Maybelyn dela Cruz to Dolphy: “Mahal na mahal ka namin, ‘tay. Maraming salamat po sa lahat.”

Maybelyn dela Cruz recalls her last moments with the Comedy King and becomes emotional: “Siguro hindi naman ako tatagal nang ganito sa industriya kung wala siya. Siya ‘yong kumbaga, nagmolde sa amin, e, ‘yong nagbigay ng insperasyon sa amin.”


Hindi napigilan ni Maybelyn dela Cruz na maiyak nang kanyang alalahanin ang mga panahong kasama niya si Dolphy.

Nakasama ni Maybelyn ang Comedy King sa sitcom ng ABS-CBN na Home Along the Riles (1992).

“Marami,” simulang kuwento ng dating child star, at dito’y nangilid na ang kanyang luha.

“But siguro the littlest things, ‘no, na ginagawa niya sa taping. ‘Yong may pasalubong kami palagi sa set, ‘yong… kasi hindi siya mahilig… hindi siya nahihiyang magpakita ng emosyon niya, e.

“Uhm, nagsasabi ‘yan ng ’I love you,’ ‘yong mga patawa niya ‘pag nasa set kami kasi alam niya pagod na kami, mga bata kami.

“Hanggang madaling araw magkakasama kami, hindi namin nararamdaman ‘pag nandyan siya, kasi masaya palagi, e.

“Ito lang huling paglaban ko sa politika nandyan siya, nakasuporta siya.

"’Tapos, uhm, kahit sino ka pa paparamdam niya sa’yo na mahalaga ka sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Maybelyn kaninang umaga, Hulyo 14, sa Heritage Park sa Taguig City.

HEART BROKEN. Inamin ng ngayo’y councilor ng Dagupan na “masakit” talaga para sa kanya ang pagpanaw ng Hari ng Komedya.

Kahit sino pa ang makasama o makatrabaho ni Dolphy, wala raw ibang masasabi kundi “sobrang bait na tao, kaya gano’n din karami ang taong pumupunta sa kanya gabi-gabi.

“Masakit, masakit ‘yon [na wala na siya]. Kasi siya, siya ‘yong parang tatay ko talaga sa industriya, e. Wala akong ibang nilalapitan sa mga importanteng desisyon. “

Ngunit pumanaw man daw ang Comedy King, hinding hindi raw mawawala sa kanyang puso’t isipan ang mga aral na iniwan nito sa kanya.

“Si tatay [Dolphy] naman ever since ginayd [guide] niya kami, kasi mga bata pa kami when we started, di ba? Ginayd niya kami, ‘yong mga pangaral niya, basta nasa puso naming lahat iyon.

“Sabi ko nga, siguro hindi naman ako tatagal nang ganito sa industriya kung wala siya. Siya ‘yong kumbaga, nagmolde sa amin, e, ‘yong nagbigay ng insperasyon sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yong ipagpatuloy kung ano ‘yong na-umpisahan namin, siya ‘yong nagbigay inspirasyon sa amin para pangalagaan at pahalagahan kung ano ‘yong aming ginagawa, kung ano ‘yong aming kinakatayuan.

“So, dahil do’n, lalo naming pagbubutihan para sa kanya.”

Kaya naman sa lahat ng taong nagkasama sila ni Dolphy, ang kanyang mensahe sa itinuturing na tatay sa showbiz: “Mahal na mahal ka namin, ‘tay.

“Mahal na mahal ka namin.

“Maraming salamat po sa lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN