Senator Lito Lapid’s wife gets third extension in dollar-smuggling case

Marissa Lapid, the wife of Senator Lito Lapid, was given another chance “to conduct legal research and factual investigation” for her defense in the $50,000 bulk-smuggling case filed against her by the U.S. government.


May bagong kaganapan sa kasong dollar smuggling na kinasasangkutan ni Marissa Tadeo Lapid, ang asawa ni Senator Lito Lapid.

Pinahintulutan si Marissa, sa ikatlong pagkakataon, “to conduct legal research at factual investigation” kaugnay ng $50,000 bulk- smuggling charge na isinampa laban sa kanya ng U.S. government.

Ayon sa report ni Joseph Lariosa ng The Philippine Star noong Hulyo 13, ipinagpaliban ni U.S. District Court Magistrate Judge Peggy Leen ng Las Vegas, Nevada, ang preliminary hearing ng asawa ni Senator Lapid para sa Agosto 23.

Pahayag ni Judge Leen sa kanyang kautusan: “Once these investigations have been completed, the parties will conduct negotiations that may resolve this case and save judicial resources.

“Additionally, denial of this request would result in a miscarriage of justice and would deny parties reasonable time necessary for effective preparation, taking into account the exercise of due diligence.

“The Court grants this request for continuance on the basis of finding that the ends of justice served by this continuance outweighs the best interest of the public and defendant in a speedy trial and indictment.”

Nauna rito ay pinagbigyan Judge Leen noong March 29 ang ikalawang request ni Marissa na i-extend ang kanyang preliminary hearing sa July 9.

Kasalukuyang nasa laya si Marissa dahil sa $50,000 na piyansa. Ngunit hindi siya maaaring umalis ng Clark County na sakop ng Las Vegas.

BACK STORY. Matatandaang inaresto si Marissa dahil sa U.S. federal warrant laban sa kanya noong January 5, 2012.

Ito ay kaugnay ng una niyang pagka-aresto noong November 27, 2011, dahil sa tangkang pagpupuslit ng dolyares.

Nagsumite ng affidavit ang U.S. authorities na nahuli si Marissa pagkatapos nitong ideklara sa Customs personnel sa McCarran International Airport, sa Las Vegas, na meron lamang siyang dalang $10,000.

Pero nang halughugin ang kanyang bagahe, natagpuan ang dalawang medyas na naglalaman ng tigsa-sampung libong dolyar.

May natagpuan ding $20,000 sa loob ng kanyang bag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabuuan, nakuha sa kanya ang $50,000.

Sa ilalim ng batas ng U.S., ang sinumang nagdadala ng higit sa $10,000 cash ay kailangang mag-fill out ng Customs Form 4790, at kailangang isumite ito sa mga awtoridad ng Customs sa airport.

Kailangan ding maging handa ang sinumang may hawak ng ganung halaga na patunayan na sa kanya nga ang naturang pera.

PRESENT CIRCUMSTANCES. Kung mapatunayan siyang nagkasala, maaaring makulong si Marissa hanggang limang taon.

Magpipiyansa rin siya hanggang $250,000, at maaari ring tuluyan nang bawiin ang $50,000 cash na nakuha mula sa kanya.

Si Marissa ang ina ni dating Pampanga Governor Mark Lapid, na ngayon ay nanunungkulan bilang general manager ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority, sa ilalim ng Department of Tourism.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN