Coco Martin tied to the cross for two hours in role for Cinemalaya entry

Manny Palo directs Coco Martin (in photo) in a senakulo scene in the Cinemalaya entry, Sta. Nina. Manny says Coco himself carried the wooden cross which weighed 30 to 40 kilos, and was tied to the cross for almost two hours. "Kung ibababa ko si Coco [mula sa pagkaka-dipa sa krus na nakatayong pataas], mauubusan na ako ng araw. Yun yung aking finale, e. So, naiwan siyang nakatali, mula 3 hanggang 5 p.m."


Sa Cinemalaya New Breed entry na Sta. Nina, si Coco Martin ay naging isang flagellant. Nagpinitensiya’t nagpapako siya sa krus, minsan isang Semana Santa.

Reenactment ng passion and death of Jesus Christ ang taunang Pilipinong tradisyon ng senakulo, at mga tinatawag na senakulista ang gumaganap dito. Ito ay tradisyon ng mga sinaunang Katoliko.

Tungkol sa ginawang ito ni Coco, bilang totoong pagtugon sa kanyang mapaghamong papel, dalawang oras umanong naiwang nakadipa sa nakataas na krus ang matinee idol.

"Mga two hours, kasi mas matagal [ang set-up] pag ibababa pa siya," sabi ng direktor na si Manny Palo, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, July 20, matapos ang opening rites ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP.

Sa panayam din ng PEP.ph ay detalyadong nagbalita si Direk Manny sa mga naging kaganapan sa shooting ni Coco. Siya ang gumaganap na asawa ni Alessandra de Rossi.

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa iba’t ibang bayan, sa Pampanga.

Manny Palo is directing teleseryes for ABS-CBN, tulad ng kasalukuyang ini-air na Kung Ako’y Iiwan Mo, bago siya sumali sa Cinemalaya, as debuting New Breed filmmaker, via Sta. Nina.

"It’s the senakulo scene. Di ba, sikat na sikat ang San Fernando, Pampanga pag holy week, kasi du’n nagpapapako ang mga nagpi-pinitensiya?

"So du’n ko syinuting ang buong pelikula. Actually, sa Bacolor, and some parts in San Fernando. Some parts in Porac. Kasi taga-Pampanga ako.

"Sa kuwento namin, si Coco, magpapasan ng krus at magpapapako. Ipinakita yun.

"Actually, the whole senakulo sequence... mula nang itali siya, putungan siya ng korona, hanggang magpapako siya sa krus, kinunan ’yon sa iba-ibang lugar.

"Nagsimula ako sa Bacolor; meron akong eksena sa highway, tapos meron ako sa may lahar area.

"At hanggang magpapako siya sa krus, that was shot in one whole day!" pagbabalita pa ng baguhang indie filmmaker.

"Kung ibababa ko si Coco [mula sa pagkaka-dipa sa krus na nakatayong pataas], mauubusan na ako ng araw. Yun yung aking finale, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, naiwan siyang nakatali, mula 3 hanggang 5 p.m.," banggit pa ni Direk Manny.

NOT THE FIRST CHOICE. What made Coco Martin decide to accept the project?

Sabi ni Direk Manny, "Nung una kasi, when I was casting for the film, alam naman ni Coco... to be honest, hindi siya ang first choice ko.

"For two reasons: he’s the busiest actor at the moment. M-W-F siya nagte-taping [for Walang Hanggan]. Then, nung magsu-shooting na ako, he was doing Born To Love You.

"Meron siyang commercials, out-of-town trips, nagpupunta siya ng Barcelona, Dubai, sa Middle East. Plus out-of-town guestings dito sa Pilipinas.

"Nu’ng una din, I found him too young for the role. Kasi may time lapse ako na 10 years, na magsisimula siya, in his early 20s.

"E, ang bata niyang tingnan," sabi pa rin ni Direk Manny, na wala pang naunang pakikipag-trabaho with Coco Martin, bago nitong Sta. Nina.

"In his 30s na si Coco, pero baby-faced siya, so naghahanap [din] ako ng ibang artista. I offered some actors to do a reading, ganyan..."

Until Coco read the script, at ayon kay Manny Palo, nagustuhan ni Coco ang istorya at hindi na binitawan.

Manny added, "He asked for the material and I gave him the script to read.

"Nu’ng binasa raw niya, hindi na niya nabitawan and he asked for a meeting. Si Coco na ang nag-offer [to produce the film], sino ba naman ako para tumanggi?"

"He’s the main producer [or counter-financier, with Cinemalaya Foundation]. Co-producer lang ako," nakangiting sambit pa ni Manny Palo.

COOPERATIVE COCO. Sa kabila ng matitinding demand ng pelikula, walang reklamo si Manny Palo sa kanyang aktor—at producer.

"Si Coco naman has been very cooperative sa pelikula. Kasi gusto niya, e," wika pa ni Direk Manny.

Hindi raw biro ang ginawang ’yon ni Coco, na first time ginawa ng premyadong aktor.

"Alam niyang gano’n," sabi rin ng direktor. "In fact, hirap na hirap siya nu’ng araw na ’yon.

"Initially, ang plan, ’pag nagpapako siya sa krus, nakahubad siya. Pinaghandaan talaga niya yun. Nag-diet siya, hindi siya kumain the whole day, hindi siya nag-lunch.

"Sabi niya, nag-diet na siya for the whole week, ayaw na niya yung sirain. Para maganda yung katawan niya [pag ipinakitang nakahubad].

"Kumain lang siya ng lunch sa kotse niya, para magkaroon siya ng energy, kasi ang haba ng araw namin," sabi rin ni Direk Manny.

Natuloy ba ang "paghuhubad" ni Coco Martin, bilang isang flegellant, o penitensiyador?

"Unfortunately, hindi ko siya pinaghubad at the last minute," Manny revealed. "Which was okay with him."

"Ang sabi niya, ’Baka masyado nang ano...’ baka raw sabihin, pinaghubad si Coco Martin kahit hindi hinihingi ng eksena.

"So, we decided, ’O, sige, hindi na natin tatanggalin ang T-shirt mo."

Gaano kabigat ang pinasang krus ni Coco sa Sta. Nina?

"Mga 30 to 40 kilos, na mahabang kahoy. Dalawa ang ipinagawa namin, isang magaan at isang mabigat.

"Pinasan ni Coco ang mabigat, yung ginamit talaga dun, kung saan siya ipinako.

"Gano’n si Coco, as an actor. Kailangan yung mabigat [ang pasanin niya], gusto niya nabibigatan siya, nararamdaman niya [ang eksena]."

Sa shoot, naging napaka-ordinaryong artista raw ni Coco.

"Naka-tsinelas lang, na pasan-pasan ang mabigat na krus. Nag-shoot kami nung April and May, hanggang end ng summer."

FIRST COLLABORATION. Bilang isang baguhang indie filmmaker, naranasan daw ni Direk Manny Palo ang paggawa ng totoong "indie film," na kaiba sa paggawa ng mga produktong mainstream, tulad ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Ito ang unang collaboration nila ni Coco Martin, bilang direktor at actor-producer.

Inabot ng matagal ang post-production ng Sta. Nina, bagama’t ilang araw lang ang itinagal ng shooting.

"Natapos lang nung Friday [July 13] ang lahat ng post-prod. Hindi pa namin naipapa-rate [sa MTRCB at Cinema Evaluation Board].

"Kasi, ang mahirap, hindi naman kami production outfit. Wala akong staff. Kami lang lahat ang gumagawa," kasama ang ilang tauhan, sabi pa ni Direk Manny.

"Depende sa response ng tao dito sa Cinemalaya," sabi rin ni Direk Manny Palo.

Ngayon ay nakaka-dalawang araw na ng showing ang Sta. Nina, too early to predict the general response.

Sa Tuesday, July 24, ganap na ika-9 ng gabi, ang Gala Night ng Sta. Nina, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater), ng Cultural Center of the Philippines.

"Hopefully, magkaroon din kami ng commercial release," sambit pa ni Direk Manny.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN