LJ Reyes on status of relationship with Paulo Avelino: "Basta okay ang lahat."

LJ Reyes refuses to answer the issues surrounding her relationship with Paulo Avelino. “So, mabuting tahimik na lang. Kung may sasabihin kami, ayaw n’yong maniwala, ang dami pa ring issues na lumalabas," she says.


Abala si LJ Reyes sa pagpu-promote sa kanyang pelikula na entry sa Cinemalaya Philippine Independent Festival, ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

Nang humarap ang Kapuso actress sa ilang movie press noong Miyerkules, July 11, hindi maiwasang maungkat ang tungkol sa kanila ni Paulo Avelino, lalo pa’t kung anu-anong intriga ang naglalabasan tungkol sa kanilang relasyon.

Gaya ni Paulo, hindi kumportable si LJ na pag-usapan ang tungkol sa kanila. Kahit pa naging isyu ang hindi pagbanggit ni Paulo sa pangalan niya at ng baby nilang si Aki sa acceptance speech nito para Best Actor award na napanalunan ng aktor sa Gawad Urian.

“Sa amin, hindi na issue yun. Kilala n’yo naman ang taong yun na hindi naman talaga siya good speaker.

“Kahit ako siguro, manalo ako ng Urian, matutulala na lang ako, mara-rattle na siguro ako,” depensa ni LJ para kay Paulo.

Sa tono ng mga sagot nito ay nagkakaintindihan sila ni Paulo, at okay na raw siya sa ganun.

Naiintindihan niyang kailangang gawin iyon ni Paulo dahil parte ito ng trabaho.

Pagdating sa kanilang relasyon, hindi na raw ito kailangang pag-usapan pa sa publiko.

“Feeling ko, hindi na tinatanong ang bagay na ’yan, kasi what’s private is private,” pakli ni LJ.

Ayaw na ring patulan pa ni LJ ang ibang intrigang hiwalay na raw sila at hindi na nakapagbibigay si Paulo ng tamang sustento para sa kanya at sa kanilang anak na si Aki.

“Ang nakakatawa kasi, sa lahat ng isyu about this is, kahit anong sabihin namin, kahit ano pang lumabas sa bibig namin, people will think what they want to think.

“So, mabuting tahimik na lang.

"Kung may sasabihin kami, ayaw n’yong maniwala, ang dami pa ring issues na lumalabas.

"So, huwag na lang kami magsalita at hayaan na lang ang taong mag-isip,” diretsong sagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw silang problema, at kung anong relasyon meron sila noon ay ganun pa rin daw ngayon. Wala naman daw nabago.

Ang dagdag na pahayag ni LJ, “Ano kasi, siyempre, hindi mo naman puwedeng tingnan na diretso lang ang isang bagay.

"For me, hindi mo rin talaga maintindihan until ikaw mismo, nandun ka."

Ang mahalaga raw ay nagkakaintindihan sila ni Paulo, at masaya sila kasama ang kanilang anak.

“Basta okay ang lahat. Masayang-masaya si Aki,” nakangiti niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung isasama ba niya si Paulo sa gala night ng Intoy Syokoy sa July 21, na gaganapin sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP.

Pero isang makahulugang ngiti lang ang isinagot sa amin at ayaw na niyang umimik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN