Marian Rivera talks about recent visit to Spain with boyfriend Dingdong Dantes

Marian Rivera and boyfriend Dingdong Dantes went to Spain last month to visit her dad and grandparents. This is the second time that Marian brought Dingdong to meet her relatives in Spain.


Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang magbakasyon si Marian Rivera sa Spain, kasama ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Muling binisita ng Kapuso actress ang kanyang ama na Francisco Javier Gracia at ang mga kamag-anak niya sa father side.

Naging masaya raw si Marian sa naturang bakasyon. Proud na proud pa nga niyang ipinakita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang larawan ng kanyang Papa at mga kapatid niya sa ama na kuha mula sa kanyang cell phone.

Kuwento ni Marian, “Masaya lalo na noong bumalik ako galing sa Spain. Nagkaroon kami ng bonding.

“’Tapos ngayon, every day, magka-chat kami ni Papa. Pinapadalhan ko siya ng picture.

“Dito sa phone ko, nagtsa-chat kaming dalawa.”

SECOND TIME. Ito ang ikalawang beses na dumalaw si Marian sa Spain kasama si Dingdong; ang una ay noong 2010. Doon sa Spain ipinanganak ang aktres.

Pag-uwi ni Marian noon, masaya nitong ikinuwento na halos araw-araw na silang magkausap ng ama.

“Text -text lang, hindi ‘tulad ngayon na minu-minuto yata.”

Ang Papa pa raw niya ang nagturo sa kanya kung paano sila makakapag-chat.

“Hindi ako masyadong ano sa technology. Kumbaga, nagsi-cell phone ako, nag-i-email ako, okay na ko.

‘’Tapos sabi ng Papa ko, ‘Mag-download ka doon sa Wazzup, mag-chat tayong dalawa.’ So, nagtsa-chat kami.

“Tipong kakagising ko, pipiktyuran ko, ise-send ko sa kanya. ‘Nandito ako sa taping. O, matutulog na ako….’

“Naka-pantulog na ako, magtsa-chat ako sa kanya. Ise-send ko ang picture ko. Ganoon din siya.

“’Tapos ka-chat ko rin ang asawa niya, ipapadala nila mga pictures ng mga kapatid ko. Mga ganoon, kaya ang saya.”

Pagkatapos ng dalawang taon ay malalaki na nga raw ang mga kapatid niya sa ama.

Ayon kay Marian, “Ang pinakamatanda kong kapatid, 10 years old. Pinakabata is two years old.”

Tatlo raw ang kapatid niya sa Papa niya. At may pagmamalaki ngang sinabi ni Marian sa amin na sweet sa kanya ang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang sweet nila sa akin at unexpected na ganoon sila.”

Bukod daw sa Papa niya at mga kapatid, nagkaroon din siya ng panahon na ma-meet ang grandparents niya.

“Kaya masaya ako. Parang iba pala talaga kapag na-meet mo ang pamilya mo nang buung-buo.

“Parang kahit anong katiting diyan, dededmahin mo na lang,” sabi ni Marian.

DINGDONG. Kumusta naman ang pakikitungo ng pamilya niya sa Spain sa boyfriend niyang si Dingdong?

“Ay, okay sila ni Papa. Sweet silang dalawa,” nakangiting sabi ng aktres.

“Minsan nga, may one time na nagpunta kami sa bahay, nagluluto sila together, ha—silang dalawa ang naghahanda.

“’Tapos kami ng asawa ni Papa, kami ang nagtsi-chikahan. Sila ang nagluluto.”

Sa mga sandali ba na yun, hindi sumagi sa isipan niyang, “Sana ganito na lang ang life?”

“Oo naman,” sagot niya.

“Pero hindi rin naman makatotohanan na ganoon lang ang buhay. Kailangan mong magtrabaho.

“Para kapag nagtrabaho ka, may kikitain ka, kailangan mo ulit umalis. Yun ang motivation.”

MOVIE WITH COCO. Samantala, hindi pa rin masagot ni Marian kung kailan sila mag-uumpisa ng shooting ng pelikula niya with Coco Martin para sa Regal Entertainment.

Ayon kay Marian, “Wala pa nga, e. Inaayos pa.

“Pero okay lang yun, mangyayari rin yun lahat. Inaayos pa lang ang sked.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN