Isko Moreno on running against Cesar Montano for vice mayor: “It will be a very good fight kasi sikat na sikat ang kalaban ko.”

Manila Vice Mayor Isko Moreno had a recent feud with Manila Mayor Alfredo Lim, giving rise to speculations about Vice Mayor Moreno’s political plans and strategy. Brushing this aside, he says: “Wala yun… for safety purposes lang. Kahit papaano nag-iingat tayo.”


Si Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno ang naging ka-tandem ni Mayor Alfredo Lim sa dalawang magkakasunod na eleksiyon.

Sa last term nilang pareho sa kani-kanilang posisyon, nagkaroon sila ng hidwaan.

Sa taping ng Moments ni Gladys Reyes, kung saan si Bise Alkalde Moreno ang guest, eksklusibong nakapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang interview sa studio ng Net 25 at kinumusta kaagad ng PEP ang vice mayor tungkol sa samahan nila ni Mayor Lim, na nauwi sa pagpapa-blotter sa police.

“Pulitika lang ito,” paunang banggit ni Isko.

“Wala yun… for safety purposes lang. Kahit papaano nag-iingat tayo. Tayo, hindi natin gawain yun.

“Awa ng Diyos, wala pa naman tayong inutang na buhay. Kumbaga, hindi pa nabahiran ng dugo ang ating mga kamay.

“Labing apat na taon na ako as public servant. Pinipilit ko lang maiayos ang katayuan ng mga nasasakupan ko o yung Manilenyo.

“The reason why I entered politics is to do public service. Hindi public tiis ang nangyayari.

“May kanya-kanya lang tayong mga paniniwala sa buhay kung paano patatakbuhin ang pamahalaan.

“Sa ganang akin, e, basic services lang. Because there are two basic needs of our people—education and health care.

“Bago tayo mag-isip ng kung ano pa, dapat na matugunan muna ang anumang mga pangangailangan ng ating mga constituents.

“Yun ang paniniwala ko ever since,” sabi ng bise alkalde.

ACTOR-POLITICIAN. Matunog na matunog ang usap-usapan sa lahat ng sulok ng Maynila na makakatapat ni Vice Mayor Isko sa darating na eleksiyon ang kapwa aktor na si Cesar Montano.

Kamakailan nga ay muling nagparehistro si Cesar sa Maynila bilang botante.

Ano ang komento ni Isko tungkol dito?

“Wala pa naman akong naririnig mula mismo kay Kuya Cesar.

“Kung sakali man, everybody is entitled to participate in an election, whether as a voter or isang gustong magsilbi bilang public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the end of the day, ang taong bayan pa rin naman ang masusunod kung sino ang gusto nilang mamumuno sa kanila.

“Isa lang naman ang requirement diyan—read and write Filipino.

“But if you will run in a national office, you have to be a natural born [Filipino]. Kumbaga, you must be a resident at importante yun.

“Basta you are a naturalized Filipino or you must be a resident of the locality where you intend to run.”

Si Cesar ay residente ng Sta. Ana, Maynila, pero rehistrado siya sa Bohol at kumandidato noong nakaraang 2007 eleksyon.

“Hindi ko alam. Hindi ko rin naman alam kung saan talaga siya umuuwi dahil ayon pa sa… Basta, ayon sa pagkakaalam ko, he ran for senator 2007.

“Unfortunately, hindi siya pinalad, then he ran again as governor last 2010 for Bohol, so I presumed he is a resident of Bohol.

“Talo pa rin siya roon. Then sabi niyo, tatakbo siya rito sa Manila.

“Hindi ko alam naman sa ngayon kung magiging problema ba yun on his part,” kibit-balikat na lahad ng kasalukuyang bise alkalde ng Maynila.

“But then Cesar Montano naman is entitled to what he wishes to.

“At the end of the day, hindi naman namin parehong pagmamay-ari ang upuan namin o yung posisyon namin.

“Yan ay pinahiram lang nila sa amin at uupuan namin for three years.

“Pero I wish Cesar good luck. Basta ang alam ko, e, kung gusto niyang tumakbo sa Manila…

“E, wala namang makakapigil sa gusto niyang yun kungdi siya mismo. But honestly, I am happy kung siya ay taga-Maynila.

“At pwede ko na pala siyang paglingkuran in my capacity bilang city vice mayor,” seryoso niyang sabi.

MORE POPULAR. Ayon sa vice mayor, hindi hamak na mas kilala si Cesar kaysa sa kanya.

“Mas sikat naman kaysa akin si Kuya Cesar. Kilala siya ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, pagdating dyan, e, malaki ang kalamangan ni Kuya Cesar sa akin. Kilala siyang action star sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas.

“Pero kung public service naman ang pag-uusapan, sa awa naman ng Diyos, and in my own little way, e, nagtatrabaho naman tayo.

“At palagay ko, e, napaglingkuran ko ang mga Manilenyo.”

Si Cesar ay tatlong beses nang sumubok sa politika at hindi pinalad.

Ano ang advise niya kay Cesar kung sakaling kumandidato ito sa Maynila?

“Well, I wish him the best and good luck sa pipiliin niyang desisyon. Pero I’m happy kung siya ay taga-Manila,” pahayag ni Isko.

Handa ba si Isko sa tapatan nilang dalawa ni Cesar, kung saka-sakali?

“Hindi naman maikukubli at hindi rin maitatanggi na handang handa na rin tayo pagdating dyan.

“Ang sa akin lang, ang kadalasan, ang halalan ay sa buwan ng Mayo ginaganap.

“But the problem with the new ruling ng Comelec [Commission on Elections], there will be an early registration, which is October 1 to 5 for the local position.

“First week of October na yan… dalawang buwan na lang. At ang ruling sa Comelec, dapat one year ka na as resident sa lugar kung saan ka tatakbo,” paliwanag niya.

COMELEC RULES. Ano ang magiging problema ni Cesar, kung sakali?

“Hindi ko rin naman alam dahil hindi pa ako abogado. Pero sinasabi ng batas na ayon sa pagkakaintindi ko sa Omnibus Election Code…

“Na ayon sa bagong batas, you must be a resident and a registered voter ng lugar na tatakbuhan mo for at least one year before the election.”

“Well, it is all up to him. This is a free country—a democratic form. At saka hindi ko rin alam kung yun ang magiging problema niya.

“And in the first place, wala pa rin naman siyang announcement na tatakbo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako, for the mean time, if he is living in the city of Manila, I will treat him as a citizen and as my constituent, pagsisilbihan ko siya.

“And as the city vice mayor, I am obliged to serve all those na nakatira sa siyudad ng Manila.

“And there are programs that he can avail just in case. Pwede siyang mag-aral kasi meron akong college scholarship, pwede siyang mag-aral.

“Meron pa rin akong Isko Moreno Computer learning center na libre at pwede kong i-offer sa kanya.

“Kumbaga, marami tayong proyekto na pupuwede sa kanya at sa lahat ng mga nakatira sa Manila,” dagdag pa ni Isko.

“Katulad ko, naghangad din akong maglingkod.

“Kaya lang, modesty aside, if there is one thing na pwede ko rin namang ipagmalaki sa mga taga-Manila…

“E, ipinanganak ako sa Tondo, lumaki ako sa Tondo, nag-aral ako sa Tondo.

“Nag-artista ako, nasa Tondo pa rin ako. Nagkapamilya ako, Tondo pa rin ako at ang buong pamilya ko, at kahit nasa gobyerno na ako, nasa Tondo pa rin ako.

HOMETOWN CANDIDACY. Kung gugustuhin daw ni Isko, pwede siyang tumakbo sa mga probinsiya ng kanyang mga magulang.

“Hindi ako napabalita na lumipat ako ng Cebu, o di kaya kahit sa Quezon City.

“Ang alam ng tao, lalo na yung mga nakakakilala sa akin… tubong Manila talaga ako at taga-Tondo ako ever since.

“Kumbaga sa puno, narra na ako,” pagmamalaki ni Isko.

“Kasi naniniwala ako na ang tumulong sa akin para makarating sa kinalalagyan ko ngayon, e, ang masang taga-Tondo.

“Ang nagbigay sa akin ng break at tumangkilik sa akin sa pag-aartista ko, e, mga taga-Tondo pa rin.

“At nang una akong pumasok sa pulitika, sa first district bilang councilor for three terms, ang sumuporta sa akin e mga taga-Tondo rin.

“Kaya ako tinangkilik ng buong mga taga-Maynila dahil nakikita nilang mahal ako ng mga taga-Tondo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL RIVALS. Ano naman ang komento ni Vice sa mga taga-showbiz na tinatapatan ang kapwa rin nilang mula sa showbiz?

“Sa akin naman, as I have said, everybody naman is welcome sa politics.

“But if we talk of mutual respect, dahil pareho kayong taga-showbiz, e hindi na dapat kasi pareho kayong galing sa isang industry.

“But still, hindi naman yan ang qualification. Sana lang, respeto lang, kasi kasamahan natin siya sa showbiz.

“Kumbaga, sa akin, halimbawa lang may lalabanan ako at papasok pa lang ako…

“At ang makakatapat ko e yung artista ring kagaya ko, e baka magdadalawang isip muna ako.

“Kumbaga, maliit lang ang mundo ng showbiz, magkakasalubong kayo, di ba?

“Pero kung tutuloy si Kuya Cesar as vice mayor sa Manila, it will be a very good fight kasi sikat na sikat ang kalaban ko,” pagtatapos ni Isko Moreno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN