Sharon Cuneta on blog item that her TV show has been cancelled: "Ano bang source niya, Pasig River?"

Sharon Cuneta shares how she spent a whole day at the New Bilibid Prisons taping two episodes for her show on TV5, Sharon, Kasama Mo Kapatid. “Nag-concert kami. Alam ba ninyo ang pangalan ng banda nila, Lamb of God band?"



Kahapon, sa Paparazzi Showbiz Exposed ay eksklusibong nakapanayam ni Cristy Fermin para sa segment niyang "Caught By Cristy" ang Megastar na si Sharon Cuneta. Una muna ay kinumusta ni Cristy si Sharon na nitong mga nakaraang linggo lang ay naging laman ng mga balita dahil sa tsismis na diumano ay mawawala na ang kanyang show.

Hindi nakapagpigil ang Megastar at sinagot niya ng punto por punto ang issue noon sa pamamagitan ng social networking site na Twitter.

“Mabuting-mabuti po, ‘Nay,” ang panimula ni Sharon na sagot sa Paparazzi host.

Inusisa na rin kay Sharon ang tungkol sa pagbisita niya sa New Bilibid Prisons kung saan nag-taping sila ng dalawang episodes para sa Sharon, Kasama mo Kapatid.

THE BILIBID EXPERIENCE. Pagdetalye ni Mega, “Nagpunta po ako, at dalawang episodes po ang aming binuo doon.”

“Pagpasok ko po, sabi ko parang hindi mo akalain na, ang isip mo parang napapanuod mo sa pelikula, ‘Nay, na parang nasa selda lang sila.

"Andami pong nabagong positibo sa loob ng bilibid. Kunwari yung rock ed nila na alternative class, they have books there now, they have volunteer teachers tapos napabili ako ng ganyan kalaking painting.”

Halos buong araw nagbabad si Sharon kasama ang crew ng kanyang show sa bilibid at dito ay napakinggan niya ang ilan sa mga inspirational stories ng mga nasa loob.

Aniya, “Sabi ko, nakarating na ako sa Golden Acres, Home for the Aged, parang ganon din pero mas mahirap yung ano nila.

Sabi ko, at least here, marami kayong magagawa. Sila, they’re really old and just sad.”

Hindi lang daw sila nag-taping para sa kanyang show doon kundi ay naghatid din sila ng saya sa mga nandun sa pammagitan ng isang programa.

Masayang lahad pa ni Mega, “Nag-concert kami. Alam ba ninyo ang pangalan ng banda nila, Lamb of God band?

“Ang gitarista ay dating taga-bandang No Bail. Pangalan niya si Jun. Yung isa po, gitarista ng Orange & Lemons.

“Tapos kasama ko si Marvin Querido, yung musical director ko. Siya pong pianista ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May banda sila at may mga awit silang ginawa na napakagaling. Kasi sila Jun mga propesyonal, e. Tapos yung lyrics, nakaka-inspire kasi maka-Diyos.”

Ayon pa sa kanyang mga kuwento sa Paparazzi, ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang halos buong araw na nakakababad sa Bilibid.

Dugtong pa niya, “Lumampas kami sa ano bang tawag don? Lock down! Kasi nagkantahan kami, nabawasan na nga yung dapat kantahin ko, e.

"At least, nakapagbigay naman kami ng kaligayahan at saka sana isang araw, tatlong araw, tatlong linggo, baon-baon nila yon.”

SHARON, KASAMA MO KAPATID. Si Sharon na rin ang nagbukas ng topic kay Cristy tungkol sa mga isyung lumulutang na diumano ay nalalapit nang magtapos ang kanyang programa sa TV5, ang Sharon, Kasama mo Kapatid.

Aniya, “Ako na magbubukas nito, ‘Nay, gusto ko ring linawin [yung balitang] parang masisibak na daw yung show in a month, na meron na daw hinahandang ibang show na papalit.

"So lahat mali, lahat sinungaling. Tapos this time, hindi ko alam yung source niya ang mali. Ano bang source niya, Pasig River?"

Dugtong ni Cristy dito, “Tsaka mula nang magsimula itong iyong programa, andami mo nang puso na hinaplos, andami mo nang kababayan na binigyan ng pag-asa at kaligayahan. Siguro sapat nang sagot yon sa mga nang-iintriga, di ba?”

Na sinang-ayunan naman ni Shawie, “Tsaka kilala ninyo ako mula pagkabata halos, kilala ninyo ba ako na kapag tumutulong ay inaanunsiyo?”

Sagot naman ni Cristy dito ay isang sikretong ngayon lang nalaman ng lahat. Aniya, “Meron nga akong alam, e, baka pagalitan mo ako kapag sinabi ko sa iyo.

"Nung down na down ang aking anak-anakan na si Willie [Revillame], hinding-hindi ka niya pwedeng traydurin, hinding-hindi ka niya pwedeng saktan kasi nung time na bagsak na bagsak ang kanyang estado, ang kanyang karera at buhay, ikaw yung tumawag, ’Wil, nasaan ka? May ipapadala ako sa iyo.’”

Natatawa namang sagot ni Shawie, “Binayaran niya ako, ‘Nay. Binayaran niya ako ng tseke. Pinunit ko sa harap niya. Sabi ko, bakit mo ako binabayaran? Di ba, regalo ko sa iyo yon? Bakit? mayaman ka na ngayon? Nagmamalaki ka na?”

THANKS, DOLPHY. Nang napadako na ang usapan sa pagyao ng comedy king na si Dolphy, dito na bumuhos ang emosyon ni Sharon. Minsan daw ay ipinagtanggol siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming intriga nang nanalo siya noong 19 years old pa lamang ito ng best actress award mula sa isang award-giving body.

Kuwento ni Sharon, “Nag-speech siya kasi nag-receive siya ng something tapos sa gitna po ng speech niya, sabi niya, ’Wag naman nating husgahan at wag nating apihin ang mga kasamahan natin sa industriya,’ something like that.”

“He defended me. E, isa siyang Dolphy... na hindi naman niya kailangang gawin yun, di ba?

"Ang ginawa ko po, tumakbo lang po ako backstage, hinintay ko siya. Nung palabas siya, kinamayan ko lang po siya kasi hiyang-hiya pa ako noon.

"Sabi ko, maraming, maraming salamat po. Sabi niya, kinindatan lang niya ako. Gumanon lang siya parang walang anuman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN