Arnold Reyes admires acting skills of LJ Reyes: “Kahit sa mga eksenang wala siyang ginagawa, wala siyang sinasabi, nakikinig lang siya, napaka-powerful para sa akin."

Arnold Reyes has two Cinemalaya entries this year, Intoy Syokoy ng Kalye Marino and Dyablo. He also appears in Graceland, which is in competition at the International Film Festival in Canada.



Isa na siguro ang aktor na si Arnold Reyes na masasabing suki talaga ng mga pelikula ng Cinemalaya. Halos taon-taon yata ay may pelikula siyang entry sa Cinemalaya na ngayon ay isang linggong mapapanood sa CCP.


Kasama si Arnold sa pelikulang Intoy Syokoy ng Kalye Marino na prinodyus ni Boy Abunda at ngayong gabi ang gala night sa CCP Main Theater.


“Nagsunod-sunod ang Cinemalaya entry ko. Yung first, Bigtime, tapos, nagsunod-sunod na.

"This year, dalawa po ang Cinemalaya entry ko. Itong Intoy Syokoy at Dyablo. At kasabay rin ng festival natin, in competition naman yung Graceland na ginawa ko sa International Film Festival sa Canada.”


May pagka-thriller raw ang Graceland. Isang Filipino-American na si Ron Morales raw ang nag-direk nito.


Sa pakikipag-usap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold noong press conference ng Intoy Syokoy noong Huwebes ng tanghali sa Sir Boy’s Food Republic, napu-fulfill daw talaga ng mga ginagawa niyang indie films ang passion niya sa pag-arte.


Ayon nga kay Arnold, “Yes, napu-fulfill at nadadala ko kahit paano sa TV ang [passion] at discipline. Kapag may ginagawa akong karakter, kahit paano, nasasama mo yung pisikal.”


Sa telebisyon, nakagawa siya ng Reputasyon sa ABS-CBN at sa GMA naman, My Beloved daw ang huli niyang ginawa. Balik-ABS-CBN nga lang daw siya ngayon sa panghapong serye na Pintada.


Ginagampanan ni Arnold ang role ni Boyet sa magkaka-barkada sa Intoy Syokoy. Sino naman siya?


“Sa magkaka-barkada, si Boyet ang pinaka-happy-go-lucky, snatcher, yung parang ang tingin niya sa buhay, wala lang, magaan lang.

"Huwag kang hot, yung ganoon. Kalmado ka lang. Pero parang in a way, pagtakpan din ang reyalidad ng buhay.”


WORKING WITH LJ REYES. Sa cast ng pelikula, hindi na raw bago kay Arnold ang maka-trabaho si LJ Reyes.


Kuwento niya, “Meron kaming Camera Café dati. Kami ang loveteam doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, tuwang-tuwa ako kapag makakasama ko si LJ. Kasi, grabe ang bonding namin, yung gutom. Specifically yung sa Camera Café.


“Na every time na magkikita kami, wala kaming pinag-uusapan kung hindi yung nakaraan namin sa Camera Café.

"Tapos, nagkasama kami ni LJ sa unang indie namin, yung The Leaving. Nanalo siyang Best Supporting Actress.”

Biro namin sa kanya, may nakaraan pala talaga sila ni LJ?

“Yes, may nakaraan kami,” nakangiti niyang sabi.


Siya ang kasama ni LJ noong una itong manalo ng award sa CCP para sa The Leaving. Ngayon ay marami ang nagsasabi na magaling din si LJ sa Intoy Syokoy. Ano naman ang masasabi niya?


“Para sa akin, magaling si LJ. Kahit sa mga eksenang wala siyang ginagawa, wala siyang sinasabi, nakikinig lang siya, napaka-powerful para sa akin.


“Kaya sinasabi ko sa kanya na ’Uy, LJ, natutuwa ako kapag ka-eksena kita. Nararamdaman ko talaga, napapadali ang eksena.’

"Kasi, ang galing niya, e. Ang galing ni LJ. Kaya sabi ko lang sa kanya, I’m a fan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN