Annabelle Rama creates a scene at Dolphy’s wake

Annabelle Rama caused a commotion at the wake of Dolphy in Heritage Park. The "gulo" supposedly took place at past nine last night, July 13, and involved Chito Alcid, an entertainment writer.

Click here


"Nasira ang gabi ko."

Ito ang tweet ni Annabelle Rama pagkatapos kumalat ang balitang "nagkagulo" sa lamay ni Dolphy dahil inaway niya ang entertainment writer na si Chito Alcid.

Matatandaang kasama si Alcid sa libel complaint na inihain ng Gutierrez matriarch at talent manager laban kina Amalia Fuentes at Nadia Montenegro sa Cebu, noong ika-28 ng Hunyo.

Ayon sa ilang saksi na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nangyari daw ang gulo sa dining area, kung saan nagkita-kita ang mga bisita ng Sampaguita Pictures.

Sa kuwento ni Annabelle sa Twitter account niyang @annabellerama2, "Sinundan nya ako sa cr at hinarap nya ako..."

Ang sumunod na pangyayari ay "hinampas" daw ng kontrobersiyal na talent manager ang reporter.

Kuwento pa ni Annabelle (published as is): "Hndi ka man lang kinampihan habang natumba ka sa sahig." natumba pala ung kalaban. haha"

Ang matinding emosyon ni Annabelle ay dulot daw ng pagtira sa kanya sa panulat ni Alcid at sa pagdawit sa kanyang mga anak.

Heto ang magkasunod na tweets ni Annabelle:

"Ito ang tandaan mong h*yop ka, wag mong pakialaman ang mga anak ko dahil wala silang kasalanan sa iyo."

"Pati ako tinitira mo"

May mga nakapagsabi sa PEP na nagkaroon pa raw ng habulan sa loob ng dining area, kung saan inawat umano si Annabelle nina German Moreno at Chavit Singson.

Pagkatapos ng eksena, dali-daling umalis si Annabelle sa Heritage Park na nakatalukbong, kasama ang isang bodyguard.

Pagkatapos kumalat ang balita, humingi ng tawad si Annabelle sa pamilya ni Dolphy.

Narito ang kanyang tweet limang oras na ang nakakaraan: "To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter"

Samantala, nasa dining area din ang isa pang "kaaway" ni Annabelle na si Amalia, na siya namang naka-kumpronta ng una noong ika-3 ng Abril, sa burol ng asawa ng dating movie queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan ang pahayag ni Chito Alcid tungkol sa isyung ito.

CLICK HERE to watch video clip.

Note: CLICK HERE for more photos related to this story


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN