Janice de Belen reunites with Vilma Santos and director Chito Roño in The Healing

Janice de Belen on healing a broken heart: “Kapag broken hearted ka, you need to be healed. And you need to go through that. Ito yung sinasabing stages of grief. Hindi mo puwedeng madaliin ang mga bagay-bagay. It’s an internal process that happens over time, not what you want it to."


Hindi na matandaan ni Janice de Belen kung kailan sila huling nagkasama sa pelikula ng Star For All Seasons na si Vilma Santos.

Kaya isa raw bagong karanasan para sa kanya na makatrabahong muli si Ate Vi sa The Healing ng Star Cinema.

Ayon kay Janice, “Siyempre, iba naman ang ginagawa ko dito. Alongside Ate Vi, magkaibigan kami dito.

“So, siyempre, hindi mo ipapakitang nai-intimidate ka. Kailangan, galingan mo na lang, di ba?

“Pero first day pa lang namin, si Ate Vi, nakakakuwentuhan na namin.

“Major kuwentuhan, ha! Lahat tungkol sa buhay, tungkol sa mga kalokohan.”

Natatawang sabi pa niya, “At hindi po kami nag-i-stay sa dressing room namin dahil ang dressing room namin, sa dressing room ni Ate Vi!

“Super kuwento. Kaya never niyang ipapi-feel sa iyo na iba siya sa iyo.”

Ang direktor ng The Healing, si Chito Roño, ay nakatrabaho na rin ni Janice nang ilang beses, kaya sanay na raw siya sa style ng pagdidirek nito.

“Talagang nakakatakot siya, lalo na kapag first time.

“Pero siyempre, after, alam mo na naman kung ano ang ie-expect mo.

“Ang importante lang naman kay Direk Chito, makikinig ka.

“Kailangan makinig ka sa kanya kapag may sinasabi siya.”

HEALING HERSELF. Marami nang pinagdaanan sa buhay si Janice. Marami na rin siyang beses na nasaktan dahil sa pag-ibig.

Pero sa tuwina ay nagagawa naman niyang paghilumin ang mga sugat na ito.

Pahayag ni Janice, “Lovelife, siyempre. Totoo naman yun, di ba?

“Kapag broken hearted ka, you need to be healed. And you need to go through that.

“Ito yung sinasabing stages of grief. Hindi mo puwedeng madaliin ang mga bagay-bagay.

“It’s an internal process that happens over time, not what you want it to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN