Eric Quizon grateful for tributes to his father, Comedy King Dolphy

"We draw strength from each other. Maski kaming magkakapatid, we draw strength from each other. Sa dami namin, ‘no? Maraming strength ‘yon na nakukuha namin sa isa’t isa," Eric Quizon says about the passing of his father Comedy King Dolphy.


Simula nang maipasok sa ospital si Comedy King Dolphy noong Hunyo 10, patuloy ang hiling ng pamilya na ipagdasal ang pagbuti ng kalagayan ng kanilang padre de pamilya.

Masaya naman ang kaniyang mga anak na tinupad ng bansa ang kanilang kahilingan, dahilan raw ng pagkakaroon pa nila ng mas maraming araw para makapiling ang ama.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Eric Quizon, direktor-aktor na anak ni Dolphy, paulit-ulit niyang pinasalamatan ang lahat ng nag-alay ng panalangin para sa kanyang ama.

Ang panayam ay naganap matapos ng necrological service na inihanda para sa batikang komedyante kagabi, July 11, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

“The Quizon family has been very thankful ever since the time we asked for prayers. The first time we asked for prayers and everybody prayed that we get our wish to spend more time with our father, we got it,” sabi ni Eric.

Dahil daw dito, nakita niya at ng kanyang mga kapatid at iba pang kamag-anak kung gaano na lamang ang naging impluwensya ng kaniyang ama sa mga Pilipino.

“Noong araw pa lang na ‘yon, alam na namin kung gaano karaming tao ang nagmamahal sa kanya.

“Kaya kami, ang pamilya namin, nagpapasalamat kami sa mga tao dahil nga ipinakita nila ang kanilang pagmamahal sa daddy ko na talaga namang masasabi na overpowering. Overwhelming ang naging reaksiyon ng mga tao sa daddy ko.

“Maski kaming magkakapatid, kaming pamilya Quizon, nalaman namin kung gaano kaimportante at kahalaga at kung gaano kamahal ang daddy namin noong nangyari ito."

Ikinatuwa rin ng kanilang pamilya ang ipinakitang pagbubuklod ng mga Pilipino para sa Hari ng Komedya.

Ani Eric, “Hindi lang kami ang naging mas united.

“Kumbaga, parang karamihan sa atin, most of the Filipino people were there with us.

“Kaya sa lahat ng mga nagdasal at sa lahat ng mga nagmamahal sa daddy ko, maraming salamat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO NETWORK WAR. Dahil sa naging magandang impluwensya ng Comedy King sa showbiz, kitang-kita rin ang pagkakaisa ng mga TV network, at ng print at online media para magbigay-pugay sa kanya.

Sa ginanap na necrological service kagabi, kapansin-pansin din na may representative halos lahat ng media sa loob ng Dolphy Theater, isang bagay na bihirang mangyari, lalo pa’t sa loob ng ABS-CBN ito ginanap.

“I’m happy for that,” komento ni Eric sa pagsasama-sama ng iba’t ibang media outfit para sa kanyang ama.

Dagdag pa niya, “Kumbaga, ang nangyari, parang nagkaroon ng chance na…

“Even outside sa Makati Med, napansin ko na all networks were like all cooperating.

“Here, we’re in ABS-CBN, but they allowed people from other networks and from other newspapers.”

Maaaring maulit pa raw ito kung sakaling matuloy ang binabalak na isang malaking tribute para sa kanyang ama.

Kuwento ni Eric, “You know what, I was just talking to some of the bosses here.

“They’re all planning to have a tribute to my father.

“The only way to be able to do that is to have all his body of work, to be able to compile all his body of work.

“You will need to have all the networks for that kasi may ibang properties na pampelikula na pag-aari ng [GMA-7], ng [TV5], pag-aari ng [ABS-CBN].

“In order for them to put that together and give a real tribute like [putting together] his body of work—then, they have to be together.”

Naging tirahan ni Dolphy ang ABS-CBN sa loob ng mahigit apat na dekada. Dito siya nagkaroon ng unang TV show, ang Buhay Artista.

Noong 2010 naman ay lumipat ng TV5 si Dolphy, kung saan gumawa siya ng sitcom na Pidol’s Wonderland. Naging bahagi rin siya ng pelikulang Rosario, na unang proyekto ng movie arm ng Kapatid Network na Studio 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nakatrabaho naman ng Comedy King sa mga pelikula ang ilang artista mula sa Kapuso network. Isa na rito si Vic Sotto na mas madalas nakikita sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN