Sam Pinto tells fans who will attend FHM victory party: “Sana magulat kayo!”

Sam Pinto reveals that she will show more skin during the victory party of FHM Magazine’s 100 Sexiest Women of the Philippines. On what she is going to wear, she hints: “Ngayon, may balot naman, but it’s going to be more skin. Naka-prepare na, 99 percent okay na siya.”


Dalawang magkasunod na taon na nahirang si Sam Pinto na FHM’s Sexiest Woman.

Sa loob ng mga panahong ito, hindi nawala ang intriga na diumano’y bumibili siya ng boto.

Sa press conference ng FHM 100 Sexiest Women sa Midas Hotel noong Martes ng gabi, July 10, tinanong ng ilang miyembro ng media si Sam kung naapektuhan siya ng ganoong intriga.

Nakangiting sinagot naman ito ni Sam.

Aniya, “Same lang… actually this time, it’s just my mom’s reacting… I cannot please everyone.”

Nilinaw rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging pahayag ni Sam sa isang interview na pagkatapos niyang manalo ng dalawang taong magkasunod sa FHM, hindi na niya ika-career ang botohan sa susunod na taon.

(CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag niya, “No, no... I don’t mean it that way. But what happened is, yun ang time na in-announce na ako ang nanalo.

“So, my head was just floating all time. But I want others to experience what I experienced.

“Kasi, grabe naman, holding this title… Hello! Ang daming nangyari sa buhay ko last year.

“I just want other girls to experience what I experienced.”


SOCIAL NETWORK CAMPAIGN. Hindi naman itinanggi ni Sam na talagang nangampanya siya sa pamamagitan ng Twitter account at Facebook fan page niya.

Nagbigay nga ba siya ng mga regalo?

“Yes, yung mga fans ko ang nag-suggest na, ‘Why don’t you give gifts sa mga nag-vote sa ‘yo?’

“Pero yung mga gifts na yun, little things like fan sign, t-shirt... t-shirts from sponsors."

So, kung sponsors, ano ang ibig sabihin?

“So, ibig sabihin, hindi ko binibili ang mga yun. Hindi ako naglabas ng pera. Little gifts lang talaga," sabi niya.


MORE DARING. Noong rumampa siya sa victory part ng FHM last year, balot na balot ng crochet material ang suot niya. Pero ngayon daw ay iba na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaganapin ang victory party ng FHM 100 Sexiest Women mamayang gabi, July 12, sa World Trade Center.

Sabi ni Sam, “Ngayon, may balot naman but it’s going to be more skin. Naka-prepare na, 99 percent okay na siya. Fantasy ang theme this year.”

Manggugulat siya?

“Sana magulat kayo!” natatawa niyang sabi.

no ang nakaka-high sa pagiging No. 1 sexiest woman?

“Oh, my gosh! I think, that’s it. Just holding the title is such an honor. There’s so many things that’s going on with me.

“Ano pa ba? Ang dami lang talagang nangyayari sa buhay ko after holding that.”

INTRIGUE. Pagkatapos nito ay tinanong ng PEP si Sam tungkol sa intrigang meron daw isang talent manager na gustong ilayo ang mga alaga nito sa kanya.

“Why? Sino ‘to?” natatawang tanong niya.

Ayon sa balita, hindi niya raw pinansin ang manager kahit nasa isang lugar lang sila.

Sagot ni Sam, “Well, I guess I apologize if I don’t really notice you. Maybe, I don’t really see you. If I saw you, I would say hi."

Masasabi ba niyang isa siya sa mga misunderstood stars?

“Super! Oh, my God, yeah!” mabilis niyang sagot.

“Maybe because I’m not really the type na super out there.

“I’m very reserved to myself. I’m not yung, ‘Kumusta?’

"I guess people always misunderstood for being snub, mataray.

“But, I don’t know…”

May plano ba siyang magbago para ma-please ang iba?

“I guess I have to if it comes to this point.

"But of course, I don’t want to change. This is me.

"If you don’t like it, just accept na lang," sabi niya.


NO LOVELIFE. Sa two years in a row ng pagiging FHM Sexiest Woman niya, consistent si Sam sa pagsabing wala talagang lalaki sa buhay niya o kahit manliligaw man lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi niya, “Yun nga! Mas lalong natatakot sila rito. May ganoon talaga.

“Hindi ko nga alam kung sino pa yung sinasabi nilang politician na ’yan. Pero wala… wala talaga.”

Para yatang hindi kapani-paniwala?

“I guess, it’s my choice, not now.”

Paano niya bina-block ito?

“Me kasi, I have strong feeling kasi. We can hang out, but that’s about it.

“Ako pa, I’m a very straightforward person, so people always misunderstood that.”

Bilang sexiest woman, ano ba ang hinahanap niya sa isang lalaki?

“Naku, marami!” natatawang sabi niya.

"Hindi, biro lang. Choosy rin ako.

“Of course, I’m really close to my mom so I want him to be really close to his family, too.

“And funny, taller than me, if possible, lalo na kapag naka-heels ako.

“And someone that is very interesting to talk too. I love learning stuff from other people kasi.”

Kailangan din ba seksi ang guy?

“Preferably yes, but if not, it’s okay.”

SENATOR BONG. Pero yung isyu ng pagli-link sa kanila ni Senator Bong Revilla ay tila hindi namamatay, bakit kaya?

“Well, maybe because I’m doing the Agimat, Enteng And Me. I guess, I’m doing that at palaging kasama naman talaga ang mga isyu na ‘yan.

“The last time I saw him, sa shooting ng Boy Pick-Up The Movie," sabi ni Sam.

Hindi rin kaila ang pagiging married man ni Senator Bong.

“That’s the whole point, he’s married,” diin ni Sam. “He’s married. I respect that and that’s really nothing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN