Joross Gamboa describes his role in Cinemalaya film, Intoy Syokoy: "Hindi ako nagpatawa rito. Hindi nga ako ngumingiti rito, parang pikon pa ko."

Joross Gamboa (in photo) thinks growing his hair long has brought him luck, landing him a slew of movie projects. He plays the role of Berting Baka in the Cinemalaya film, Intoy Syokoy ng Kalye Marino. He has appeared in the movie Every Breath You Take and has a part in Suddenly It’s Magic, which stars Erich Gonzales and Mario Maurer.


Ngayong gabi sa Cinemalaya sa CCP ang gala night ng Intoy Syokoy ng Kalye Marino.

Katulad ng ibang cast ng pelikula na dinirek ni Lem Lorca, si Joross Gamboa ay may kakaiba rin na kuwento sa naging karanasan niya sa pagsu-shooting ng pelikula.

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross noong press conference noong Huwebes, July 19, sa Sir Boy’s Food Republic sa Panay Avenue.

Ayon kay Joross sa karakter niya bilang si Bertong Baka, “Wala akong patawa rito. Seryoso talaga ko rito. Hindi ako nagpatawa rito. Hindi nga ako ngumingiti rito, parang pikon pa ko.

“Seryoso. Kahit ang sarap mag-punchline, hindi ako nagpa-punchline. Hindi siya parang My Amnesia Girl.”

Sino pala si Bertong Baka?

“Ako ang nagtatago ng angst palagi. Kapag may problema ko sa sarili ko, palaging bad trip lang ang hitsura ko.

"Ang aura ko. Parang palaging bad mood lang. Yun pala, may nangyayari. Pero hindi ko kinukuwento.

“Ngayon ko lang nagawa yung ganitong character kaya masaya rin ako.”

Kung sina JM Rodriguez at LJ Reyes ay naging daring sa kani-kanilang karakter, ano naman sa parte niya?

“Ay, may pumping scene. Nakahubad pero medyo may naka-ano sa baba. Pero kapag tiningnan mo rin, parang walang ano sa baba.”

Sa mismong Kalye Marino sila nag-shooting. At habang kinukuwento ni Joross ang naging karanasan niya sa pagsu-shooting ng Intoy Syokoy, parang malinaw rin niyang nailalarawan sa amin ang mismong pangyayari.

Sabi niya, “Baka dito, magsisimula ng bagong category na Best Dirty Drama Actor and Actress. Kasi, dito lang may makikitang—kasi, nagsu-shoot kami. Alam mo yung mga comfort room nila, butas lang, diretso.

“Kapag umaga, ayaw naming mag-shoot kasi, maraming fresh,” natatawang kuwento niya.

“Kasi, yung bahay, ‘eto na ang dagat, tapos, makikita mo nahuhulog doon, diretso na.”

Kuwento pa ni Joross, may mga eksena sila na nagtutulakan sila sa dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa eksena lang namin na nagtutulakan kami sa dagat, malulunod ka minsan. Kaya dito, literal, napakain ako ng dumi, sa palengke, e, espaltado, tapos sabi ko, bakit may parang buhangin, yun pala, tuyo na.

"Masasabi niyang worth it naman ang lahat ng ginawa niya para sa pelikula nila?

“Worth it lahat,” sabi niya.

“Mataas ang respeto ko rito sa palabas na ito.”


Nabuo rin daw ang pagkakaibigan sa kanilang lahat sa cast. Bilang magkakaibigan sila sa pelikula nina JM, LJ, Kenneth Salva, Kristoffer King, at Arnold Reyes.

“Parang magkakaibigan talaga kaming lahat. Nag-i-stay kami roon ng isa, dalawang araw. Iba yung pagkagising mo, yun ka pa rin, yung character na yun.

"Mas nagiging natural. Hindi yung uuwi ka, tapos babalik ka, nawawala-wala. Dito, tuloy-tuloy.”

LONG HAIR. Kino-konsider naman ni Joross na tila nagbigay raw ng suwerte sa kanya ang pinahabang buhok pagdating sa pelikula. Bukod sa Intoy Syokoy, nagawa niya ang Every Breath You Take. Kasama rin daw siya sa Suddenly It’s Magic nina Erich Gonzalez at Mario Maurer.

At nag-story conference na rin daw siya sa gagawin niyang pelikula sa Viva Films na may temang action na pagbibidahan ni Ronnie Ricketts.

“Freelance naman ako. Kaya kahit saan, puwede akong gumawa. Tapos baka later this year, matuloy na rin ang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo [project].

"Masaya naman ako na naging shooting star, pero, siyempre, namimiss ko na rin na maging taping star,” natatawa niyang sabi.

Ang ibig sabihin ni Joross sa huling sinabi niya sa shooting star, marami siyang pelikulang ginagawa, pero, wala siyang teleserye ngayon. Ang huli pa raw niya ay sa TV 5 na Sa Ngalan ng Ina.

TELESERYE. Namimiss na niyang mag-teleserye?

“Namimiss ko nang mag-taping. Masarap din siyempreng puro pelikula pero, siyempre, masarap pa rin na may teleserye.

"At siguro, may epekto rin na hindi ako naka-kontrata kahit na kanino. Although, may advantage rin kasi, nakakapag-Star Cinema ako, nakakapag-Viva."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na niyang magpa-kontrata kahit kanino?

“Ako kasi, depende kay Kuya Noel Ferrer, inalay ko na sa kanya ang career ko.”

Sa personal na aspeto, apat na taon na raw ang relasyon nila ng girlfriend na isang modelo. Biro nga namin sa kanya, parang hindi siya dahil tila nag-seryoso na siyang talaga sa pakikipag-relasyon.

Sabi naman ni Joross, “Siyempre, nag-mature ka na."

Masaya naman na ibinalita ni Joross na ga-graduate na siya ngayon sa kursong Masscom sa Southville International School pagkatapos ng maraming taong binuno niya rin makatapos lamang.

Kuwento nga niya, “Eh kasi, ‘di ba, nagsimula ako ng Computer Application. Tapos, nag-Nursing ako. Tapos, nag-stop ako kasi, nag-SCQ [Star Circle Quest]. Hindi ako makabalik ng nursing kasi, hindi ko mapagsabay. So, nag-Masscom ako simula noong 2007.

“Patingi-tingi lang ang subjects na kinukuha ko. Hindi ako makapag-full load. At least ngayon, nagbunga naman, napagsabay ko naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN