Angelica Jones is seven months pregnant; baby’s father is doctor-politician

And the father of her baby is... “Gusto ko lang pong klaruhin na ang father of my baby is Dr. Gerald Alday. He is a councilor of San Jose, Batangas," says a very pregnant Angelica Jones (in photo).



Hindi na nga maitago pa ng comedienne-turned politician na si Angelica Jones ang kanyang pagbubuntis dahil sa laki ng kanyang tiyan nang mag-guest siya nang live sa Startalk TX kahapon, July 21.


Nauna nang nasaksihan ng ilang miyembro ng press ang paglobo ng tiyan ni Angelica nang pumunta siya kamakailan sa burol ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Inamin naman ng Laguna board member na pitong buwan na niyang ipinagbubuntis ang sanggol nila ng umano’y doktor at isa ring konsehal sa San Jose, Batangas.


Idinaan na nga lang sa pagpapakuwela ng Startalk hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis ang pagtatanong kay Angelica. Umpisa pa nga lang ay biniro na ni Joey ang lady politician na inilarawan niya bilang “ang babaeng hindi na dumaan sa pagkakaroon ng boyfriend at nabuntis na lang agad.”


FATHER OF THE BABY. Hindi man lang kasi nabalita kung sino ang naging huling boyfriend ni Angelica at ngayon nga ay buntis na siya. Kaya si Angelica na mismo ang nagbunyag ng pangalan ng ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan.


Sabi ni Angelica, “Gusto ko lang pong klaruhin na ang father of my baby is Dr. Gerald Alday. He is a councilor of San Jose, Batangas. And I met him through the NMYL, of course, kasi regional president po ako ng National Movement of Young Legislators ng Calabarzon and kaibigan po namin si [Batangas] Vice Governor Mark Leviste, kaya nakilala ko po siya through the NMYL.”


Pabirong tanong naman ni Lolit kung hindi ba tuko ang pinaglihian niya? Minsan na kasing nagkaroon ng isyu kay Angelica at sa kanyang ina na diumano’y sangkot daw sa kontrobersiyal na pagbebenta ng tuko.


Sagot tuloy ni Angelica, “Hindi naman po. Ang pinaglihian ko naman po ay buko at saka ponkan.”


Banat na tanong naman ni Joey, “Totoo bang ang ipapangalan mo sa anak mo ay Illac?” Nagkaroon kasi ng hidwaan sina Angelica at ang dating aktor na si Illac Diaz dahil sa kanilang bottle project na nauwi pa sa demandahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sagot ni Angelica, “Aray ko! Parang sumakit [ang tiyan ko]… parang manganganak ako ngayon, Tito Joey!”


Baby boy daw ang magiging anak niya.


“Nagpa-ultrasound ako kahapon sa St. Luke’s. This is my first baby boy. Ang ipapangalan ko po sa kanya ay Angelo, ang anghel ng buhay ko.”

NOT YET MARRIED. Kasal na ba sila ng boyfriend niya?

“Hindi pa po kami kasal,” pag-amin ni Angelica. “Pero nagplano po siya na magpakasal kami nung last February 14.

"Nag-celebrate po kami ng monthsary namin [February 8] and Valentine’s Day. Nagpunta po siya ng Laguna, pumunta siya ng cathedral church para magpa-reserve ng aming kasal on January 8, 2013.

"Nagpagawa rin siya ng gown ko. Nagpa-reserve din siya ng reception at pinagpagawa ako ng singsing. Pero hindi ko pa ho kinuha yung singsing kasi sabi ko, in right time, in right place.”

Paglilinaw din niya, walang “sabit" at binata ang ama ng baby niya.

“Binata po siya. Kasi si Vice Governor Mark Leviste ang nagsabi na binata naman siya at dalaga ako. And he’s 34 years old, I’m 29 years old. So, wala namang masama kung magkaibigan kami.”

Nang matanong kung bakit nauna ang pagbubuntis niya kaysa sa kasal, dito na isiniwalat ni Angelica na may kinalaman dito ang pagkakasakit niya ng myoma at cyst. Diumano’y baka hindi na siya mabuntis dahil sa kanyang sakit.


“Nagkasakit po talaga ako. Nanligaw po siya sa akin nung November and [we’re] exclusively dating. Nung December 8, sinagot ko siya. Nagkaroon po ako ng sakit nung month of January.

"Pina-check up po ako ni Dr. Gerald. Hindi lang po myoma, nagkaroon po ako ng cyst. Yung cyst na yun pwedeng magkaroon ng cancer na hindi na ako magkakaanak kahit kailan.

“Kailangan daw akong operahan, tatanggalin yung matris ko. So, that time sobrang down na down na po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Hanggang sa lumapit po ako kay Bro. Mike Velarde [ng El Shaddai] and sinabi niya sa akin na hindi raw doktor, medicines ang magpapagaling sa akin kundi ang dasal, ang pananampalataya sa Diyos.

"Kaya po ako nagpunta ng Baclaran, Manaoag, nagpunta ako ng Quiapo.


“And then pinag-pray over ako ni Bro. Mike Velarde at pinakain niya po ako ng dragon fruit. And then he told me na after two weeks pumunta po ako ng St. Luke’s at magpa-check up ako.

"Nagpa-ultrasound ako and I thank God nawala yung cyst ko, dalawa na lang po yung myoma na natira sa akin. And nagka-chance po ako na magkaroon ng baby.”

PROBLEMATIC RELATIONSHIP. Pero hindi pa pala sa sakit niya natatapos ang pagsubok kay Angelica dahil ipinagtapat din niya na nagkakaroon sila ng problema ng kanyang councilor-boyfriend at ilang buwan na silang hindi nag-uusap.


“Dapat ang kasal po namin ay sa January 8, 2013… nagkaroon po kami ng problema nung month of March. March 10 po meron po kaming hindi napagkasunduan.

"Nagkaroon po kami ng problema dahil sa mga isyu, yung mga taong naiinggit, naninira sa relasyon namin.

“Ang nakakalungkot po, honestly, ngayon ko lang aaminin nagkakaroon kami ng problema nung tatay ng anak ko. So, hindi ko alam kung matutuloy pa yung kasal namin o hindi.


“Kasi po nung month of March, three months po akong nagbubuntis, aaminin ko po sa inyo, iniwanan ako sa ere ni Dr. Gerald.

"Ibig kong sabihin, habang nagkasakit ako or nagbubuntis ako ng three months, ang ganda ng plano po namin, ang ganda po ng pangarap namin.

"Dahil sa mga taong naninira, may mga taong ayaw na maging maligaya kaming dalawa… siguro hindi siya sanay sa showbiz, hindi siya sanay sa tsismis, nagpatalo siya sa mga intriga.

"Kaya four months po kaming hindi nag-uusap. Four months din kaming hindi nagkikita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ngayon okay na ba sila?


“Nag-usap lang po kami nung parents ni Doc. Yun, hindi pa ho natin alam [kung ano ang mangyayari].”


Sa kabila ng pinagdadaanang problema sa relasyon, nagpapasalamat pa rin si Angelica sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng baby.


“Ito po yung blessing na ibinigay po sa akin ng mahal na Panginoon at nagpapasalamat po ako. And I’m very blessed dahil binigyan ako ng blessing. Ito ang aking inspirasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN