Lovi Poe on focusing on career over lovelife: “Ito na muna, masyado akong serious before!”

“Masarap," Lovi Poe says about being single. "You get to focus more on a lot of things. With my work din naman, wala din naman akong time.”


Pagkatapos gumanap bilang Natasha sa GMA-7 teleserye na Legacy, naging abala naman si Lovi Poe sa bagong pelikula ng Regal Films, ang Guni-Guni.

Dahil sa pelikulang ito, binibiro na si Lovi na “princess of horror movie” ng ilang miyembro ng media, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa ginanap na pictorial ng mga cast members ng pelikula.

Ito ay ginanap kaninang hapon, July 13, sa Pioneer Studio, sa Mandaluyong City.

Ayon sa 23-year-old actress, natutuwa siya na tinatawag siyang ganito subalit hindi niya ito masyadong iniisip.

Bago ang Guni-Guni, naging bahagi na si Lovi ng ilang horror movies, gaya ng Shake Rattle & Roll 9 (2007), White House (2010), at Aswang (2011).

May isa pang horror movie si Lovi—ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kunsaan kasama naman niya si Dingdong Dantes.

Pero ayon kay Lovi, kakaiba raw ang Guni-Guni sa mga nauna niyang nagawa.

“Well, it’s very nice kasi it’s very different sa mga nagawa ko. Iba siya from what I did na Aswang.

“It’s about the personality ng tao. Hindi lang siya nakakatakot lang o may ghost lang.”

Hindi rin daw madali ang gagampanan niyang karakter dito.

Paglalarawan ni Lovi, “Ibang-iba ito kasi, ’yon nga, it has something to do with your head, kasi it makes you think.

“It’s a kind of horror film wherein hindi mo alam kung ghost ba yung nagha-haunt sa ’yo o tao, totoo ba yung guni-guni o nasa isip mo lang ‘yon.”

Makakasama ni Lovi sa pelikulang ito ang baguhang Kapuso actor na si Benjamin Alves at ang Kapamilya actress na si Empress.

FOCUS ON CAREER. Samantala, dahil sa sunud-sunod na trabaho, wala na raw oras si Lovi para sa lovelife.

Kaugnay nito, itinanggi niya na may espesyal na relasyon na sila ng dati niyang leading man na si Jake Cuenca, na muli rin niyang makakasama sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, I’m free na dating, but nothing serious, just hanging out,” sabi niya.

Masaya raw siya ngayon bilang single.

Natatawang dagdag niya, “Ito na muna, masyado akong serious before!”

Sa pagiging single, na-realize daw ni Lovi na may iba pang paraan para maging inspired sa buhay.

“You can get a lot of inspiration with other things.

“Doon ko rin na-realize na maraming nagpapasaya sa aking bagay.

“Like, with my work now, the more na napagkakatiwalaan ako sa magagandang proyekto, mas lalo akong nai-inspire na magtrabaho at gawin ‘yon nang mabuti.”

Dagdag niya tungkol sa pagiging single, “Masarap. You get to focus more on a lot of things.

“With my work din naman, wala din naman akong time.

“Mas masarap kasi na maging alone first before you be with someone.”

Sa ngayon, wala pang susunod na proyekto sa telebisyon si Lovi, pero mas magiging abala siya sa paggawa ng pelikula.

Bukod sa Guni-Guni at Lihis, gagawa rin ng pelikula si Lovi kasama sina Paulo Avelino at Jennylyn Mercado—ang The Bride and the Lover.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN