Manay Ichu Vera Perez on Dolphy as National Artist: “Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya.”

Kung mahalaga pa rin bang igawad ang National Artist Award kay Dolphy ngayong wala na siya, ang sagot ni Manay Ichu: "...tingin ko, dapat pa ring maibigay sa kanya, in his memory, dahil bihira na yung ganun."


Manay Ichu on Dolphy as National Artist: “Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya.”

Si Maria Azucena Vera-Perez Maceda—o mas kilala bilang Marichu Maceda at Manay Ichu—ang anak ng namayapang may-ari ng Sampaguita Pictures na si Jose “Doc” Perez.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 17, sa presscon ng pagbubukas ng Quezon City Film Festival sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Si Manay Ichu ay isang commissioner ng Quezon City Film Development Commission, at ang naturang film festival ang kanilang flagship project para sa taong ito.

Naibahagi niya sa PEP.ph ang plano ng Ayala cinemas na maglaan ng tatlong araw na tribute at isang linggo naman sa SM cinemas.

Dito ay ipapalabas ang mga piling pelikula ni Dolphy mula sa Sampaguita Pictures at RVQ Productions.

Wika ni Manay Ichu, “Hindi ko pa alam kung anong pelikula, kasi Ayala, I think digital pwede. Pero sa SM, hinihingi nila 5mm.

“E ewan ko kung anong mga pelikula niya ang okay ang mga prints. Kasi yung iba talagang luma na. We will know probably in a week,” dagdag niya.

NATIONAL ARTIST AWARD. Hiningi namin ang opinyon ni Manay Ichu tungkol sa paggawad ng National Artist Award kay Dolphy.

“Alam mo, ako, masama ang loob ko na hindi niya natanggap yun nung buhay siya,” ang diretso niyang sagot.

Mahalaga pa kaya ang parangal na ito ngayong wala na ang Comedy King?

“Pero tingin ko, dapat pa ring maibigay sa kanya, in his memory, dahil bihira na yung ganun,” pagtukoy niya kay Dolphy.

Paliwanag niya, “Dito sa negosyong ito, sinasabi ko nga sa lahat, ang pag-aartista, kasama na dyan yung konting yabang.

“That’s what makes… Part and parcel yun ng packaging ng isang artista. Si Dolphy, wala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya man ang kinikilalang hari ng komedya, sadyang napakamapagkumbaba raw talaga ni Dolphy.

Si Mang Pidol din daw ang pinagkukunan ng kasiyahan ng maraming Pilipino.

“At tsaka, yung magsasalita lang siya, masaya ka na. The way he says it, ano nga e…ang tawag ko dyan, yung bangko e…ng kasiyahan.

“Wala ng ganun e, wala ng ganun. So all these years, sinasabi nila six decades…seven decades na si Dolphy because he started sa stage.

“Seven decades na siya kasi he started 14 years old mag e-eighty-four na siya ngayong July 25. Nagdadancing-dancing siya sa stage.

“So, 70 years niya tayong pinatawa. Sa umpisa konti pa lang ang nakakaappreciate sa kanya. To his dying day, pinapatawa niya pa rin tayo.”

TV NETWORKS UNITE. Itinuturing din ni Manay Ichu na isang tagumpay ni Dolphy ang pagsasama-sama ng tatlong malalaking TV networks ng bansa dahil sa kamatayan nito.

“It took a Dolphy para ma-unite ang tatlong TV networks. On his last night in Heritage, somebody interviewed me. Tapos before I knew it, ang dami ng cameras sa harap ko.

“Tapos, tinignan ko…nakilala ko mga camera man ng ABS-CBN, camerman ng Channel 7, camera man ng Channel 5, and I realized—tatlong channel, walang iringan, walang nag-aaway-away.

“Di ba, may war of the networks? It took a Dolphy to unite them.

"At nakita mo, ang placement ng camera sa Heritage [Memorial Park and Crematorium], pagpasok mo pa lang, andun na, three cameras may set-up dun, hindi sila nag-aaway-away.

“Pagalingan na lang sino ang makaka-interview, di ba? Lahat sila nakakapag-interview kahit sinong personality ang dumadating. Pagalingan na lang kung sinong magaling magbigay ng interview, di ba?” kwento niya.

Nabanggit din niya ang isang pambihirang pangyayari, kung saan lumabas sa Swertes Lotto noong July 11 – isang araw pagkatapos pumanaw ni Dolphy – ang mga numerong 8, 3, 4, na oras ng kamatayan ng King of Comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, even in death, nagawa niya pang magpasaya ng mga tao, na higit na isang libong tao ang nanalo.

“And I understand na, for these more than a thousand people, mahigit four thousand ang napanalunan ng bawat isa. Malaking bagay yun sa ordinary Pinoy. So maski sa kamatayan niya, nagpapasaya pa rin siya ng tao.

“Kaya nga tuwang-tuwa kami, sa Heritage, sa labas ng Heritage ang daming nagtitinda ng mga T-shirts, mga pins...lahat kami bumibili dun.

“Kasi matutuwa si Dolphy na, to the very end, may mga maliliit na taong pinagkakakitaan maski kamatayan niya.

"Natutuwa siya dun. Hindi siya naiinsulto, natutuwa siya, I’m sure.”

FONDEST MEMORY. Tinanong din namin siya kung ano ang pinakapaborito niyang alaala kay Dolphy.

“Ako, when Dolphy entered Sampaguita, it was in late 1952, I was eight years old.

"Basta ang natatandaan ko, pag sinasama ako ng lola ko sa studio, usually makikita ko si Dolphy—quiet lang, hindi siya comic, hindi siya magulo.

“Ang boses niya napakababa and he never wanted to call attention to himself.

"Pero pag nagbitaw na siya ng linya sa pelikula, masha-shock ka na lang, tatawa ka na lang nang tatawa. Pero very serious siya, very serious.

“Through the years, etong after his experience in television, dun na siya naging makwento. Pero maski nun naman makwento na siya, pero quiet, hindi mo akalaing siya si Dolphy.

“Very quiet siya tsaka napaka-humble, napaka-humble na tao. Hindi ko makakalimutan si Dolphy. At tsaka magaling magbihis. Pag lumalabas siya, bihis na bihis.”

SAMPAGUITA PICTURES. Naibahagi ni Manay Ichu ang tungkol sa panahon kung kelan si Dolphy at mga kasabaayng aktor niya noon sa Sampaguita Pictures ay may mga pamantayang sinusunod bilang artista.

“Ano yun, pareho sa ’kin, training din yun sa Sampaguita. Kasi sa Sampaguita, bawal lumabas ang mga artista namin ng bahay nila nang hindi nakabihis ng husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi turo ng father ko yun, na pag lumalabas ka, you have to maintain the illusion na tinitingala ka ng mga tao. Kaya dapat you must always show yourself at your best.

“Hindi ka pangkaraniwang tao. Yun ang [turo] ng father ko. Kaya nga artista ka e.

"So, bawal sa mga artista namin noon na makita sa labas na pahara-hara lang. Kailangan nakabihis ka.

“Tsaka dapat hindi ka masyado nakikita ng mga tao to maintain that mystic at mystery.

"Pero ngayon, nalulungkot ako pag nagpupunta ako sa mall, ang dami kong nakikitang mga artista palakad-lakad, hindi nakabihis. Sabi ko…talagang naninibago ako.”

Tinanong namin kung naging malapit si Manay Ichu kay Dolphy at kung ano ang pinaka-mamimiss niya rito.

“No, we did not become super close friends. Kasi naman malayo din ang agwat. When he left Sampaguita, halos hindi ko na siya nakikita.

“Although every now and then, nagkakasama kami sa mga parties. Pero ang mamimiss ko kay Dolphy is as a Filipino.

“Ang tawag ko kay Dolphy, ‘Sandigan ng Pinoy…Sandigan Bayan ng Pinoy.’ Nakakalapit sa kanya ang Pinoy para mailabas yung kanilang mga hinaing sa buhay.

“At natutugunan niya yung mga hinaing na yun ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagpapatawa. Kumbaga, bangko siya ng pagpapatawa eh.

“Kung kailangan, may problem ka, pupunta ka kay Dolphy magwiwithdraw ka ng pampatawa. Yun, talaga, pag-aari ng Pinoy yun. Yun talaga ang mamimiss ko.

“For as long as Dolphy was there, para bang, hey, may krisis tayo…o manood ka ng Dolphy, tatawa ka na.”

WAKE INCIDENT. Samantala, tumanggi namang magbigay ng kanyang pahayag si Manay Ichu tungkol sa kaganapang nangyari sa lamay ni Dolphy sa pagitan nina Annabelle Rama at Chito Alcid.

“Ay, wag na natin pag-usapan… Ayoko pag-usapan yun.

"Alang-alang kay Dolphy, I don’t want to touch on it. Pabayaan na lang natin yun. Tapos na yun. Wag na natin palakihin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN