Ronnie Quizon announces schedule of viewing of Dolphy’s remains

"Please wear white for my dad. It’s my father’s favorite color," posts Ronnie Quizon on the wall of Facebook group Independent Cinema Artists of the Philippines.


Nag-post ng mensahe ng pasasalamat at schedule for public viewing ng mga labi ng Comedy King na si Dolphy ang anak niyang si Ronnie Quizon sa Facebook group na Independent Cinema Artists of the Philippines.

Si Ronnie ay anak ni Dolphy sa dating aktres na si Baby Smith, na gumamit ng screen name noon na Pamela Ponti. Kapatid ni Ronnie ang aktor-direktor na si Eric Quizon at ang aktor na si Jeffrey "Epy" Quizon.

Yumao kahapon, Hulyo 10, ang Hari ng Komedya ganap na alas-8:34 ng gabi matapos ang mahigit isang buwang pagkakaratay sa Makati Medical Center (MMC).

“Multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure” ang opisyal na sanhi ng pagpanaw ni Dolphy ayon sa inilabas na statement ng MMC.

Sa post ni Ronnie ngayong araw, Hulyo 11, humingi muna ito ng paumanhin sa mga hindi niya nasagot na kumu-contact sa kanya mula nang mamatay ang kanyang ama.

Aniya, naging abala siya at ang kanyang pamilya sa pag-aasikaso ng burol at libing ng kanilang ama.

Nangako siyang babalikan ang mga tumatawag at nagte-text sa kanya sa lalong madaling panahon.

Pagkatapos nito’y inilagay na niya ang ilang requests at schedule ng viewing ng mga gustong magbigay ng huling respeto sa kanyang ama.

Narito ang kanyang mga posts:

1. PLEASE WEAR WHITE FOR MY DAD. IT’S MY FATHER’S FAVORITE COLOR.

2. Instead of flowers, please make donations to the DOLPHY AID Para Sa Pinoy Foundation. My father would prefer that you help him help other Filipinos.

3. ABS-CBN DAY - (Wednesday, July 11, 2012)
My father’s body will be at the Dolphy Theater in ABS-CBN from 1:00 pm today until 3:00 am tomorrow. The early hours will be for ABS-CBN employees and other Kapamilya, and our family and friends. ABS-CBN will open its doors for public viewing starting 9:00 pm tonight, until 3:00 am tomorrow. After which, my father will be brought back to the Heritage Park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

4. TV5 DAY - (Thursday, July 12, 2012)
We will open our doors for public viewing daily from 8:00 am up to 3:00 pm. On this day, however, TV5 employees and other Kapatid will have the rest of the day (and night) along with our family and friends.

Note: As of this writing, we still don’t know the arrangements with GMA7, so please wait for further announcements.

5. (Friday, July 13, 2012) and (Saturday, July 14, 2012)
Doors will be open for the public from 8:00 am - 3:00 pm. The rest of the day will be reserved for family and friends of the family. After 3:00pm, please make arrangements with members of the family for clearance.

6. (Sunday, July 15, 2012) Please await further announcements.

7. ABSOLUTELY NO UNAUTHORIZED CAMCORDING AND PICTURE-TAKING WILL BE TOLERATED. I HOPE YOU UNDERSTAND THIS VERY WELL. I’M SORRY IF WE HAVE TO HAVE YOU ESCORTED OUT, ARRESTED OR HAVE YOUR CAMERAS CONFISCATED.

Para sa mga kaibigan at kakilala niyang gustong gumawa ng arrangements sa pamilya ni Dolphy, kontakin na lang daw siya ng mga ito at pipilitin niyang ma-accommodate ang mga request na makukuha niya.

Bago niya wakasan ang kanyang post, nag-iwan siya ng bilin mula sa kanyang ama, noong nabubuhay pa ito.

“SMILE! That’s what my father asked from all of you. He would appreciate it if you smile when you think of him, and to smile at someone to make his day brighter too. To quote his favorite song.......’YOU’LL FIND THAT LIFE IS STILL WORTHWHILE, IF YOU JUST SMILE.’ ~ Charlie Chaplin

“OUR FAMILY CONTINUES TO THANK THE NATION FOR ALL THE LOVE. WE ARE PRAYING FOR YOU TOO.

"Smiling, though my heart is aching.....................
Ronnie”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN