Chef Boy Logro on choosing between being a chef and an actor: “Chef pa rin, mahal ko talaga ang pagluluto.”

Chef Boy Logro on working with Marian Rivera: “Noong una, talagang nahihiya ako. Siyempre, si Marian… si Marian. Pero noong bandang huli, sabi niya, ‘Lo, ganyan-ganyan.’ ’Tapos yung kakalugan niya, nakakatuwa. Noong una, nahihiya pa ako dahil hindi ko akalain na ganoon pala siya kabait."


Hindi na talaga mapipigilan ang pagpasok nang tuluyan sa showbiz ni Chef Boy Logro.

Bukod sa kanyang cooking show na Kusina Master tuwing umaga sa GMA-7, si Chef Logro ay gumaganap na lolo ni Marian Rivera sa weekly sitcom na Tweets for My Sweet.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chef Logro sa taping ng sitcom nila noong July 10, Martes, sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Naitanong namin kung paano na ang schedule niya ngayong nag-aartista na rin siya.

Ayon kay Chef Logro , "Ayun po, masyado nang hectic. Hindi na siya normal, abnormal na.!

“Ganoon pala yun. Para kang bulaklak na maraming bubuyog.

“Ibig sabihin, ang mga fans, kapag nagpunta ka ng mall, may tumili na, ‘Si Master Chef, ayun!’ naglapitan lahat.

"Kaya ngayon, hindi na ako masyadong nagmu-mall. Gusto ko normal pa rin.”

“ABNORMAL” SITUATION. Sinabi naman namin sa kanya na malabong maging “normal” ulit lahat sa kanya ngayong napapanood na siya sa telebisyon.

“Oo nga, e, abnormal na,” pagsang-ayon naman niya.

Napansin niya na tila mas dumarami ang nakakakilala sa kanya ngayon dahil sa sitcom nilang Tweets for My Sweet.

“Ay grabe, akala nila, si Dingdong [Dantes] ako. Lolo nga lang niya!” biro niya.

Pero sa lahat ng ito, sa kabila ng abnormal na oras niya, masaya at nagpapasalamat siya sa lahat ng tinatamasa ngayon.

“Napakasaya ko," sambit niya.

"Unang-una, nakakapagod, pero maganda naman ang feeling na kung kailan tumanda ako, saka naman, di ba?

“So, nakakatuwa. At least, maraming project. Maraming commercials.”


GOOD KARMA. Fifty-seven years old na si Chef Logro kaya wala raw talaga sa hinagap niya na sa ganitong edad pa raw pala siya mabibigyan ng mga oportunidad sa telebisyon.

“It’s not in my dream. No, oh my goodness, hindi po.

"Parang, boom! ‘Eto na! Parang ganoon lang.

“At nangyayari pala yun sa tunay na buhay. Parang panaginip na totoo pala! Meron palang ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naitanong tuloy kay Chef Logro kung ano kaya ang nagawa niya in the past para mabigyan siya ng ganitong blessing ng Panginoon?

“Well, siguro ang kakuwelahan ko sa ginagawa kong pagluluto. Na masaya ako.

“Na hindi ko iniisip yung mga problema. Basta ang gusto ko, masaya lang.

“Hindi masyadong formal na puwede namang fine dining ang pagkain.

“Puwede namang masarap kahit sa simpleng pagkain. Simpleng recipe, simpleng ingredients. Lumabas na parang may buhay.”

Kabubukas lang ng bagong restaurant niya, ang Chef Boy Logro’s Restaurant, sa Imus, Cavite.

Aniya, “Naku po, naaawa nga ako sa mga tao. Sobrang dami. Dumadayo sila.”

Wala ba siyang planong magtayo ng branch nito sa Manila?

“Why not? Pero i-settle ko munang mabuti. Kapag naayos ko na.

"Hindi pa nga ako masyadong natapos ng aking mga recipes. Partial pa lang.”


COOKING SCHOOL. May culinary school din siya kunsaan personal siyang nagtuturo tuwing Biyernes at Sabado sa Cavite.

Ilan daw sa mga artistang nag-aaral sa kanya ay sina Jodi Sta. Maria at Love Añover.

“Ang dami nilang magku-culinary kaya lang, malayo lang ang aking lugar—sa GMA [General Mariano Alvarez], Cavite.

“Kaya nga po kung malapit, gusto nila sa Manila. Balak ko rin naman pong maglagay, maybe in San Juan.”

MARIAN RIVERA. Pareho silang taga-Cavite ng co-star niya sa Tweets For My Sweet na si Marian Rivera kaya posibleng yun ang pinagkakasunduan nila.

“Ay, opo! Para nga kaming sa tunay na buhay, e. Lolo niya talaga ako kapag nagkukuwentuhan kami," sabi niya.

Mahilig din bang magluto si Marian?

“Opo. Partially, siguro sa mga ginagawa ko, may mga bagay na natutunan siguro siya.

“Yung paghiwa, pag-sauté, tinuturo ko rin naman po.”

Nagsabi na rin daw si Marian sa kanya kung paano ito makakapag-aral ng culinary.

“Sabi ko, ‘Sige, wala ka namang time so bibigyan kita ng recipe, gawin mo sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Kapag may taping tayo, dalhin mo at ie-evaluate ko para pumasa ka rin ng six months… may diploma. Parang home study.’”

Wala pang natitikman na luto ni Marian si Chef Logro, pero nakikita raw niyang magaling ito.

“Magaling siya. Nakikita ko sa kanya at saka determinado talaga siyang matututo at, sa tingin ko, yun talaga ang dream niya.”

Hindi naman itinanggi ni Chef na noong una, nahihiya raw siyang talaga kay Marian.

“Noong una, talagang nahihiya ako. Siyempre, si Marian… si Marian. Pero noong bandang huli, sabi niya, ‘Lo, ganyan-ganyan.’

“’Tapos yung kakalugan niya, nakakatuwa.

"Noong una, nahihiya pa ako dahil hindi ko akalain na ganoon pala siya kabait.

“Hanggang sa meron na kaming yung eksena na, nadaragdagan ng adlib.

“Nadaragdagan ko rin sa akin. Lumabas na mas maganda.

"Kaya I’m trying hard na matuto rin na acting-acting kunwari.”

NOT REALLY AN ACTOR. Hindi man daw talaga siya artista, nagpapasalamat si Chef Logro sa mga kasamahan niya na sinusuportahan daw siya sa Tweets For My Sweet.

“Hindi naman tayo artista, so trying hard ako to memorize the script.

“Pero at the end naman, kahit paulit-ulit ako, matiyaga naman sila na pagbigyan ako dahil hindi naman ako artista.

“At the end, maganda naman po.”


Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa dalawang beteranong artistang kasama nila sa show—sina Nova Villa at Roderick Paulate?

“Ay naku, yung dalawang yun, kapag nakikita ko sila, pinipilit ko na maging katulad nila kasi, idol ko sila, e.

“Kapag um-acting sila, parang, ‘Kaya ko kaya yun?’”


INTRIGUES. Aware din si Chef Logro na may mga intriga na rin sa kanya sa mga kapwa niya chef.

“Oo nga po. Marami pong nagkukutya na ganoon, ‘Magaling ako diyan, walang kuwenta ‘yan.’

“Pero ako naman po, hindi, e, natutuwa ako kapag ganoon. Kasi nga, wala naman din akong dapat na ikagalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Totoo rin naman na hindi tayo nakapag-aral. Subalit ibinigay ng Panginoon na meron kang school, merong TV shows.

“So, parang nakakatuwang isipin na bini-below the belt ka nila, pero ang blessing naman ng Panginoon ay, ‘eto na, ibinigay Niyang lahat.

“Hindi ko naman pinagmamalaki po yun. Ako po ay ito pa rin, chef pa rin.”

Apat na dekada na raw siyang chef at halos nalibot na niya ang buong mundo, kasama na rito ang paninilbihan niya sa hari ng Oman.

Hindi na rin daw niya kailangang mamili sa pagiging chef o artista.

“Chef pa rin, mahal ko talaga ang pagluluto. Ngayon lang, may blessing at napagsasabay natin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN