Boy 2 Quizon promises to continue his Lolo Dolphy’s legacy

Boy 2 Quizon on his duty and responsibility as part of the Quizon family: "You would always swear to protect [the name]... Sa lahat ng Quizon; lahat ng naging part ng industriya, I do feel na lahat kami... we will do our best to continue [Dolphy’s] legacy..."


Ngayong Linggo, July 15, ng 2 p.m. ay ihahatid na sa huling hantungan si Dolphy, sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Eksklusibo raw sa family and closest friends ang interment; ang magku-cover ay kailangang may "mixed media" pass, na mula sa Heritage Park.

Sa huling gabi ng wake ni Dolphy ay maraming artistang mula sa iba’t ibang TV networks. May Eulogy Mass ang taga-ASAP ng ABS-CBN, pero mayroon ding Misang ini-sponsor ng GMA-7.
Kabilang sa Kapuso network ang isa sa mga apo ni Dolphy na si Boy 2 Quizon. Tulad nina Eric, Ronnie, Vandolph at Epy Quizon, aktibo sa showbiz si Boy 2, bilang aktor at komedyante.
Anak daw siya ni Boy 1, kaya Boy 2 ang tawag sa kanya. Ang Boy 1 ay si Manny "Boy" Quizon, isa sa mga unang anak na lalaki ng yumaong Comedy King. At si Boy 2, siya si Manuel Quizon, 27 years old.
Hangga’t maaari, ayaw ng binatang apo ni Dolphy na gamitin ang kanyang first name. Pero proud siya na isa siyang "Quizon."
"Ever since na ipinanganak ako... at sa buong time ng pagkamulat ng mata ko sa showbiz, kasama ko yung Lolo [Dolphy] ko, all the way!" masiglang banggit ni Boy 2 sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa Heritage Park Chapels.
"’Kapuso ako all the way!" sabi rin niya. Regular na napapanood si Boy 2 sa gag show ng Siete, ang Bubble Gang.

Pero kung contract artist si Dolphy ng TV5 Kapatid network, sa huling mga taon nito sa showbiz, paanong naging "all the way" ang pagsasama ng mag-lolo?
Para kay Boy 2, hindi raw ang pagiging contract artist ng magkaibang TV station o network ang dahilan para hindi masabing "all the way" ang pagiging "magkasama" nila ng kanyang yumaong lolo, o ng Comedy King.
"Lumipat ako sa GMA-7 at inalagaan nila ako nang mabuti, pero may mga occasion na nagsasama [pa rin] kami ng lolo ko—as a family!" makahulugang sambit ni Boy 2.
"More on para sa mga shows abroad, ganyan.
"Then, nu’ng may Home Along Da Riles pa, I think that’s already good enough, kasi 12 years kaming magkasama doon.
"Masaya... masaya kami," pagtukoy rin ng apo ni Dolphy. "Of course, isa kaming pamilya na [inalagaan niya]. Siya [Dolphy] lang ’yon."
LEGACY. Naniniwala ba si Boy 2 na may "naipamana" rin sa kanyang husay sa pag-arte, o pagku-comedy, ang itinuturing na Hari ng Komedya?
"In a little way, yes," aniya. "Kumbaga, masasabi ko na... you know... of course, Dolphy is Dolphy!
"At least, kami, kung gagawa kami ng comedy, I mean, bilang naging ’descendant’ lang ng punong ugat."
Sa nakita raw niyang pagdakila ng publiko at ng buong industriya ng lokal na show business, sa kanilang Lolo Dolphy, higit daw na dapat nilang pangalagaan ang naiwang alaala ng pangalan nito —as Dolphy, the Comedy King, and possibly the next National Artist for Film.
"Siyempre, I mean, siguro, kahit sino naman yun, you would always swear to protect [the name]...
"Sa lahat ng Quizon; lahat ng naging part ng industriya, I do feel na lahat kami... we will do our best to continue [Dolphy’s] legacy...
"But, yung sa akin lang, yung isang inspirasyon na natutunan namin sa kanya... kay Lolo Dolphy... is yung factor na pasayahin yung mga tao.
"At isang bagay ’yon, na kahit ilang henerasyon man ang umabot ngayon, I mean, gagawin ko yun para sa henerasyon ko.
"Dahil alam kong malayo pa ang lalakbayin ko.
"At least, sa henerasyon ko ngayon, at sa mga taong nakakakilala sa akin ngayon, sa generation ko, gagawin ko ang lahat-lahat, [nang] tuluy-tuloy!" sambit pa ni Boy 2.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN