Aubrey Miles and Mo Twister still "not okay" after their Twitter war

Naging mainit na usapan kamakailan ang pagpapalitan ng tweets nina Aubrey Miles (in photo) at Mo Twister. Nang tanungin kung ayos na sila ng controversial radio-TV host, sabi ni Aubrey, "Ay, hindi kami okay. Pero hindi na ako nagsasalita and, hopefully, hindi na siya magsalita.”


Muling rumampa si Aubrey Miles ngayong taon sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women, na ginanap sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi, July 12.

Dito siya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung pang-ilang beses na niyang pagrampa ito sa FHM.

Sagot ni Aubrey, “Nine years na yata? Dire-diretso, pero may mga two years akong hindi napuntahan.”

May challenge at bago pa rin ba sa kanya ang pagrampa?

“Okay naman. Siguro... ang last performance ko dito sa FHM, mga three years of four years ago, so nag-opening ako.

“Enjoy naman, na-miss ko ang dancing.”

Kahit isa nang ina si Aubrey—na may dalawa nang anak—pumasok pa rin siya sa 100 Sexiest Women list ng FHM this year.

Nasa No. 32 ang aktres.

Ano sa palagay niya ang sikreto at palagi pa rin siyang nakakasama sa listahan?

“Okay naman, masipag lang. Malakas akong kumain pero masipag mag-workout," sagot niya.


LADY THOR. “Enchanted” ang tema ng FHM 100 Sexiet Women this year. Ang outfit ni Aubrey nang rumampa siya ay inspired sa character ni Thor.

Si Thor ay isang Marvel comics character na may kakaibang lakas at naatasang magligtas sa mundo laban sa mga masasamang elemento.

“Yes, Lady Thor. Uso ngayon ang Thor, di ba? So I said, why not?

"Talagang fan na fan ako ni Thor. So, ako ang Lady Thor.”

Ano ang bagong puwedeng abangan sa kanya ng mga manonood?

“Abangan nila, baka may bagong reality show or baka soap sa ibang channel.

“Hindi na ako magse-seven [GMA-7]. Basta, hindi seven. Freelance naman kasi ako,” sabi niya.

May bad experience o bad blood ba siya sa Kapuso network pagkatapos ng Survivor Philippines?

“Hindi naman, wala naman,” paglilinaw ni Aubrey.


TWITTER WAR. Samantala, nagkaroon ng sagutan sa Twitter kamakailan si Aubrey at ang radio-TV host na si Mo Twister.

Ito ay nagsimula dahil sa isyu ni Rhian Ramos na nali-link ngayon kay KC Montero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rhian ay ex-girlfriend ni Mo, at si KC naman ay kapatid ng live-in partner ni Aubrey na si Troy Montero.

Okay na ba silang dalawa ngayon ni Mo?

“Ay, hindi kami okay.

"Pero hindi na ako nagsasalita and, hopefully, hindi na siya magsalita."

Naisip ba niyang gumawa ng legal action kung sakaling magtuluy-tuloy ang sagutan nila ni Mo sa Twitter?

“A, wala. Hindi naman ako ano… parang away ano lang yun… mababaw lang," sabi ni Aubrey.


Ayon pa sa aktres, makaibigan na silang muli ni Rhian ngayon. Sa katunayan, nagkita sila pagkagaling niya sa FHM event.

Masaya ba siya para kina KC at Rhian?

“Oo naman, haping-happy.”

Boto ba siya kay Rhian para kay KC?

“Botong-boto,” nakangiting sagot ni Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN