Snooky Serna signs up with new talent management group, promises not to disappoint Regal’s Mother Lily Monteverde

Snooky Serna says her separation from ex-husband Ricardo Cepeda has some positive effects. She notes: “Kasi nga, sabi ko nga, kapag masaya si Richard, siyempre, nagti-trickle down yun sa pagiging mabuti niyang daddy lalo—masaya ang mga bata.”


Muli na namang aktibo si Snooky Serna sa showbiz.

Si Snooky ay naka-kontrata na sa GRowL Entertainment kasama ang ibang mga baguhang artista.

Ang GRowL Entertainment ay isang bagong talent management na itinatag nina Girlie Rodis, Roselle Monteverde, Lily Monteverde, Attorney Alfredo Cruz at Leo Doiminguez.

Kahapon, July 20, ginanap sa Imperial Palace Suites ang contract signing nga mga managers ng GRowL Entertainment, kasama si Snooky.

NEW MANAGERS. Kung tagurian si Snooky ay "prodigal daughter" ng Regal Films.

Pero masaya si Snooky na muli siyang nasa poder ng Regal sa pamamagitan ng GRowL.

“God is good. After so many years of being absent, especially in Regal Films, fifteen years akong nawala.

“Tapos, biglang this miracle happens. I’m just really grateful and what I can promise lang is I will really do my best not to disappoint GRowL Entertainment and Mother Lily [Monteverde].

“At awa naman ng Diyos, yung mga dati kong bad habits, yung mga late-late, dapat hindi na nga i-mention kasi, past is past na.

“Pero nawala na siya. And I don’t want to sound preachy o nagpapabait po, pero a lot of it has to do with my change of faith.”

INNER PEACE. Isa nang miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Snooky.

“Well, I wouldn’t want to say na lang so as not to offend anyone, but I personally want to change...

“I’ve found my truth and I’m in the very good place and I’m so happy na siguro, nagkaroon ako ng banal na takot.

“Now, I’m thinking twice before doing anything. Ngayon, dobleng isip-isip bago magdesisyon at wala ng lovelife. I choose to be single.”

Para namang nilagyan na niya ng tuldok ang tungkol sa lovelife.

“I think, if it’s God’s will, it will be forever. Then, okay lang sa akin. I take that, I accept that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would rather be alone and happy than be with someone and then be miserable.

“Di ba, it’s contrived, ha? Pero, ako lang naman po ito.”

REGAL BABY. Si Snooky ay isa mga orihinal na Regal Babies.

“I practically grew up in Regal Films and I’m very, very grateful talaga kay Mother.

“At kay Roselle, kay Girlie at kay Leo that they gave me this big blessing.

“All I can do is to give back yung trust siguro, na ibinigay nila sa akin ngayon and to really wish them well.

“You know, talagang I can only pray for them. They have been so kind and supportive all these years.

“Kahit pa sabihin natin na hindi sila openly na nagsu-support para sa akin, pero, they have always been the wind beneath my wings.”

Maganda ang aura ni Snooky nang humarap ito sa entertainment press kahapon. Sa edad niyang 46, halos walang nabago sa kanyang mukha.

“It’s because siguro now, I’m really, truly… walang showbiz ito as I always say… I have peace in my life.

“I really, really have peace na to the point of being so serene. That people sometimes mistake it na parang sasabihin nila, ‘Sad ka ba?’

“Pero hindi, hindi yun, e. Chill lang ako—cool.”

“Mas gusto ko pa nga, like sa taping, hindi naman sa nagbubuhat ng bangko. Naghihintay ako sa set kesa sa ako ang hinihintay.

“There are perks also on being on time. Kasi, people treat you with respect and I feel the genuine liking.

“Hindi yung ngingitian ka, pero, ngiting aso naman pala kasi, alam nilang nagmamaldita ka.

“But gone are those days. Finish na yun.”

TOP RATING. Kasama rin si Snooky sa Angelito, Ikalawang Yugto.

“I’m proud to say and if I may announce, nag-number one po kami sa pilot telecast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa lahat daw ng stations so far, yun ang ini-announce ng ABS-CBN noong magkaroon kami ng presscon, they said na nag-number one and they congratulated every one of us.

“At ang plano ng Channel 2, if everything goes well, hopefully, baka po maging tuloy-tuloy na. Yung parang Seventh Heaven.

“Yung lalaki ang mga bata, tatanda ka na sa show. Hopefully, yun ang mangyari. That would be so nice.”

HAPPY FOR EX-HUSBAND. Ang dating asawa ni Snooky na si Ricardo Cepeda ay masaya na sa sarili nitong buhay pag-ibig.

“I’m happy for him. Ako naman, as long as my children are happy, I’m happy for him because they are happy.”

Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na magkita sila ng girlfriend ni Ricardo na si Marina Benipayo.

“Hindi pa kami nagmi-meet. Pero ako, sa akin, I‘m alright with that and it’s inevitable naman na sa liit ng Pilipinas, magkikikita at magkikita kami somehow… siguro.

“And I think, they are very serious. Honestly, hindi ito ano, ha? I am sincerely, very happy for both of them.

“Kasi nga, sabi ko nga, kapag masaya si Richard, siyempre, nagti-trickle down yun sa pagiging mabuti niyang daddy lalo—masaya ang mga bata.

“Kapag masaya ang mga anak ko, masaya na rin ako for Richard.”

“At saka, isa pa, Marina has been a very good stepmom for my children and I thank her for being nice to them.”

Dalawang babae ang anak nila ni Richard—si Sam ay 19 years old at nasa Dean’s list sa La Salle, at si Sachi ay nag-aaral sa Integrated Montessori at consistent honor student .

Parehong walang hilig mag-artista ang dalawa.

“Ayaw po. Ayaw nilang mag-artista. Lumaki naman sila sa showbiz.

“But then, honestly, siguro kanya-kanya talagang calling o attraction. Showbiz doesn’t attract them to the point that they will enter… hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto lang nilang maging fan. May mga artista silang bine-bet nila or pine-peg nila.”

PAST EXPERIENCE. Aminado si Snooky na may mga pinagdaanan daw siya na ayaw niya sanang mapagdaanan ng mga anak.

“Naku, ang dami-dami! Yun lang,” natatawa niyang sabi.

“I’d rather not expound. Past is past na lang ako. I’m just thankful lang talaga sa Regal Films and of course, sa GRowL Entertainment that I am given this first blessing.”

Ang unang pelikula na gagawing muli ni Snooky sa Regal Films ay ang pelikulang pagtatambalan nina Marian Rivera at Coco Martin.

Si Snooky ang magiging nanay ni Coco sa pelikula.

“Ako, I don’t mind. I have a teenage daughter. I have a nineteen-year-old.

“So, parang hindi na big deal sa akin ang mga mother role,” paniniguro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN