Part 1. Myrtle Sarrosa has forgiven PBB Teen housemate Yves Flores for deceiving her

Myrtle Sarrosa on former PBB Teen housemate Yves Flores: “Actually, na-realize ko na during the concert week, talagang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Pero no’ng nalaman ko po, suddenly nawala po yung emosyon ko sa kanya. And parang na-hurt po ako and nagalit po ako. Kasi yung kinaiinisan ko talaga sa isang lalake, yung niloloko po ako, nagsisinungaling sa akin."


Kaakibat ng pagkakapanalo ni Mrytle Sarrosa sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 ay ang intrigang may hinampo pa rin siya co-housemate niyang si Yves Flores.

Pinaniwala raw kasi siya ng binatang taga-Tarlac na wala itong kasintahan.

Ang paghagulgol daw noon ni Mrytle sa Bahay ni Kuya ay isang malinaw na ebidensiyang dinamdam niya nang husto ang pagkakatuklas na meron pa ring kasintahan si Yves noong magparamdam ito sa kanya.

Lumalabas tuloy na talagang nahulog ang loob ni Myrtle sa kapwa niya housemate.

Ito ang tinanong PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Myrtle sa presscon ng PBB Teen Edition 4 Big Four kahapon, July 11, Miyerkules, sa 9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

Saad ng cosplayer mula sa Iloilo, “Actually, na-realize ko na during the concert week, talagang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

“Pero no’ng nalaman ko po, suddenly nawala po yung emosyon ko sa kanya. And parang na-hurt po ako and nagalit po ako.

“Kasi yung kinaiinisan ko talaga sa isang lalake, yung niloloko po ako, nagsisinungaling sa akin.

“Kasi nga po in the past, marami na akong bitter experiences na parang niloko ako ng mga lalake.

“Kaya po parang na-hurt po ako kaya naiyak po ako nang husto.”

Ibig bang sabihin nito ay tablado na sa kanya si Yves? O napatawad niya na ang binata?

“Of course naman po, people get second chances. Na-forgive ko naman po siya and he’s trying his best para bumawi sa akin,” sagot ni Myrtle.

Nawala na ba ang tiwala niya kay Yves?

“Kasi po yung trust, once broken, mahirap na pong ibalik sa dati.”

Sinasabi daw ni Yves na itutuloy nito ang panliligaw kay Myrtle ngayong nakalabas na sila sa Bhay ni Kuya. Ano ang reaksiyon ni Myrtle dito?

“Uhm... gaya po ng nasabi ko, never pa talaga akong nagka-boyfriend at sa labas ng Bahay ni Kuya, hindi po talaga ako nagpapalapit sa mga lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa nagsasalita ng ayaw ko. Ayaw ko lang talagang magkaroon ng boyfriend ngayon… maybe in the future.

“Pero ayaw kong magsalita nang patapos,” saad niya.

Yung chance ba na sagutin niya si Yves ay lumabo na dahil sa panloloko nito sa kanya?

“Forgiven naman na po siya. Pero dapat lang po na patunayan niya yung sarili niya.

“Bibigyan ko siya ng chance… may pag-asa.”

Paano kung sila ang pagtambalin ng ABS-CBN?

“Okey lang po, friends naman kami ngayon,” sagot ni Myrtle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN