Martin del Rosario on Pintada leading lady Denise Laurel: “Walang kaso na nagkaanak siya kasi sobrang sexy pa niya.”

Martin del Rosario finally gets the coveted leading-man role in ABS-CBN’s latest afternoon soap, Pintada. He plays a student who falls in love with his teacher (played by Denise Laurel). When asked if he can relate to the story, Martin says, “Nagkaka-crush ako sa teacher pero hindi pa ko naka-try na manligaw ng teacher.”


Isa nang leading man ang Kapamilya young actor na si Martin del Rosario sa pamamagitan ng Precious Hearts Romances Presents Pintada.

Ginampanan ni Martin ang papel ng isang estudyante na umibig sa kanyang guro. Kapareha niya rito si Denise Laurel.

"Eventually, mapu-fall kami sa isa’t isa, pero ang society, dini-dictate na huwag, kasi ganoon talaga—bawal talaga.

“Pero ganoon naman ang pagmamahal. Nananalo ‘yan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa press conference ng Pintada sa Dolphy Theater, kahapon, July 23.

MATURE RELATIONSHIP. Sa totoong buhay ba ay nagkagusto na siya sa teacher niya?

Natatawang sagot ni Martin, “Hindi po. Nagkaka-crush ako sa teacher, pero hindi pa ako naka-try na manligaw ng teacher.”

Sa mas matanda sa kanya?

“Opo naman,” pag-amin niya.

“Nagkaroon na ako ng twenty-four, twenty-five years old na girlfriend. That time po, eighteen pa lang po ako.”

Kumusta naman ang relasyon na yun?

“Actually, okay po. Pinakamatagal, kasi one year and six months yun. Mas okay, e, mas hindi ilang ang isa’t isa.

“E, hindi ba, kapag nanliligaw ka ng fourteen, fifteen years old, parang hawakan mo lang... alam niyo yun?

“Pero kapag mas older, i-hug mo, parang kaibigan lang," saad niya.

Mature na pala siya pagdating sa relasyon?

“Opo naman, pero ngayon wala po akong girlfriend. Single kasi ako ngayon.

“Pero parang twice pa lang naman ako nagkaroon ng serious relationship.

"Yung isa lang ang tumagal. Yung isa, medyo sakto lang.”


LEAD ROLE. Bago ang Pintada ay nag-guest si Martin sa primetime series na E-Boy.


Pero sa teleseryeng Minsan Lang Kitang Iibigin siya mas napansin.

Kahit medyo matagal-tagal bago nasundan ang huling teleserye niya, malaki pa rin ang pasasalamat ni Martin na siya ang nakuhang leading man sa Pintada.

Saad nito, “Parang napaka-fortunate lang po at blessed ako na nabigyan ako ng ganito. Medyo first time kong magli-lead sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo pressured, pero at the same time, excited. Gusto kong pagbutihan ‘to.

"Kami ni Denise, nagtutulungan. Every scene, talagang gusto naming pagandahin.

"Nakaka-excite rin lalo na yung rating, pataas pa siya.”

Hindi naman maitago ni Martin ang paghanga sa leading lady.

Sabi niya patungkol kay Denise: “Sobrang ganda. Ako naman, talagang, ‘Wow, na-partner ako kay Denise Laurel!’

“At saka, tingin ko, walang kaso na nagkaanak siya kasi sobrang sexy pa niya.”


NUDE SCENES. Ang Precious Hearts Romances series ay kilala sa pagiging daring ng mga istorya.

Pero ayon kay Martin: “Ready naman ako. At saka, TV naman ‘to. At saka, wala namang masamang maghubad, mag-topless.”

Kakalabas nga lang daw ng eksena niyang naka-brief lang siya at yung nag-oblation run siya sa University of the Philippines.

“Naka-blur naman ang ano ko, pero siyempre sa taping, naka-skin tone ako. Hindi naman yung nakahubad ako talaga.

"At saka guided naman ako. Alam ko naman, lalo pa si Direk Cathy Garcia-Molina."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN