Eda Nolan on her separation from live-in partner Gian Carlos: “Kung hindi ka na happy, parang wala ka ng reason.”

Eda Nolan’s advice to daring kids: “Makinig sa parents; at yung love, trust me, mas okay siya kung right age at mentally prepared ka.”


Inamin ni Eda Nolan na hiwalay na sila ng live-in partner niyang si Gian Carlos. May anak silang apat na taong gulang—si Andrei.

Inilahad ito ni Eda sa ginanap na press conference para sa FHM 100 Sexiest Women kunsaan, isa siya sa mapalad na nakasama sa Top 100 list.

Inamin din ni Eda na ngayong taon lang nila napagdesisyunan ni Gian na maghiwalay pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

“This year lang naman,” sabi niya.

Si Eda ay isang Kapamilya teen star noon, habang si Gian naman ay nanalong First Prince sa StarStruck Batch 3 ng GMA-7.


LIVING IN. Nabuntis si Eda at tuluyan na silang nagsama. Pero bakit nauwi rin sila sa hiwalayan?

“Siguro kasi, hindi na kami nagwo-work out. Yun lang yun. Mutual din naman.

“And since, napag-usapan din naman na, ‘Hindi na tayo happy.’

“Ayoko rin naman na lumaki ang baby na away lang nang away. So, might as well na… alam n’yo yun?”

Ano ba ang madalas nilang pinag-aawayan?

“Marami. Marami, e. Pero, in fairness naman kay Gian, noong sinabi ko na, ‘I think, mas okay na maghiwalay,’ nirespeto naman niya.

Sinubukan naman daw nilang i-work-out pa ang relasyon nila.

Pero sabi ni Eda, “Kung hindi ka na happy, parang wala ka ng reason. We can still be parents naman kahit hindi kami together.

“So, hindi kailangan na… ‘Dahil sa baby... because of love...’”


TIMELY ADVICE. Masasabi naman niyang naka-move on na siya at sabay tangging may third party involved.

“Wala, wala po talaga. Parang recently lang naman.”

Kumusta ang relasyon nila ni Gian ngayon?

“Nag-uusap kami about the bata. Pinapaalam ko. Kung may kailangan, ’Uy, ’eto na, mag-i-school na si baby.’"

Natatawa naman si Eda sa tanong kung paano ang mga hatian nila sa bata tulad ng pinansiyal na suporta.

“Kung sino ang meron, yun ang magbibigay. Hindi naman po obligado.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang naging karanasan, ano ang kanyang payo sa mga kabataan na nagmamadali sa buhay o yung gustong magkaroon ng anak sa batang edad?

“Naku, huwag magpadalus-dalos. Makinig sa parents. Kasi minsan, akala mo, sinasakal ka ng parents mo.

“Pero alam n’yo, walang masamang gustong mangyari ang parents mo. Kasi minsan, parang nakakairita.

“Lalo na sa parents ko dati na, ‘Nasaan ka na? Uwi ka na!’ Ang kulit!

“Parang wala kayong tiwala sa akin, tingnan n’yo, nabuntis ako!’” natatawa niyang sabi.

“Pero yun nga, makinig sa parents at yung love, trust me, mas okay siya kung right age at mentally prepared ka.

“Mas masarap ang feeling ng ganoon.”


BIG SURPRISE. Hindi pa nakakapag-pose kahit minsan sa FHM si Eda. Kaya laking-gulat daw nito nang malamang kasama siya sa 100 Sexiest at nakakuha pa siya ng ranking na 81.

“Kaya nagulat ako, sa totoo lang. Sobrang happy po talaga. Parang wala, wala akong, ano...

“Naisip ko nga, ni hindi ako nagtu-tweet about FHM. Kaya nagulat ako. Number 81!?”

Sa palagay niya, bakit kaya siya nakapasok?

“Sana dahil sexy ako!" natatawa niyang sabi.

“Actually, hindi ko po talaga alam. Yung karakter ko naman sa Walang Hanggan, e, sweet. Hindi naman mapangahas. So, yun.”

May pressure na ba ngayong nakapasok siya sa 100 Sexiest ng FHM at posibleng maging cover girl na rin?

“Naku, we’ll see, we’ll see lang. Ayoko namang sabihing hindi, ayoko rin namang sabihing oo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN