Showbiz newcomer Marco Gumabao on his first teamup with Miles Ocampo: “May sentimental value pa rin yun kung sino ang first loveteam mo.”

Marco Gumabao claims he has become more shy after joining showbiz. He explains: “Mas naging mahiyain ako. Parang baligtad nga, e. Kasi, mas naging mahiyain ako kapag lumalabas ako sa public, and at the same time rin naman, nasisiyahan.”


Unang salang ni Marco Gumabao sa showbiz bilang isa sa lead cast ng Sunday youth-oriented show, ang LUV U ng ABS-CBN.

Pero base sa ipinapakita niya sa LUV U, hindi maikakailang nasa dugo talaga ni Marco ang pag-aartista.

Si Marco ay anak ng dating actor na si Dennis Roldan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa taping ng LUV U, ang isa sa mga napag-usapan ay tungkol sa loveteam nila ni Miles Ocampo sa youth-oriented series.

Ayon kay Marco, “Okay naman. Nagki-click naman kami kada-tape at masaya naman kami kada-eksena. Masaya rin kami on- and off-cam.

“Same naman ang level ng closeness namin on- and off-cam. So, masaya namang kasama.”

WORKING STUDENT. Si Marco ay tuloy-tuloy pa rin ng pag-aaral sa La Salle.

Nang tanungin kung si Miles ang isa sa tipo niyang babae, sinabi nito na, “Actually, hindi ko naman alam kung ano ang magugustuhan ko.

“Minsan, bigla na lang ako nagkaka-gusto sa isang tao.

“Malay mo in the future, magustuhan ko na lang siyang bigla. Sa ngayon kasi, friends.

“Friends kaming lahat. Sa ngayon kasi, focus muna ako sa work.”

SHOWBIZ CRUSHES. May mga showbiz crushes din si Marco. Pero natawa kami rito nang sabihin niyang matatanda ang crush niya.

Na nilinaw naman niya agad.

“Yung mga crush ko, sina Anne Curtis, Cristine Reyes, Maja Salvador.

“Pero sa ngayon kasi, wala pa naman talaga akong nagugustuhang ka-age ko talaga.”

Nasa first year sa kursong Psychology si Marco sa La Salle, matatapos kaya niya ang college ngayong nag-aartista na siya?

“Sana,” nakangiting sabi niya.

“So far naman, nahihirapan lang ako sa paggising. Kapag puyat galing ng taping, yun lang ang mahirap talaga.

“Pero kapag sa grades naman, okay naman.”

Mag-i-isang taon pa lang din sa showbiz si Marco simula nang gawin niya ang LUV U at masaya naman siya sa takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman ako. At saka sa ngayon naman, wala naman akong nakukuhang mga haters, bashers…

“Lahat naman sila, naa-appreciate naman nila ang mga ginagawa ko at happy naman ako.

“Kasi, alam ko naman na wala akong ginagawang mali para ma-offend ang mga tao.

“Okay naman, masaya naman ang takbo ng career ko.”

SENTIMENTAL VALUE. May upcoming series sina Marco at Miles na Kailangan Ko’y Ikaw.

Okay ba sa kanya na sila ni Miles ang tila ipu-push na loveteam ng ABS-CBN?

“Oo naman, masaya. At saka siyempre, iba pa rin naman yung first na ka-loveteam mo.

“May sentimental value pa rin yun kung sino ang first loveteam mo. Okay naman sa akin.

“Masaya namang kasama si Miles at close na rin naman kami.”

Ano na ang mga nabago sa kanya simula nang mag-artista siya?

Ayon kay Marco, “Mas naging mahiyain ako. Parang baligtad nga, e.

“Kasi, mas naging mahiyain ako kapag lumalabas ako sa public and at the same time rin naman, nasisiyahan.

“Parang nahihiya lang ako kung may ginagawa akong mali. Nahihiya ako na makita ng ibang tao.

“Pero masaya rin naman na may nakaka-recognize na sa ‘yo, may nagpapa-picture na at naa-appreciate ang ginagawa mo kaya masaya.”

STALKER? Sa La Salle, kumusta naman ang reception sa kanya ng schoolmates niya?

“Okay naman po. Pero, may nagtu-tweet sa akin na alam niya ang schedule ko.

“Palagi niyang sinasabi na, ‘Matulog ka na, may eleven o’clock ka pang class bukas.’ Alam niya ang room. So, medyo nakakatakot po.”

May stalker siya?

“Ewan ko rin po,” nakangiti niyang sabi.

“Nakikita niya raw ako ng maraming beses na. Siguro same building kami kaya ganoon.

“Pero okay naman po, sa school naman po, medyo safe ang feeling.

“At saka, nakakatakot kung lalaki ang nagsasabi noon, e, babae naman po kaya—okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong namin si Marco kung ano ang advice sa kanya ng daddy niya sa pagpasok niya sa showbiz.

Aniya, “Ang Dad ko naman, palagi niya lang sinasabi since born-again nga kami, palagi ko lang i-thank si God sa mga blessing at huwag ko Siyang kakalimutan.

“’At huwag mong iisipin na nandito ka sa showbiz hindi dahil sa galing mo, kung hindi binigay ni God yun na parang gift niya sa ‘yo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN