Jessa Zaragoza admits she and husband Dingdong Avanzado stayed together despite tough times: “Wala namang perfect na pagsasama, e."

Jessa Zaragoza, who is married to Dingdong Avanzado, says it was faith in God and a prayerful life that kept her marriage strong. “Yung faith namin sa Panginoon ang nagpalakas sa samahan namin. Kapag dumarating ang time na parang napanghihinaan kaming dalawa, nagdadasal kaming pareho."

She recently launched her new CD, Pag Wala Na Ang Ulan.


Muling nagbabalik nga ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza sa paggawa ng album.

Available na sa lahat ng music stores ang kanyang bagong CD na Pag Wala Na Ang Ulan na release ng GMA Records.

Taong 2009 pa raw ang last album na ginawa ni Jessa na Jessa Sings The Great Musical Icons, kunsaan puro mga cover versions ang kanyang kinanta. Sa latest album nga niya ay puro mga original songs ang kanyang inawit.

“Sobra kong na-miss ang recording. Alam n’yo naman na unang love ko ang kumanta at sa paggawa ko ng albums ko nailalabas ang mga emote ko sa buhay.

“Since 2009 kasi, marami nang nangyari sa buhay ko—sa pamilya namin ni Dingdong [Avanzado]. Kaya naging inspiration ang mga iyon para magawa at matapos ko ang bagong album ko,” ngiti pa ni Jessa nang makapanayam namin siya sa kanyang album launch noong July 18 sa The Old Spaghetti House sa Sgt. Esguerra Street in Quezon City.

Inamin nga ni Jessa na dumaan din sila ng mister niyang si Dingdong sa mga hindi magagandang moments ng mag-asawa. Nandiyan daw na nag-aaway sila dahil sa mga bagay na hindi nila napagkakasunduan.

“Normal lang naman sa mag-asawa na daanan ang mga ganyan. Hindi nga naman maganda ang gano’n pero hindi mo naman mapipigilan.

“Wala namang perfect na pagsasama, e. Lahat naman may konting flaw talaga. Kahit na pilit mong iwasan na magkaroon kayo ng away, nangyayari pa rin.

“Iniisip na lang naming mag-asawa na pagsubok lang lahat ng iyon. Parang tine-test lang ang pagsasama namin. Kung kaya pa ba namin o hindi na? Mabuti naman at nakakayanan naming dalawa.”

FAITH IN GOD. Pareho nga raw kasing madasalin si Jessa at Dingdong kaya tuwing nagkakaroon sila ng problema, sa Diyos daw agad sila humihingi ng tulong.

“Yung faith namin sa Panginoon ang nagpalakas sa samahan namin. Kapag dumarating ang time na parang napanghihinaan kaming dalawa, nagdadasal kaming pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi namang dasal ay yung i-bless Niya ang pagsasama namin. Whatever problems we have, lagi naming pinagdarasal iyon.

“Kaya hanggang ngayon, strong kaming dalawa. Basta ang Panginoon ay nasa pagitan namin, walang imposible. Makakayanan namin ang lahat ng pagsubok,” ang sabi ni Jessa.

Kaya nga ang limang songs na nasa album ni Jessa ay tila may kuwento lahat. Mga cuts nga ay may mga titulong "Nasaan," "Pag Wala Na Ang Ulan," "Ayoko Na," "Napatawad Na Kita," at "Buti Na Lang."

“Masyadong ma-emote ang mga songs sa title pa lang, ‘di ba?” ngiti pa niya.

“Kailangan nilang pakinggan lahat dahil makaka-relate sila sa bawat song talaga.

“Itong cut nga na ’Ayoko Na,’ si Dingdong ang nagsulat ng lyrics. Kailangan mapakinggan nila para malaman nila kung bakit ganito ang title niya.

“Tapos yung ’Napatawad Na Kita,’ duet namin ni Kris Lawrence na sinulat naman ni Jimmy Antiporda.

“Yung ’Nasaan’ naman, sinulat ‘yan ni Vehnee Saturno na naging theme song ng GMA drama series na Kung Aagawin Mo Ang Langit. Bale, muling team-up namin ito ni Vehnee after so many years.”

RADIO PLAY. Kinatutuwa nga ni Jessa na hindi pa man officially nare-release ang kanyang album a week ago ay pinapatugtog na sa mga FM stations ang kanyang title track na "Pag Wala Na Ang Ulan."

Ngayon ay isa na nga ito sa top requested OPM songs.

“Nagkaroon na nga kami ng radio tour sa mga FM stations at natutuwa ako sa pagtanggap ng marami sa single kong iyon. Para raw kasing bumalik ang dating music ko na nakahiligan at nakasanayan na nila.

“Marami nga raw callers at lagi pa nilang request ay ang mga dati kong hits na ‘Bakit Pa?,’ ‘Paano Kaya?,’ ‘Di Ba’t Ikaw?,’ ‘Ibigay Mo Na,’ ‘Baliw Na Puso.’ Nakakatuwa lang dahil naaalala pa nila yung mga songs ko kahit na ilang years na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya this time, itong new album ko ang suportahan nila. May limang minus one tracks pa ito kaya they can sing-along with my new songs,” ngiti pa ni Jessa.

Magkakaroon nga ng iba’t ibang mall shows si Jessa para i-promote ang kanyang bagong album at para pirmahan ang mga bibili ng naturang CD for P199 only.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN