Vaness del Moral on "rivalry" with Chynna Ortaleza: "Pagdating sa pagiging kontrabida, flawless siya. Kinakarir din niya."

“Rivalry? Wala naman. Magkakaiba naman kami ng projects na ginagawa," says Vaness del Moral when asked if there’s rivalry between her and Chynna Ortaleza, who also plays character roles in most of her projects.


Maganda ang natatanggap na feedback ni Vaness del Moral sa kanyang role bilang Dina Carvajal sa afternoon drama series ng GMA-7 na Faithfully.

Sa simula pa lang daw ay nagmarka na agad ang role ni Vaness bilang spoiled brat na Dina, na gagawin ang lahat para muling bumalik sa kanya ang boyfriend.

Ikinatutuwa ni Vaness ang mga natatanggap niyang feedback mula sa maraming tao dahil naaaliw raw ang mga ito sa kanyang kontrabida role.

Bukod kasi sa mga binibitawan niyang mga witty dialogues, may sariling fashion statement din daw ang character niya.

Sabi ni Vaness sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kailangan daw kasi mag-standout ako, hindi lang sa mga eksena ko kundi pati sa pananamit ko.

“Kaya pinag-eksperimentuhan nila ako, pati sa makeup. Kaya nabuo ang character ni Dina.

“Noong ibinigay sa akin ang role, bida-kontrabida talaga ako. Okay lang kasi kaya kong paglaruan ang character ko.

“Tsaka mas bagay naman akong kontrabida. Hindi raw ako mukhang puwedeng apihin, e.

“Pero love ko ang magkontrabida. Nagagawa ko ang mga gusto ko and I don’t have to worry about any image.

“Basta ako, go lang nang go sa pagiging maldita sa show!” tawa niya.

Nakapanayam ng PEP si Vaness sa GMA Network Center.


PRIME VILLAINESS ON THE RISE? Dati raw ay gumaganap lang si Vaness bilang best friend o nakababatang kapatid ng bida sa drama series.

Nagsimula siyang magkontrabida sa afternoon series na Basahang Ginto, kung saan ang una niyang naging "biktima" ay si Carla Abellana.

“Yun ang first time ko na maging kontrabida talaga, tapos nagtuluy-tuloy na.

“Naging kontrabida rin ako ni Heart Evangelista sa Dwarfina. At yung huli ko was being kontrabida to Sarah Lahbati sa Kokak.

“Pero in between naman ng mga kontrabida roles ko, may mga goody-goody roles naman akong nagawa tulad sa Magic Palayok at Futbolilits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mas enjoy ako sa pagiging kontrabida talaga,” sabi niya.

Ready na raw si Vaness na maihilera sa mga kinikilalang mga kontrabida katulad nina Bella Flores, Cherie Gil, Princess Punzalan at Gladys Reyes.

Aniya, “Okey lang sa akin ‘yon. It’s an honor for me na masama sa listahan na ‘yan.

“Alam ko na masyado pang maaga para isama ako sa prestigious group ng mga villainess.

“Marami pa akong dapat na patunayan para karapat-dapat akong masama sa mga kinikilalang kontrabida sa showbiz.”

CHYNNA ORTALEZA. Ang masasabing karibal ni Vaness sa pagiging kontrabida ngayon sa bakuran ng GMA-7 ay si Chynna Ortaleza.

“Magaling ‘yang si Chynna talaga. Pagdating sa pagiging kontrabida, flawless siya. Kinakarir din niya.

“Rivalry? Wala naman. Magkakaiba naman kami ng projects na ginagawa.

“Hindi pa kami nagkakasama ni Chynna na pareho kaming kontrabida.

“Siguro bongga kung pareho kaming kontrabida at magbabangayan kami. Yun ang ultimate, di ba?

“Sana naman magkasama kami ni Chynna. Excited ako diyan,” ngiti niya.


DREAM HOUSE. Dahil sa sunud-sunod na projects ni Vaness, nakapundar siya ng isang lote na balak niyang tayuan ng kanyang bahay.

Kuwento niya, “Lupa pa lang naman siya. Hindi naman sobrang kalakihan. Tamang-tama lang para sa magandang bahay.

“Dream ko nga isang two-story house na modern ang hitsura.

"Tumitingin na nga ako ng mga designs para kapag ready na akong magpagawa, alam ko na ang mga gusto ko.

“Pero sa ngayon, nag-iipon pa ako. Malaking pera ang kailangan ko for the construction.

“Milyones ang kailangan kaya work lang nang work!

“May mga naipon naman na ako kaya tuwing suweldo, nilalagay ko agad sa bangko.

“Ayokong galawin para mas dumami pa ang savings ko.”

Hindi raw maluhong tao si Vaness. Hindi rin daw siya ang tipo na mahilig mag-shopping

“Ayokong ubusin ang pera ko sa mga bagay na minsan ko lang maisusuot. Yung mga kailangan lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga damit ko naman sa tapings, may sponsors ako kaya nakakatipid ako.

“Praktikal akong tao. I don’t mind kung ulit-ulitin ko ang mga damit ko. Idaan na lang sa paiba-ibang accessories.

“Hindi ko naman kailangan ng maraming damit dahil ipamimigay ko lang ang mga ‘yan balang-araw.

“Sa panahon ngayon, mas magandang gumastos ka sa mga bagay na alam mong may halaga at napapakinabangan mo balang araw.

“Importante sa akin ang makaipon at matupad ang paggawa ng dream house ko,” saad ni Vaness.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN