga bagong dumadating, every year ang daming dumadating, napi-feel namin na, ’Wow, galing ‘no, nakakapag-concert pa rin tayo.’

“Kumbaga, in demand pa rin tayo so abroad, yung ganun. So, nakakatuwa lang.”


Magaganap ang "The Greatest Theme Songs" concert ni Erik sa August 30 at 31 sa Meralco Theatre, Pasig City. Guests niya sina Basil Valdez, Gary Valenciano, Vina Morales at ang vocal group na Opera Belles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN