TV5 will continue airing Pidol’s Wonderland even after Dolphy’s death

TV5 executive Perci Intalan on the possibility of holding a Dolphy film festival: “Basta kami we are open, we’d love to let more people see again yung body of work ni Tito Dolphy.”


Nabigyan ng pagpapahalaga, respeto, at importansiya ng TV5 ang Comedy King na si Dolphy sa pagyao nito.

Sa special episode ng fantasy-anthology program ni Mang Dolphy na Pidol’s Wonderland, isang tribute para sa kanya ang ipinalabas ng Kapatid network na pinamagatang Thank You, Mang Pidol.

Nagsalita ang creative and entertainment production head ng TV5 na si Perci Intalan tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng libing ni Mang Dolphy noong Linggo, July 15.

Aniya, “Maganda kasi yung special, kasi what we wanted to do sana, kabaliktaran nung lungkot nung ngayon, yung Pidol’s Wonderland celebrating na talaga yung legacy niya.

“Makikita mo ulit yung mga performances niya, yung mga snippets ng mga scenes niya..."

Ano pa ang plano ng TV5 upang ipreserba ang mga naiwang trabaho ng Comedy King?

“Kasi ang huling-huling ginawa niya is yung birthday special niya last year.

"So, that’s the last time he was able to sing and dance a bit. So, makikita yun.

"So, after that, parang yun na yung big special namin sa Pidol’s na parang this day ends on a happy note.

“Yun ang gusto niya,” saad ni Sir Perci.


CONTINUOUS AIRING. Ano na ang magiging estado ng programa na iniwan ng King of Comedy, ang Pidol’s Wonderland?

Sabi ni Sir Perci, “After this, next week balik na kami sa regular run na pambata, pang-families na ulit.

“My bosses have already told me and told the family na iko-continue lang namin. Kasi yun ang legacy niya, we don’t want it to end.”

Ibig bang sabihin, lifetime na ang airing ng Pidol’s?

“Well, hindi naman. Pero hindi namin siya isasara at the moment.

"But you know, it will run for a long time.

“Since September naman, he wasn’t able to tape na, and yet, itinuluy-tuloy lang namin siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong taon na sa ere ang Pidol’s Wonderland at maganda naman ang rating nito. Isa nga ito sa pinakamatagal na existing entertainment show sa TV5.

RENEWED CONTRACT? Nilinaw naman ni Sir Perci ang balitang kakapirma pa lang daw ni Dolphy ng panibagong kontrata sa TV5 bago ito pumanaw.

“Ay, no, no! Yung pirmahan namin the last time was three years ago. And then after that, parang wala.

“Wala. Usapan lang na, ‘O, tuloy tayo. Sige, tuloy tayo.’ Ganun lang.

“Hindi naman siya kailangan na official na siya si Tito Dolphy…

"He never asked, ‘O, let’s meet again, renegotiate…’ Wala, basta tuloy lang.”

Ayon kay Sir Perci, may kinausap lang siya sa panig ni Mang Dolphy.

“Pero si Tito Dolphy himself, I don’t think he asked na… yung talaga siya pa yung magpapa-sign and all.

“Kumbaga, formality lang yun. Pero hindi siya… you know what I mean?

“Hindi siya yung… how would I say? Yung nagbibilang siya ng, ‘Oo, the contract will expire, kailangang mag-renew,’ yung mga ganoon?

“Basta, as far as he was concerned before, tuluy-tuloy lang ang show.”


Gaano kalaki ang naging suporta ng TV5 kay Mang Dolphy?

“Malaki. Yung suportang iyan is as big as we can give.

“Lahat naman yata ng mga nagmamahal sa kanya would give as much as we, they, could give for Tito Dolphy, kasi yun ang pagmamahal nila.”

DOLPHY MOVIE FESTIVAL. Ano ang plano ng TV5 sa 84th birthday ni Dolphy sa July 25?

“A, we’re supposed to celebrate his birthday… medyo hindi siguro muna.

“Kasi ang ginawa namin, yung plans namin for Tito Dolphy, ginawa namin later sa Pidol’s Wonderland."

Wala bang balak ang TV5 na bilhin ang mga pelikula ni Dolphy?

Ayon kasi kay Eric Quizon, isa sa mga anak ng Comedy King, posibleng mag-merge ang tatlong istasyon (ABS-CBN, TV5, at GMA-7) para makabuo ng isang malaking tribute sa ama niya—gaya ng pagkakaroon ng isang movie festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sabi ni Sir Perci, “We haven’t sat down again para i-discuss yung details. We never know.

“Basta kami, we are open. We’d love to let more people see again yung body of work ni Tito Dolphy.

“But I think some titles are already with other networks or committed to another network.

“Basta kami, sabi ko kay Eric, ‘Usap lang tayo.’

"Kami naman, basta we have Pidol’s Wonderland... we have… si Tito Dolphy is always been associated naman with Kapatid.

“Kanina nga ipinakita yung unang station ID namin, nandun siya. Siyempre, teary-eyed ako.

“Kasi yung una niyang shinoot bilang Kapatid, station ID ang unang-una bago pa niya ginawa ang Pidol’s Wonderland.”

Kahit tatlong taon lang sa TV5 ang Comedy King, parang ang tagal na niyang talent dito dahil sa ibinigay na pagpapahalaga sa kanya ng network.

Sabi ni Sir Perci tungkol dito, “Well, matagal na natin siyang kapatid sa industriya, let’s put it at that.

“Hindi naman binibilang ang number of years na magkasama kayo— yung quality of time that you’ve spent together.

"And also, you’re talking about Tito Dolphy here, and hindi naman iyan bagong… kumbaga, naging personal lang na magkakilala.

“Pero ilang dekada mo na siya talagang kilala kahit from afar. So, ganun na rin yun.

“Siyempre, yung respeto natin sa kanya and everything that he has done, that’s the legacy he leaves behind.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN