Malou Choa-Fagar on Indonesia franchise of Eat Bulaga!: "Barring all networks’ war, I think all Filipinos should be proud na-franchise ang isang local show.”

Sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine television history, ang isang local program ay ginawan ng franchise sa ibang bansa. Ito ay ang Eat Bulaga! na may Indonesian version na. Nagsimula ang Eat Bulaga! Indonesia noong July 16 sa SCTV.


Marami ang nagbunyi nang ipakita sa Eat Bulaga! noong Sabado, July 21, ang video clips at behind-the-scenes footage ng Indonesian version ng longest-running noontime show sa Pilipinas.

Nagsimula ang Eat Bulaga! Indonesia noong July 16, Lunes, sa SCTV—isa sa pinakamalaking TV networks sa Indonesia.

Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine television industry na ang isang local show ay nagkaroon ng franchise sa ibang bansa.

Kaya naman todo-pasasalamat ng mga hosts ng Eat Bulaga!—sa pangunguna nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—at ang lahat ng bumubuo ng show sa malaking karangalang ito.

THE AGREEMENT. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Malou Choa Fagar, senior vice president and chief operations officer ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga!.

Sinabi nitong 13 weeks muna ang kasunduan nila sa pagpapalabas ng show sa Indonesia.

“Right now, it’s only thirteen weeks. It’s like the regular franchise ‘yan, e, thirteen weeks trial.

“If it will be a big success, they might…I think they will extend,” sabi ng popular na prodyuser na kilala sa showbiz bilang Ma’am Malou.

Paano sila nakumbinsi na i-franchise ng SCTV ang Eat Bulaga! sa Indonesia?

“Sus, hindi kami na-convince!” sambit ng TV executive.

“Kasi, alam namin…honor, di ba, to be franchised?

“Kasi…” bitin niyang saad dahil biglang sumabat si Joey de Leon sa usapan namin, na nagsabing, “Hindi mo napanood.”

“Pinanood ko, Jo. Kalalabas ko lang,” rason naman ni Ma’am Malou.

Dugtong niya sa PEP, “Siyempre, hindi kami dapat magpa-hard to get. Kasi, it is something different… it’s a first, di ba?

“Na ang isang show… tayo, di ba, ang madalas kumuha ng franchise? Kahit naman kami, kumukuha kami ng franchise sa mga game show.

“Pero to ever think the whole show Eat Bulaga!, to franchise, grabe, grabe ang honor na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We got so excited.”

Paano nag-materialize ang pagpa-franchise ng Eat Bulaga! sa Indonesia?

“Actually, there is a Filipino, si Jerry nga, kasi, seven years ago…Jerry? I forgot his family name.

“Anyway, sabi nga ni Harsiwi [Achmad], who’s the program director ng SCTV, seven years ago, she wanted it.

“She has been watching Eat Bulaga! sa YouTube, but hindi complete. Di ba, ang YouTube, portion-portion lang?

“Tapos, pinag-aralan niya. Sabi niya, ‘Babagay ito sa Indonesia.’

“She was still in another station. Paglipat niya sa SCTV, nandoon nga yung Pinoy na si Jerry.

“At nakatulong siya to help reach us,” kuwento ni Ma’am Malou.

PILOT EPISODE. Kumusta naman ang experience nang pumunta sila sa Indonesia upang i-supervise ang pagsisimula ng first telecast ng Eat Bulaga! doon?

“Exciting!” bulalas niya. “Kasi we were watching how…

“Kasi nandoon na sina Jenny [Ferrer], our SVP Creative and Production Operations. She was already there Sunday.

“We arrived… I think we arrived Thursday. So Sunday, nandoon na siya.

“She was supervising already how the show was going to run. Lahat ng detalye, si Jenny was supervising already.

“Nandoon din si Liza who is associate producer for ‘Juan For All…’

“So, nagsu-supervise sila doon, ‘This is how we do it here in Manila.’”

Ano ang naramdaman nila nang mapanood nila ang pilot telecast ng Eat Bulaga! Indonesia?

“Siyempre, naaano kami… alam mo yung so much flattery?

“Di ba, yun naman talaga ‘yon? Ang panggagaya is the best flattery.

“Pero ito, hindi panggagaya ito. Talagang binili nila talaga yung eksaktong show.

“And we gave them a list of all the other portions that they can use.

“So, siyempre, parang, ‘Ano ito? It’s happening! It’s real!’

“Tapos nakakataba ng puso na ganoon nga, ang Indonesia…”

Lahat nga raw ng portions ng Eat Bulaga! ay ibinigay ng TAPE Inc. sa SCTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ma’am Malou, “It’s up to them kung ano ang gusto nilang piliin.

“Pero so far, ang alam ko, they are very keen on ‘Pinoy Henyo,’ ‘Juan For All,’ and the videoke. Kasi mahilig din sa music ang mga Indonesian.”

Magkano ang naging bayaran sa pag-franchise ng Eat Bulaga!?

“Not much! How much? Not much!” tawa ng lady TV executive.

Pero diin niya, “It’s not the cost. Anything else, the mere fact that Eat Bulaga! is being shown now in Indonesia in their own version...”

SOMETHING TO BE PROUD OF. Bilang bahagi ng Eat Bulaga! sa loob ng 33 taon, ano naman ang personal na nararamdaman ni Ma’am Malou sa pangyayaring ito?

“Yun na nga, with Eat Bulaga! for 33 years, I never imagined…

“No one, not even Mr. [Tony] Tuviera would imagine… even reaching thirty-three [years], we never imagined!” aniya.

Ano naman ang sabi ng main hosts na sina Tito, Vic, and Joey?

“Siyempre, Joey is really so proud. Well, because Joey is more vocal sa tatlo. Proud talaga.

“Heto, barring all networks’ war, I think all Filipinos should be proud na-franchise ang isang local show,” saad ni Ma’am Malou.

VIC SOTTO. Nakausap din ng PEP si Vic Sotto nang kunin namin ang kanyang reaksiyon sa pagkakaroon ng Eat Bulaga! Indonesia.

“Ano ba? Hindi ko ma-describe, e.

“Kasi, kahit sa pangarap, hindi ko maiisip na magkakaroon ng Eat Bulaga! sa ibang bansa.

“Nang mabalitaan ko na, nakita ko na yung Eat Bulaga! Indonesia, aba, totoo na nga ito!

“So parang panibagong medalya na naman sa Eat Bulaga! Para sa buong industriya ng telebisyon at para sa Pinoy na rin.

“And I think we made the whole nation proud.

“Kasi parang ano ito, e, for export, di ba?” pahayag ni Vic.

Patunay na dekalidad ang Eat Bulaga!?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Korak!” pabaklang pagsang-ayon ng star na tinatawag sa showbiz na Bossing.

Given the chance, payag ba si Vic pumunta sa Indonesia upang maging bahagi ng show at makita nang personal ang Indonesian counterpart niya sa show, na si Uya Kuya?

“Why not? Bakit hindi? Para ma-meet din namin…

“Sabi nga niya, mas pogi raw siya. Hayaan na lang natin siyang mangarap sa buhay niya!” natatawang sabi ni Vic tungkol sa Indonesian host.

Dagdag niya, “Nakakatuwa! I would like to personally meet the guy. Tingnan ko nga, baka talagang mas guwapo kesa sa akin!

“E, maganda, magandang pagkakataon ‘yon kapag… siguro, hindi malayong mangyari ‘yon na pumasyal kami minsan.”

Ano naman ang mensahe niya sa mga masugid na manonood ng Eat Bulaga!?

“Kasama sila dito.

"Sa lahat ng mga nagdaang dekada, parati naman sila [kasama] sa aming tagumpay, kung anuman ang medalyang natatanggap namin, mga award.

“Heto, ibang klaseng award ito. May pagka-international ang dating!

“So parati naman silang kasama sa aming mga pangarap, mga tagumpay.

“At hindi mauubos ang pasasalamat namin sa kanila sa patuloy na pagsuporta,” saad niya.

RYAN AGONCILLO. Para naman kay Ryan Agoncillo, kakaibang experience na maging bahagi ng isang local TV program na nagkaroon ng franchise sa ibang bansa.

Aniya, “Sarap, kasi lagi akong parte ng mga show na pina-franchise dito sa Pilipinas.

“Ganoon pala ang feeling ngayon ng show na pinaprangkisa sa ibang bansa. Nakikita mo yung counterparts ba?”

Meron ba siyang counterpart sa EB Indonesia?

“Parang wala pa. Tingnan natin kung meron silang maliit na tatay doon!” tawa ni Ryan.

“Galing! Napakasarap ng feeling!

“Saka strange, kasi para silang Filipino ang hitsura, tapos ang set, saktung-sakto… lahat.

“So siguro, kung comatose ka, tapos bigla kang nagising at nanonood ka, biglang ’pinapanood sa ’yo yung Indonesian version, baka akalain mo, ibang mundo! Nakakatuwa.”

Napapanood sa Indonesia ang Eat Bulaga! tuwing alas-kuwatro ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga hosts dito ay purong Pinoy, si Leo Consul, na naninirahan na ngayon sa Indonesia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN