Angel Locsin more comfortable now doing comedy; loses weight for new movie

Hasang-hasa na si Angel Locsin sa drama kaya naman nanibago raw ang aktres nang kunin siyang regular sa ABS-CBN sitcom na Toda Max. Kuwento niya, “Noong una talaga, sobrang takot. Kasi sila Vhong, magaling talaga sa comedy at saka uma-adlib. Mabilis ang pick-up. In character sila. Si Kuya Binoe rin, pinag-aaralan niya. Pero alalay, nakaalalay sila. Feeling ko, kapag awkward ako, tinutulungan nila ako."


Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Angel Locsin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Toda Max noong Martes, July 17, sa ABS-CBN studio.

Ayon sa Kapamilya actress, may kinalaman ang pagpapayat niya sa ginagawa niyang pelikula ngayon sa Star Cinema, ang One More Try.

Ang pelikulang ito, na entry sa 2012 Metro Manila Film Festival, ay tinatampukan din nina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes.

Sabi ni Angel, “Alam niyo naman ako, kapag may project, saka naghahanda.

“Nag-workout, diet din kahit papaano... minsan takbo.

“Madali kasi akong ma-bore. Madaling masanay ang katawan ko.

“Kapag runong-runungan na ako, minsan nabibitawan ko na.”

May pagmamalaki rin na ikinuwento ng aktres, ngayon ay nakakapag-salad na siya.

“Hindi kasi ako naggu-gulay, di ba? Ngayon, maipagmamalaki ko lang, nakakapag-salad na ako!” natatawang sabi niya.

“Tinutulungan nila ako dito [Toda Max]—ever talaga.

“Maarte na kung maarte, pero maarte talaga ako. Pero, very foreign yung texture.

“Pero ngayon, nakakapag-salad na ako. Hinahanapan nila ako ng salad na sa tingin nila magugustuhan ko.

“So far, sa sinigang, nakakain ko naman.”

TODA MAX. Nang magsimula ang ABS-CBN sitcom na Toda Max ay hindi kasama si Angel sa original cast, na kinabibilangan nina Robin Padilla at Vhong Navarro.

Sabi nga ng aktres, “Palagi ko namang sinasabi na hindi naman talaga ako original dito. Noong nag-launch sila, hindi ako kasama.

“But I feel blessed talaga. Naipakita ko ang other side ko.

“Usually, drama ang ginagawa ko. So, parang ito, something new naman.

“Actually, ang daming nagulat dahil nakikita naman yung kalog side ko. Yung pagkaloko-loko ko.”

Sa drama mas nahasa at nalinya si Angel kaya bago raw sa kanya talaga ang pagpapatawa.

Ikinuwento nga niya sa PEP na noong unang sabak niya sa Toda Max ay medyo kabado pa siya.

“Noong una talaga, sobrang takot. Kasi sila Vhong, magaling talaga sa comedy atsaka uma-adlib. Mabilis ang pick-up. In character sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kuya Binoe rin, pinag-aaralan niya. Pero alalay, nakaalalay sila.

“Feeling ko, kapag awkward ako, tinutulungan nila ako.

“Kahit sila Direk [Malu Sevilla], ganoon din. Walang pressure, so masaya.

“Walang isyu-isyu rito sa set namin. Sobrang happy set lang.”

Nag-e-enjoy ba siya sa paggawa ng sitcom?

“Yeah. Nagkaroon na rin ako noon ng sitcom, pero parang semi-regular lang.

“Bata pa ko noon, hindi pa ako ganito talaga na regular talaga.

“Atsaka, maiba naman. Pahinga muna ako sa light.”

Ang tinutukoy na sitcom ni Angel ay ang All Together Now ng GMA-7; na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Edgar Mortiz, Pops Fernandez, at ang yumaong si Johnny Delgado. Ipinalabas ito mula 2003 hanggang 2004

May nakakatawang anekdota pa si Angel sa mga unang linggong nagte-taping siya ng Toda Max.

“Noong una nga, pagtungtong ko dito, nagkasakit-sakit ako, kasi hindi ako sanay sa aircon.

“Sanay ako sa mga putikan, init… kung anu-anong niknik, yung mga kumakagat sa akin. Hindi ako mayaman.

“Pero ngayong nag-a-adjust na ako, ngayon ako nagkakasakit,” lahad niya.

VHONG’S LEADING LADY. Nang buong-buo na ang karakter ni Angel sa sitcom bilang si Isabel, marami ang nag-akala noong una na si Robin ang makakapareha niya. Pero sila pala ni Vhong ang masasabing magka-loveteam sa Toda Max.

Sabi ni Angel, “Malinaw naman sa akin, sa guesting pa lang. Kasi, girlfriend ako ni Vhong.

“Although noong una, lahat naman, first time na makikita si Tol [Robin], ‘Wow, ang pogi!’ May ganoon talaga.

“Pero siyempre, ang karakter kasi ni Isabel, sobrang patay na patay kay Vhong.

“As in, siya ang pinakaguwapo sa lahat, siya ang pinaka-perfect, siya na! Siya na ang anak ng Diyos!

“Ganoon talaga ang tingin ko sa kanya!”

Kumusta naman ang chemistry nila ni Vhong?

“Ewan ko, hindi ko alam sa iba, pero sa akin kasi, light lang.

“Sobrang kumportable ka kahit na anong gawin mo, alam mong sasakyan ka rin niya. Masarap katrabaho si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yun nga, walang mga isyu, walang mga pakiramdaman, walang ganoon. Pleasant siya, always.

“Kahit na noong time na nagkasakit siya, naoperahan siya, ano pa rin siya, nakangiti siya.”

ROBIN PADILLA. Tinanong ng PEP si Angel, hindi kaya dahil iniiwasan lang na ma-link sila ni Robin kaya hindi sila ang ginawang magka-partner sa Toda Max?

“Hindi naman. Si Kuya Binoe, makikita mo, happy talaga siya,” sagot ng aktres.

Nagkukuwento rin ba sa kanya si Robin tungkol sa married life nito?

“Kapag napag-uusapan,” sambit ni Angel.

“Kami naman kasi rito, may respeto sa privacy ng isa’t isa. As much as possible, we have respect with our privacy.

“Pero kapag napag-uusapan, napag-uusapan namin.

“He’s very happy. Kung makikita ninyo, mas mukha siyang bata.”

Nilinaw ni Angel na positibo ang ibig niyang sabihin na “mukhang bata” si Robin.

“Ang aking obserbasyon lang, mas mukha siyang bata kasi happy siya.”

Pinapayuhan din ba siya ni Robin pagdating sa lovelife?

“Nag-guest naman na rito si Phil [Younghusband, Angel’s boyfriend]. Di ba, nag-guest na rito si Phil?

“Si Kuya Binoe naman, siyempre, kapag feeling niya happy ako, kapag nakita niyang okay ako, kahit kanino naman, di ba, okay sa kanya.

“At base sa kanyang kutob, okay naman daw.

“Actually, sila nila Vhong, super asar-talo ako noong nag-guest dito si Phil!”

Nangiti naman si Angel nang kumustahin namin sa kanya ang lagay ng puso niya ngayon.

“Nasa Europe ngayon ang lolo mo,” sabi niya patungkol sa boyfriend na si Phil. “Inaayos niya kasi ang house ng parents niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN