Kaye Torres sees Dolphy as her "showbiz father"; reiterates public appeal for information on mother Nida Blanca’s murder

Kaye Torres on why Dolphy did not court her mom Nida Blanca: “Sabi niya, sobra raw laki ng pagmamahal niya kay Nida, na hindi niya puwedeng sirain yun, kaya hindi niya niligawan.”


Ilang beses dumalaw sa lamay at nakipaglibing sa yumaong Dolphy si Kaye Torres, anak ng napaslang na veteran actress na si Nida Blanca.

Kung ang karamihan ay alam ang nagbabadyang paglisan ni Dolphy, ikinagulat naman ni Kaye ang balita.

“Oo, talagang nagulat ako. Kasi ang alam ko lang naman may sakit lang siya.

“Then, sinasabi nga na masama na ang lagay. Pero hindi naman natin maa-assume yung worse, di ba?”

Ito ang paliwanag ni Kaye sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ng burial rites para kay Dolphy sa Heritage Memorial Park and Crematorium sa Taguig City noong Linggo, July 15.

Kagagaling lang ng US ni Kaye kaya hindi nito nakausap si Dolphy noong nasa ospital ang komedyante.

“Nakausap ko lang siya nung death anniversary ng mommy ko. Pumupunta yan, e, kahit mag-isa.

“Last kong nakita at nakausap si Tito Dolphy, two years ago,” alaala niya.


SHOWBIZ DAD. Naging malapit si Kaye kay Dolphy dahil kinalakihan niya ito sa showbiz.

“He’s like my showbiz dad.”

Katulad ng iba, nalungkot si Kaye sa pagyao ni Dolphy.

“Very sad, pero we just have to accept the painful reality. It’s like losing a loved one.

“It’s like losing a family because Tito Dolphy… I feel a certain connection with him, being my mother’s onscreen partner for more than how many decades.

“Nag-click talaga yung tandem nila na parang kulang na lang siya’y maging tunay na ama ko rin, e, di ba?

“Parang adopted yung feeling ko. Kaya napakasakit. It will never be the same without him.

“I lost my mom and now Tito Dolphy.”

Matagal naging onscreen partner sina Dolphy at Nida sa sitcom na John En Marsha, na nagkaroon din ng maraming film versions.


DOLPHY & NIDA. Ano ang mga naalala niyang masasayang kaganapan sa pagiging malapit niya kay Tito Dolphy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masayang kasama yan pag nagsu-shooting sila ng mommy ko.

“Kaya ako, gustung-gusto kong sumasama sa mga taping and shooting ng Mommy ko. Lalo na pag si Tito Dolphy ang kasama sa pelikula or sa show.

“Kasi lagi yan nagpapatawa. Sunud-sunod ang mga punchlines kapag nagkukuwentuhan kami. Mga ganyan.”

Kahit kailan ba hindi nagtangka si Dolphy na ligawan ang Mommy niya?

“Never,” mabilis na sagot ni Kaye. “Kasi mahal na mahal nga raw niya ang mommy ko sa lahat ng mga naging leading ladies niya.

“Kasi yung chemistry nga nila talagang maganda. Saka masyadong mataas yung respeto niya sa mommy ko.

“Actually, nung eulogy ng mommy ko, nagsalita siya.

“Sabi niya, sobra raw laki ng pagmamahal niya kay Nida, na hindi niya puwedeng sirain yun, kaya hindi niya niligawan.

“Ganun kaganda. It’s so pure ang love niya sa Mommy ko. Platonic, e. Malalim.

“Ayaw niyang sirain yun, kaya hindi sila nagkaroon ng romantic relationship off-screen.”


UNSELFISH. Kilalang generous o mapagbigay si Dolphy, meron bang naibigay si Dolphy kay Kaye?

“Alam mo, naitanong mo yan, Rey. Nung namatay ang Mommy ko… obviously, wala na ang Nida Blanca, di ba?

“Dun ko ngayon na-experience ang Dolphy na, quote and unquote, as a person—the support he gave me during the loss of my mother.

“He was there for me. Doon ko nakita talaga what a big heart he has. At saka what a generous heart he has.

“Tinulungan rin niya ako niyan, e. Iniiyakan ko yan. Iniiyakan rin niya ako dahil sa nangyari sa Mommy ko.

“Nag-volunteer siya ng help. He was there. He showed me that he was there for me.”


NIDA BLANCA’S CASE. Tungkol sa murder case ng kanyang ina, ano na ang nangyari sa kaso?

“Actually, maraming nagtatanong niyan. Sabi ko nga, I’m still hoping for a solution to the case, because up to now I don’t have any closure yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, it doesn’t end with the death of Phillip Medel and Rod Strunk."

Si Phillip Medel ay sinasabing sangkot sa pagpaslang sa veteran at multi-talent actress. Gayon din umano si Rod Strunk, ang asawa ni Nida at stepfather ni Kaye, na nagpakamatay sa pagkakatihulog mula sa bintana ng isang hotel sa US.

“Because it’s been established legally naman by the DOJ [Department of Justice] that maraming involved.

“So, wala pang hustisya… wala pang hustisya.”


11 YEARS AFTER. Tuluy-tuloy pa rin ba ang kaso?

“Sa ngayon, nagpalit ang gobyerno. Hindi ko na alam,” iiling-iling niyang sabi.

“Ako naman, tuluy-tuloy pa rin ang panawagan ko sa mga tao na nandiyan lang ang may alam, na sana they come forward.

“Huwag naman silang matakot.

“Kung alam nila, sabihin nila, tulungan nila akong mabigyan ng justice ang nangyari sa mommy ko.”

Nagtuluy-tuloy pa rin ba ito sa korte?

“Wala namang naging hearing e. It’s all preliminary. It never went deep. So, ang Diyos naman hindi natutulog, ’no?

“Umaasa pa rin tayo na sana mabigyan ng hustisya si Nida Blanca. Napakabait na tao.

“Kung sino ang gumawa nito sa kanya ay dapat managot,” diin ni Kaye.

Pabubuksan pa ba niya uli ang kaso?

“Ahmm… tingnan natin ang mga mangyayari. Wala namang restrictions [sa bilang ng taon] ang murder, sa pagkakaalam namin.

“Yung nangyari sa mommy ko, 2001. Eleven years na.

“Siyempre, frustrated ako, very frustrated. I just have to deal with this.

“Deal with the frustrations, deal with the pain, the agony, the injustice, not only for my mom but for me, for the family.

“Wala naman kaming kasalanan sa mga tao, e.

“Sana naman tulungan kami,” panawagan at pag-asang pangwakas ni Kaye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN