Joey de Leon disappointed with news blackout on Eat Bulaga! Indonesia in other networks

Di eksaktong maipaliwanag ni Joey de Leon ang kanyang nararamdaman sa pagkakaroon ng franchise ng Eat Bulaga! sa Indonesia. Aniya, "Kung maibabahagi ko lang ang nararamdaman ko, ako mismo, sa iba… kung ano mismo yung pakiramdam ng nangyari na iyan, ang masasabi ko lang, e—kung tayo na ang pinakamatagal sa himpapawid, sa nangyaring ito, e, parang lumipad na kami talaga. Ganun ang feeling. Ang hirap ipaliwanag, e.”


Noong Sabado, July 21, ay ipinakita sa programang Eat Bulaga! ang tunay na kuwento sa likod ng Eat Bulaga! Indonesia, ang kauna-unahang international franchise ng longest-running noontime variety show sa bansa.

Gumawa ng panibagong tala sa kasaysayan ng Philippine television ang Eat Bulaga! nang magsimulang ipalabas noong July 16, Lunes, ang counterpart nito sa Indonesia, gamit ang parehong pangalan at format ng show.

Ang Eat Bulaga! Indonesia ay may lisensiya mula sa Filipino producers ng show, ang Television And Production Exponents, Incorporated o TAPE, Inc.

Ayon sa TAPE, nitong June 22, 2012, lamang na-finalize ang deal with Indonesia’s Surya Citra Televisi o SCTV.

Ngunit ang hindi alam ng marami, pitong taon din ang inabot bago tuluyang naisara ang negosasyon.

(CLICK HERE to read related story.)

JOEY DE LEON. Pagkatapos ng Eat Bulaga!, naitampok din ang naturang istorya sa showbiz talk show ng GMA-7, ang Startalk TX, noong Sabado.

Bilang isa sa mga original hosts at haligi ng Eat Bulaga!, at nagkataong co-host din ng Startalk, naglabas ng kanyang saloobin si Joey de Leon tungkol sa Eat Bulaga! Indonesia.

Ayon kay Joey, “Unang-una sa lahat, nais kong pasalamatan… Ricky Lo… Butch [Francisco], hindi ko pa nababasa sa iyo. Lolit [Solis], magsulat ka na, ‘no.

“Sa lahat ng mga kababayan natin… alam mo, medyo… tapos na yung reaksiyon namin.

“Ako, naiyak ako, lahat kami. Kanina nga ulit akala ko nga hindi na ako maiiyak.

“Nais ko lang sabihin sa lahat ng mga kasama natin sa daigdig ng telebisyon at peryodiko at radyo, ito pong pangyayaring ito, e, labas po ito sa limitasyon ng kumpetisyon, sa palagay ko.

“Kaya maging masaya tayo para sa Eat Bulaga! dahil sa unang pagkakataon ay nangyari ito.

“At ang dala namin dito, hindi lang kami, e, kundi yung buong Pilipinas.

"Pinoy henyo nga, e,” pagtukoy ni Joey sa titulo ng isang popular na segment ng Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OUT OF COMPETITION. Dito na rin inihayag ni Joey ang kanyang pagkadismaya dahil hindi man lang daw ito naibalita sa ibang istasyon.

“Kaya nga nagkaroon ako ng tampo nung una. Sabi ko, ‘Bakit parang hindi tayo ’binabalita nung iba?’

“Pero sa huli, sabi ko, ‘Hindi bale. Okay na rin.’

“Nais ko lang ulitin yun, na itong pangyayaring ito ay para sa atin.

“Hindi yung pag nakarinig kayo ng, ‘O, si Jessica Sanchez…’ Nakikidugo kaagad kayo. Hinahanap niyo yung dugo. Para kayong mga bampira lang, e.

“Hindi po dugo ang usapan dito… dangal. Dangal na ito ng buong lahi natin dahil napunta ng ibang bansa ang [Eat Bulaga!].

“Kaya nga inuulit ko, labas na ho… Ibalita niyo, ipagmalaki niyo.

“Kasangkot kayo dito dahil palabas na likhang Pinoy na dinakila ng ibang bansa. Hindi lang ng ibang istasyon o ano.”

Komento naman ni Ricky Lo, ang achievement na ito ng Eat Bulaga! ay akmang-akma raw sa campaign ng Department of Tourism na “It’s More Fun in the Philippines.”

Susog ni Joey, “Kaya nga e. Kasama po kayo doon.

“Kahit minsan tayo ay naging magkalaban o minsan naging magkatapat tayo, kalimutan muna natin iyon. Labas na po ng kumpetisyon ito.

“Ito po’y ibang klaseng kaso ito. Gayunpaman, salamat sa lahat ng mga conscious.”

INSIDE STORIES. Humingi naman si Butch Francisco kay Joey ng additional inside stories kung paano nabuo ang Eat Bulaga! Indonesia.

Sabi ni Joey, “Well, kung kami nga parte na ng ano [Eat Bulaga!]… haligi nga, sabi mo. Pero hindi namin alam ang kabuuan ng kasaysayan niyan.

“Pero ang alam ko, pitong taong pinag-aaralan ng mga kapatid nating Indones ang takbo ng show ng Eat Bulaga!.

“At finally, kinausap nila yung mga pinuno… sina Mr. [Tony] Tuviera, sina Malou [Choa-Fagar], at ayun, naayos at natupad.”

Ayon naman kay Lolit Solis, nakatulong din sa negosasyon ang presensiya ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa SCTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Joey, “Maraming Pilipino noong araw na nagpunta noon na tinuruan pa sila kung paano magpatakbo ng [show]. Mahabang kasaysayan ito, e.

“Pero ang abangan niyo, yung Startalk Indonesia,” biro ni Joey na ikinatuwa naman ng iba pang hosts ng show.

WHAT’S NEXT? Thirty-three years na ang Eat Bulaga! na araw-araw napapanood.

Ano pa ang mga bagong puwedeng ihandog ng Eat Bulaga! sa mga manonood?

“Ayun nga, ang sabi ko kay Tony [Tuviera, TAPE boss] kanina, mag-uusap kaming apat [nina Vic at Tito Sotto].

“Sabi ko, ano’ng naramdaman talaga? Bukod sa naluha ka, luha ng ligaya noong nag-air na sila.

“Nag-umpisa na, e, isang linggo na silang tumatakbo.

"Doon po [sa Indonesia], alas-kuwatro hanggang alas-singko medya yung Eat Bulaga! Indonesia, dahil sa tanghali nagdadasal sila, e.

“So, ganun, para alam niyo lang ho.

“Sabi ko… ang nasabi ko lang, kung maibabahagi ko lang ang nararamdaman ko, ako mismo, sa iba… kung ano mismo yung pakiramdam ng nangyari na iyan, ang masasabi ko lang, e—kung tayo na ang pinakamatagal sa himpapawid, sa nangyaring ito, e, parang lumipad na kami talaga.

“Ganun ang feeling. Ang hirap ipaliwanag, e.”

Maraming original segments na naipakilala ang Eat Bulaga! Kasama na rito ang “Pinoy Henyo,” “Mr. Pogi,” at ang hit na hit na “Juan For All, All For Juan.”

Ano pang mga bagong aasahan ng mga manonood sa Eat Bulaga!?

“Hindi ko nga ano [alam]. Ang masasabi ko lang, ano pa kaya ang susunod na makaka-bulaga sa amin, bukod sa pangyayaring ito?

“Well, sa ngayon ho, ang masasabi ko ay wala ho akong maisip dahil parang manhid ka pa sa ligayang tinatamasa mo. Tuloy lang.”

EB’S MAGIC. Sa tagal na nilang ginagawa ang Eat Bulaga!, wala ba yung feeling ng burnout o sawa?

“Wala, e. Yun na nga ang magic ng Eat Bulaga!. Palagay ko iyan ang mahika niyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil ang Bulaga… kasi nag-umpisa kami mga lima… ngayon nauso yung barangayan hosting, so maramihan na.

“Pagdating namin sa Eat Bulaga!, ang totoo, ano kami, pagpasok… dalawa lang ang tanong, e: ano ang tsismis o kaya ano ang ulam?

“Naging extension na ng mga bahay at tahanan po namin ang Eat Bulaga!, na parang ito ay kapiraso pa ng kusina ng mga bahay namin.”

Mahalaga raw sa kanila ang magandang samahan nila sa show.

“Barkadahan, talagang yung Dabarkads, talagang isinasakaluluwa namin yung word na yun. Talagang nangyayari.”

Sa huli, panay pasasalamat lang ang namutawi sa bibig ni Joey.

“Muli, salamat po sa lahat mga kaibigan. Sa lahat ng sumusulat at nagbabalita ng pangyayaring ito sa Eat Bulaga!. Maraming salamat po. Thank you ho.

“Pag kayo naman ang nangyari sa inyo iyan, e, inu-news din namin kayo. Huwag kayong mag-alala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN