Papa Jack’s advice to radio DJ wannabes: “Be true and be just you... It’s just a matter of presenting yourself.”

Papa Jack on copycats of his popular radio programs: “Ayokong isipin na ginaya ako, if I inspired some shows that air nowadays, I’m flattered.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa radio jock na si Papa Jack, tinanong namin siya kung ano ang reaksyon niya sa nagsusulputan na mga radio DJs or palabas na ginagaya siya at ang format ng radio show niyang True Love Confessions (TLC) at Wild Confessions?

“I have to be true… nung una, nagtaas din ako ng kilay.

“Pero I realized na whatever I do on air is also a reinvention nung mga radio jocks na sinundan ko din nun.

“Although hindi ko ginaya, I was inspired by them.

“Sila yung personal heroes ko and yun ang dahilan na mahal ko ang radio.

“So, ayokong isipin na ginaya ako, if I inspired some shows that air nowadays, then I’m flattered.

“Or maybe hindi naman talaga, baka nagkataon lang na pareho kami,” sabay-tawa ni Papa Jack.

HE PREFERS RADIO. Last April 2011 ay nagkaroon si Papa Jack ng show sa GMA with Ali Sotto, ang Starbox, kasama ang kambal na MJ at MM Magno ng XLR8, na nawala rin sa ere nuong May ng isang taon.

May plano ba na magkaroon siya ulit ng TV show? Or mas masaya siya sa radio?

“Sobrang happy ako sa radio.

“I can do radio kahit nakapikit ako and I know radio made me kung sino man ako ngayon. Ito nagpakain sa akin.

“TV? Hmmm… tanong natin si Nanay GG [Lualhati, his manager],” at tumawang muli si Papa Jack.

“Well, it plays a big role sa akin niyan kasi sobrang laki ng naitulong niyan sa akin at sa marami pang radio guys para makilala kami.

“Pero sa akin ang nami-miss ko nang sobra ay yung mga tao na nakatrabaho ko…

“I think isa sa pinakamaiksing show yung sa amin,” at muli siyang tumawa.

“Pero yung pinagsamahan namin iba kasi… araw, ulan, out-of-town at lahat ng puyatan… it really made a mark sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo pa sentimental akong tao. Kung TV show… siyempre gusto ko pa rin.

“Pero I’d like to have my personal touch sa show kung sakali.

“Yung kasali ako sa creative [aspects] kasi, so at least medyo hindi ko ma-feel na alienated ako.”

WORDS OF WISDOM. Ano ang message ni Papa Jack sa mga nanggagaya sa kanya at sa mga aspiring DJs?

“Nanggagaya?” at tumawa siyang muli. “I don’t think merong aamin…

“Siguro sa mga na-inspire ng format ng TLC, at sa mga aspiring jocks, try not to be somebody [else]… kahit pa natutuwa ka sa tao na you really look up to.

“It’s normal to be inspired by someone but the reality is you can never be that person, you can only be you.

“So be true and be just you... It’s just a matter of presenting yourself…

“Everyone is interesting enough to have followers, it’s just a matter of how you let them know who you are,” ang patapos na hayag ni Papa Jack.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN