Luis Manzano says dad Edu is "back to normal" after failed senatorial bid

May 21, 2016
<p>Luis Manzano thinks his dad Edu Manzano has not yet given up on his dream of becoming a public servant. He said, "With my dad's integrity, he should serve the Filipinos."</p>

“That's the game.”

Ito ang naging reaksiyon ni Luis Manzano nang matanong tungkol sa pagkatalo ng kanyang amang si Edu Manzano sa pagtakbo nito bilang senador nitong nakaraang eleksyon.

Bagamat pinalad ang ina ni Luis na si Vilma Santos-Recto na maging representative ng Sixth District ng Batangas at ang kanyang stepfather na si Ralph Recto na balik-Senado, hindi naman nakapasok sa Top 12 sa listahan ng mga nanalong senators ang kanyang ama.

“Ganun naman ang pulitika talaga, hindi puwedeng palaging panalo,” sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set ng The Voice Kids kahapon, May 20.

Base sa mga sumunod na pahayag ni Luis, masasabing maluwag namang tinanggap ni Edu ang kanyang pagkatalo. Kinailangan lang daw nito ng maiksing bakasyon matapos ang eleksyon.

Sabi ni Luis, “You know, my dad is a tough individual.

“Sabi nga ng dad ko, mga two days after the results came out, sabi niya, 'You know, I will just relax for two days and I’ll be back on my two feet.'

Continue reading below ↓

“Kumbaga, humingi siya ng tamang oras lang din, siguro para mag-senti lang, to regroup.

“But now, he’s back to normal.

“The crazy Edu Manzano na nakilala niyo dati, ganun pa rin siya ngayon.”

Hindi rin daw nakitaan ni Luis ng pagsuko ang kanyang ama para maging isang public servant.

“I hope not. I honestly hope not.

“I believe my dad is the one who should be serving the Filipino people. Siguro nagkataon lang na this election, hindi.

“Pero as a voter, I would love for Edu Manzano to still serve, whether be local or international, siya na ang bahala.

“Pero with my dad’s integrity, he should serve the Filipinos.”

NOT YET IN POLITICS. Samantala, pareho pa rin ang sagot ni Luis nang tanungin kung balak niya ring pasukin ang pulitika.

Aniya, “I'm never closing my doors.

Yung iba naman pinangungunahan ako, mas pinag-uusapan pa ng ibang tao.

Sabi ko nga sa mga interviews, mas pinag-uusapan pa ng ibang tao, yung iba nag-a-assume na, yung iba nangba-bash na kahit wala pa akong ginagawa.

Continue reading below ↓

“Wala, ganun talaga.”

Sa ngayon, mahirap daw talaga dahil sabay-sabay ang kanyang trabaho bilang TV host.

Tingnan mo, for example, kung tumakbo ako itong eleksyon, sobrang busy ako—may Family Feud ako, may The Voice ako, at may [Pilipinas Got Talent] ako.

Ano ang gagawin ko sa mga botante? Unang-una, paano ako mangangampanya?” pagtatapos ni Luis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Luis Manzano thinks his dad Edu Manzano has not yet given up on his dream of becoming a public servant. He said, "With my dad's integrity, he should serve the Filipinos."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results