Denise Laurel not allowed to talk about the father of her child

Almost a mainstay of the ABS-CBN series Precious Hearts Romances, Denise Laurel tackles another daring and sexy role in PHR’s latest episode, Pintada. She describes her new role: “Daring, in the sense that I’m a teacher and I’m falling in love with my student… bawal na pag-ibig.”


Kilala ang mga teleserye ng Precious Hearts Romances (PHR) na may pagka-sexy o daring ang tema.

Dito nabigyan si Denise Laurel ng pagkakataon na maging bida at maging mapangahas bilang isang aktres.

Kagabi, July 24, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Denise sa press conference ng Pintada, ang pinakabagong PHR series na nasa ikalawang linggo na ngayon.

Binati ng PEP si Denise sa pagiging bida nito sa bagong kuwento ng Precious Hearts.

Sagot naman niya, “I’m super thankful, super excited. Kasi, ang dami pang mangyayari. Marami pa kaming baon na pasabog.

“I’m so nervous, as in hindi ako nakatulog. Nakakain ako nang sobra kasi sobrang stressed ako.

“But I’m so nervous and scared that people may not like it, but ABS always releases great things and I work with great people.

“Yun lang talaga, initial na kaba.”


LIMITATIONS. Kahit nata-tag na sexy at daring ang mga PHR series, para kay Denise wala naman siyang ginawa o naipapakita pa rito bukod sa likod at cleavage niya.

Sabi niya, “They know me so well. So they really respect me, especially now I’m a mom.

“And they know that I love my job. They know that every story that I do, binabasa ko talaga, nagre-research ako.

“Sabi nga nila, kulang na lang, mag-prod [production assistant] na ’ko. Kasi, I really love staying even if I’m done na.

“I mean, now not so much because of my son. But even if I’m done na, I’ll stay at magpi-P.A. [personal assistant] ako. I love them talaga.”


FIRST LEAD ROLE. Sa dami ng nagawa niyang kuwento para sa PHR, gaano kaiba ang Pintada niya ngayon?

“Super different!” sambit niya.

“Ito yung pinaka-nachallenge ako, although sobrang dami ko…

"Every show na ginawa ko sa PHR have so many memories, and with each show, siyempre iba-iba ang cast. They became real friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito rin, you know, it’s my first time na I’m the oldest in the cast.

“It’s the first time na wala akong ka-age dito, and it’s the first time na I’m playing the lead role.

“Parang mas malaki ang gravity at responsibility. At the same time, yung character ko, she’s so layered.

“Ang daming nangyayari sa kanya, so minsan, naloloka na ako!”

Dugtong niya, “It came to a point na... kasi ako ang tipo ng taong I’m talking to everyone.

“With Pintada, makikita mo ako na minsan quiet sa isang tabi. Nag-i-internalize ako.

“I’m doing my homework. I’m collaborating with Direk [Cathy Garcia-Molina].”

MORE DARING. Sinabi ni Denise na mas daring ang role niya ngayon sa Pintada bilang si Lysa.

“Daring in the sense that I’m a teacher and I’m falling in love with my student… bawal na pag-ibig.

“I’m stopping myself, and at the same time, taking care of my family. I’m the ate.

“It’s daring in the sense na it’s provocative, taboo… ganyan.

“Parang it’s very daring for me, very emotional.”

LEADING MEN. Ano naman ang masasabi niya sa mga leading men niyang sina Martin del Rosario at Lemuel Pelayo?

“They are both very competitive and hardworking, and I like that.

"Nakita ko ang sarili ko sa kanila, na parang I’m here to work, but because I love what I do, it’s not work.

“Yun ang nakikita ko sa kanila.”


PRIVATE PERSON. Si Denise ay may one-year-old baby boy na nagngangalang Alejandro.

Sa mga Twitter posts niya, tinatawag niya ang anak na “little warrior.”

Paliwanag ni Denise, “Little warrior because when I found out I was pregnant, I think I was almost four months already…

“And the reason why I found out was because it was getting delikado. He fought through it and I really rested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Imagine niyo, first trimester, wala akong pre-natal care, and even now, he’s so strong as a kid.”

Ngayong may anak na siya, nagkaroon na ba siya ng mga limitasyon sa puwede niyang gawin o ipakita?

“No, actually, it opened my mind. Not that I’ll gonna show more skin, but of how I’m presenting—mas malalim, mas may depth.

“Mas may mission ako kasi I wanna show people the lesson I’ve learned nga in this story.”

Sila pa rin daw ng ama ng kanyang anak. Pero madalas lang daw itong wala sa bansa.

“Oo naman, it’s just that it’s hard travelling back and forth, and I don’t want to leave my son," sabi ni Denise.

Pero nanatili pa rin ngang sikreto ang pagkatao ng ama ng anak niyang si Alejandro.

“Secret,” ang nakangiti niyang sabi.

“I’m not allowed to talk about him. It’s just that it’s not his personality, and his parents, his grandmother, cousins, they are all private people.

“So, to talk about him and bring him in the picture also affect my son.

“So, parang as much as I want to boast, I’m also thinking of, you know, when I post pictures in Twitter and Instagram, ’pinaglaban ko pa yun because my family doesn’t want me to.

“Because you know, they want him [her son] to decide when he’s older. If he wants to be exposed.

"But I’m just… he’s so cute and he’s so nakakagigil.

“Parang I wanna share him with anyone! I’m so proud!”

Wala naman daw itong naging problema sa ama ng anak niya, na isang Italian-American.

“Yes. The deal lang was, I won’t expose him to this. He’s not used to it. It’s not his life," paliwanag ni Denise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN