Pokwang on rumored offer to join TV5: “Basta... Wala namang pormal na kiyeme."

Pokwang is back on Toda Max. ABS-CBN temporarily pulled her out of the sitcom so she can tape episodes for the teleserye, Aryana. She says she missed the cast and comedy of Toda Max. “Nakaka-miss naman talaga. Pati yung mga landian namin sa set. Hindi ko na naha-harass si Binoe [Robin Padilla]."


Mali ang haka-haka na tinanggal na si Pokwang sa sitcom na Toda Max.

Kagabi, Sabado, July 21 ay muli nga itong napanood na kasama ang iba pang cast ng naturang sitcom ng ABS-CBN. Pero noong taping ng naturang episode ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang.

Sinabi nga ni Pokwang ang naging dahilan kung bakit matagal din siyang hindi napanood sa show.

“Ay hindi puwede yun. Comedy is comedy. Comedy is my life rin,” tahasan nga niyang pahayag.

Ang pagti-taping daw niya ng Aryana sa Batangas ang dahilan kung bakit kinailangan niyang mag-pull out muna sa Toda Max.

“Ang management naman ang nagdesisyon na i-pull out muna ako. Siyempre, para i-ano sa Aryana bilang madugo ang taping ng pilot.

"Noon, halos nag-a-araw-araw kami. Pero ngayon, medyo okay na ang takbo ng taping.

“Kumbaga, alam na namin, so, keribels na. Pinagpala tayo ng mga trabaho. Thank you, Lord.”|

Na-miss daw si Pokwang ng mga kasamahan niya sa Toda Max.

“Nakaka-miss naman talaga. Pati yung mga landian namin sa set. Hindi ko na naha-harass si Binoe [Robin Padilla].”

Aminado rin si Angel Locsin na malaking kawalan si Pokwang noong umalis ito.

Sabi naman ni Pokwang, “Family kasi kami. Kumbaga sa adobo, hindi puwedeng walang toyo, walang suka. Yun yun, e.”

Kung tutuusin, ang klase ng pagpapatawa ni Pokwang ay hindi naman yung simpleng pagpapatawa lang. Pero maituturing na napaka-suwerte niya dahil kahit sa drama, tanggap pa rin siya ng manonood.

Naitanong ba niya sa sarili kung ano ang meron siya na natatanggap siya sa dalawang klase ng pag-arte?

“Siguro kasi ano, yun din ang kagandahan ng Star Magic o ABS-CBN artists, sinasabak ka nila sa kahit na anong field.

"Tulad ng MMK [Maalala Mo Kaya] napa-praktis ka talaga sa drama. Tapos, nakagawa ako ng pelikula na A Mother’s Story, puro drama rin talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, malaki rin ang naitulong sa Aryana ng role ko bilang Ofelia.”

COMEDY OR DRAMA? Kung sakaling kailangan niyang mamili sa drama at comedy, alin ang pipiliin niya?

“Puwedeng both?” natatawang sabi niya.

“Mahal ko siyang pareho. Parehong natanggap ng tao ang ginawa ko. So, parang ang sarap gawin pareho.”

Dugtong pa niya, “Itong The Healing, sumu-suspense. Actually, natakot din ako bukod sa nanakot.”

Kahit may pinagdaanan din na intriga pagdating sa pagiging isang Kapamilya niya, ngayon ay masasabing hindi rin naman siya pinapabayaan.

“Wala, dedma na,” sabi niya.

Hindi naman siya napapabayaan ng sariling network?

“Hindi, hindi…napagdadaanan ng lahat ng artista yan. Kiyeme-kiyemeng ganyan. In the end, mari-realize mo na hindi ka pinapabayaan. Basta hintay ka lang, wait ka lang.”

Pero dumating rin ba siya sa puntong nag-isip kung mag-stay o lilipat na lang ba siya sa ibang bakuran?

Sagot naman ni Pokwang dito, “Kasi, may mga kaibigan ako rito sa ABS na nagbibigay ng advice na, huwag mong isipin yun. Meron namang nakalaan na project para sa ‘yo. So, doon ako nag-bank.”

TV5 OFFER. Napa-“basta,” na lang si Pokwang sa tanong kung inalok ba siya ng TV5 at mataas daw ang offer.

“Basta,” saad niya.

“Wala namang pormal na kiyeme. Wala namang ’Uy, dito ka na.’”

Kung nagkaroon ng pormal na alok sa kanya ang TV5, posible kaya siyang lumipat?

“Para sa akin, ang hirap iwanan ang bakuran kung saan ka nahubog. At saka, alam naman nating lahat... ang katotohanan na ang lawak ng TFC (The Filipino Channel). Kapag pumunta ka ng ibang bansa, talagang kilala ka agad, e.

“Alam nila ang mga ABS-CBN talents. Lalo na ako, palagi akong lumalabas, nag-a-abroad ako.

"So, ang hirap mag-show sa ibang bansa na hindi ka na masyadong nakikita, Mahirap magbenta ng ticket kung hindi ka visible sa TFC.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pelikula, kasama rin si Pokwang sa Sa ‘Yo ang Pritil, Sa Akin ang Bangkusay na pinagbibidahan nina Wally Bayola at Jose Manalo.

Ayon kay Pokwang, “Nakaka-apat na shooting days na rin yata ako. Ang sabi, this year pero, hindi siya pang-film festival.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN