Rachelle Ann Go reacts to rumor linking her to Aljur Abrenica

"Nagkaroon lang po kami ng show sa GMA Pinoy TV New York, ‘tsaka L.A. Ayun, bilang kami yung GMA artist na magkasama, marami yatang pictures na lumabas. So, nabigyan ng—malisya ba tawag do’n? Nabigyan ng ibang kulay ng tao. Hindi ko alam kung bakit gano’n. Pero wala naman," paliwanag ni Rachelle Ann Go tungkol sa balitang nagkakamabutihan na raw sila ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.


Bungad ni Rachelle Ann Go: “Why? A… gusto ko ma-experience kasi, sabi ko nga, eight years na ako dito sa industry. Gusto kong mag-experiment. Gusto kong mag-grow as an artist.”

Ito ang pahayag ng singer tungkol sa pagpro-produce ng sariling concert nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial para rito.

“Hindi lang yung kumakanta, sumasayaw. Tinray ko na ring mag-compose ng songs.

"So ngayon, sabi ko… may mga kaibigan kasi ako na nagpo-produce shows.”

Ang tinutukoy ng singer ay ang kanyang Rising Against Gravity concert, na hango mula sa kanyang initials na RAG, at gaganapin sa September 19, sa Resorts World Manila.

Patuloy ng Party Pilipinas mainstay, “So sabi ko, ‘Ba’t di ko subukan?’ Since masaya naman, kasi magagawa mo yung gusto mo.

"Medyo… yun nga lang, masakit sa ulo, mahirap.

“Pero ngayon, may mga kaibigan naman akong tumutulong sa akin, ‘tsaka yung management ko [Viva Artists Agency], tumutulong din naman sila."

Bakit Rising Against Gravity ang titulo ng kanyang concert?

“Actually, ano po ito ni Direk Rico Gutierrez, idea niya. Kasi nga yung konsepto ko po dito, parang… yung journey ko po.

“Yung eight years ko sa industry, gusto kong dalhin yung tao do’n sa kung ano’ng istorya ng buhay ko.

“Yung success, yung happiness, sadness, heartbreak, yung gano’n. ’Tapos, yun, dumating din sa point na ang daming issues. Ang daming dumadaan sa buhay na problema.

"Kumbaga, sa kabila ng yun, nandito pa rin ako because of God. Alam mo yun? Yung blessings, nandun pa rin."

Nangangahulugang aawit si Rachelle Ann ng mga kantang malulungkot?

"Ay, yun, gusto kong paiyakin yung tao.

"Sabi ko, as much as possible, kung naiiyak ako nung mga panahon na nasaktan ako, gusto ko ganun ang maramdaman nung tao."

Ngayon ba ay malungkot na awit pa rin ang angkop sa kanyang buhay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon? Ngayon? Masaya ako. Thankful. Sobra.

"Yun nga, sabi ko, sa kabila ng lahat, e, ang daming nangangarap kumanta...

"Parang hindi pa rin ako makapaniwala na, naku, walong taon na ako dito sa industry.

“Parang bilis ng panahon. Pero nandito pa rin ako," saad niya.

ALJUR ABRENICA. Inuugnay ngayon si Rachelle Ann kay Aljur Abrenica.

Ayon naman sa isang panayam sa Kapuso actor ay nais niyang mas makilala pa si Rachelle Ann.

Ano ang reaksiyon dito ng singer?

“Parang hindi naman!” natatawang sagot ni Rachelle.

“Parang…hindi ko alam kung ano iko-comment ko, kasi wala namang ano…wala.

“Hindi naman po siya…sa Party Pilipinas naman po kami nagha-hi, hello. But that’s it.

“Hindi po. Wala kaming communication at all. Wala," paulit-ulit niyang esplika.

Paano nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanila sa kanyang palagay?

“Nagkaroon lang po kami ng show sa GMA Pinoy TV New York, ‘tsaka L.A.

"Ayun, bilang kami yung GMA artist na magkasama, marami yatang pictures na lumabas. So, nabigyan ng—malisya ba tawag do’n?

“Nabigyan ng ibang kulay ng tao.

"Hindi ko alam kung bakit gano’n. Pero wala naman. Hindi niyo naman kami makikitang ano…"

Hindi kaya nagtatago lang sila para hindi sila makita ng mga tao?

“Ay hindi, wala!" bulalas niya.

"Kahit naman magtago, wala namang sikretong hindi nabubunyag, di ba?

"So, wala, wala po talaga. Tsaka ako, pag mero’n naman, sasabihin ko, e."

SARAH GERONIMO. Katatapos lang ng matagumpay na concert ni Sarah Geronimo.

At dahil magko-concert din si Rachelle Ann, pilit siyang inihahambing sa kanyang matalik na kaibigang si Sarah. Pareho pa silang under the Viva Artists Agency.

Pero anumang pilit na pang-iintriga sa dalawa ay nananatiling mapagkumbaba si Rachelle, at sinasabing malaki ang kanyang pasasalamat sa kung ano na ang kanyang narating.

Masaya rin daw siya sa naabot na ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi ko naman po ikinu-compare yung sarili ko sa kanya man o sa ibang artists.

"Ako po ay thankful. Happy na po ako sa kung anuman ang ibinibigay sa akin ni Lord na blessings.”

Napag-usapan din ang kanyang relasyon sa mga dating kasamahan sa Kapamilya network.

“Yes, po. Sina Sarah [Geronimo], sina Erik [Santos], sina Yeng [Constantino]. Oo naman.

"Bilang kami yung mga magbabarkada, e, kami lang naman yung magkakaibigan."

Natatawa niyang dugtong, "’Miss ka na namin.’ Gano’n?

“Lagi kaming nagplaplano ng get-together. Reunion. Pero kasi ngayon, busy pa po lahat.

“So ano… pagkatapos po siguro ng concert magkaka-reunion din kami. Kaming lahat."

ASAP FAMILY. Sakaling may pagkakataon, nanaisin ba niyang bumalik sa ABS-CBN para makasama ulit ang mga kaibigan at kasamahan sa musical-variety program na ASAP?

“A… ang hirap kumoment. Uhm, tingnan po natin.

"Sabi nga natin, e, maliit lang ang industriya. Paikut-ikot lang naman.

"So, mahirap talagang magsalita nang tapos.

“Tingnan po natin kung saan ako dadalhin ng tadhana… ng panahon.

“Marami po akong nami-miss!” natawa niyang sabi.

"Lahat po ng kaibigan ko nandun. Yung mga katrabaho, napamahal na sa akin.

“Tingnan natin. Mahirap talagang magbitaw ng salita, e, pero tingnan natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN