Rolly Quizon attributes past success in showbiz to his dad, Comedy King Dolphy

Rolly Quizon on his heartthrob days in showbiz: "Parang ang naging dating ko noon, para akong si Aga Muhlach, e... Tulad nang dadaan ako sa isang eskuwelahan, magsisigawan ang mga babae. Sabi ko sa sarili ko, ‘Wow, ganito ba ang feeling?’ Kasi noong bata ako, medyo red lips ako. Long hair. Nagkaroon ako ng project, I did a movie with Vilma Santos, yung Burlesk Queen, at doon ako nagka-award. Lahat yun, tine-treasure ko. So, kung wala ang da


Isang malaking kawalan sa local showbiz industry ang pagpanaw ng Hari ng Komedya na si Dolphy noong July 10, 2012.

Hindi maitatanggi ang mga natatanging kontribusyong naiambag ni Mang Dolphy sa industriyang minahal niya sa loob ng mahigit animnapung taon. Kaya naman binalot ng kalungkutan, hindi lamang ang apat na sulok ng showbiz, kundi ang buong sambayanang Pilipino sa kanyang pagpanaw.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Comedy King noong Linggo, July 15, sa Heritage Memorial Park and Crematorium sa Taguig City.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa ikalawang gabi ng lamay ni Mang Dolphy sa Heritage Park ay nagpaunlak ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rolly Quizon, isa sa labinwalong anak ni Dolphy.

Si Rolly ay dating aktor na lumabas sa ilang proyekto ng kanyang ama, kabilang na ang popular TV sitcom na John En Marsha, na ilang beses na ring nagkaroon ng movie version.

Paano nila tinanggap ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanilang ama?

“Doon sa Makati Medical Center, nag-meeting na lang kaming lahat, sina Zsa Zsa [Padilla] and mga siblings ko…

“Hinanda na rin namin, nilagay na rin namin sa sarili namin na kung mawawala man ang father namin… E, lahat naman tayo, aabot doon.

“Sa nangyaring yun e mas lalong naging intact at maganda ang pagsasama naming magkakapatid,” pahayag ni Rolly.

Ngayong wala na ang Comedy King, ano na ang mangyayari kung sakaling magkaroon ng mabigat na suliranin ang Quizon family?

Paano na ang magiging sistema pagdating sa decision-making sa kanilang magkakapatid?

Saad ni Rolly, “Parang namili kami na si Eric yung maging parang pinaka-spokesperson ng family, sa aming magkakapatid…

“Pero, if ever, magmi-meeting kami. Hindi lang ang desisyon niya kundi magdedesisyon ang lahat, and yung majority sa amin ang masusunod.”

NATIONAL ARTIST AWARD. Ano ang personal na damdamin ni Rolly sa National Artist recognition na dapat daw ay iginawad kay Mang Dolphy noong nabubuhay pa ito at malakas pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi, kung kelan lang namatay ang isang tao, doon lang ibibigay ang National Artist.

“Pero yung sinasabi nilang National Treasure naman siya, puwede na rin, pero dapat… Mahirap nang magsalita, e.

“Pero sana nung buhay pa siya, para mas ma-appreciate niya,” opinyon ng dating aktor.

Ano sa palagay niya ang maiiwang “legacy” ng kanyang ama sa Pilipinas?

“Unang-una, sa nakita ko, nag-iisang klase ng father siya… Actually, he made me, e.”

ROLLY’S SHOWBIZ CAREER. Dito nagbalik-tanaw si Rollie kung paano siya na-discover bilang artista noong teenager pa lamang siya, bago pa umere ang classic Pinoy sitcom na John En Marsha.

Kuwento ni Rolly tungkol sa ama, “Nakita niya ang potential ko bilang isang teenager.

“Nagkaroon kami ng isang guesting sa episode ng Dolphy’s Special. Nagkaroon kami ng production number na magkakapatid, kumanta’t sumayaw ako.

“Fourteen years [old] pa lang ako noon, before John En Marsha.

“Kinanta ko yung ‘Wild World’. Natuwa siya sa akin kasi may sarili akong choreography.

“Mula noon, nag-meeting na sila ni Direk Ading Fernando at nagplanong magkakaroon nga sila ng TV sitcom, at ito na nga yung John En Marsha.

“Si Maricel [Soriano] noon, nakita namin sa canteen ng ABS ngayon, pero dating Channel 9. Dilat pa mga mata ni Maricel noon.

“’Ayun, kunin natin yun!’ sabi nila. Doon nag-start yun. Nine years old si Maricel, ako ay 14.”

Ano ang most unforgettable experience niya sa paggawa nila ng John En Marsha sa loob ng 17 years?

“Wow! Nagkaroon ng ano, e… Parang ang naging dating ko noon, para akong si Aga Muhlach, e. Di ba?”

Parang teenage heartthrob ang dating?

“Oo, tulad nang dadaan ako sa isang eskuwelahan, magsisigawan ang mga babae. Sabi ko sa sarili ko, ‘Wow, ganito ba ang feeling?’

“Kasi noong bata ako, medyo red lips ako. Long hair.

“And malandi ako, e. Kung manligaw ako, dalawang oras, e!” natatawang pag-alala ni Rolly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya tungkol sa amang si Dolphy, “Siya talaga ang gumawa sa akin.

“Nagkaroon ako ng project, I did a movie with Vilma Santos, yung Burlesk Queen, at doon ako nagka-award.

“Lahat yun, tine-treasure ko. So, kung wala ang daddy ko, hindi ko maaabot yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN