Part 1. Dominic Roco: “Sa tagal ko po sa GMA, I never felt that they gave me the break."

Anim na taon nang nakakontrata si Dominic Roco sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, ngunit pakiramdam ng young actor ay hindi pa siya nabibigyan ng tamang break. Sabi niya tungkol dito, “I leave that to Artist Center. Sila na po bahala. If they think I’m ready na for a lead role movie, so I’m just waiting…”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Dominic Roco sa promo ng bago nitong indie film, Ang Nawawala (What Isn’t There).

Ito ang unang lead role ni Dominic sa pelikula.

Directed by Marie Jamora, na siya ring sumulat ng script with Ramon de Veyra, ang Ang Nawawala ay official entry sa New Breed section ng Cinemalaya 2012.

Kasama rin sa cast ang kakambal ni Dominic na si Felix Roco, Boboy Garrovillo, Marc Abaya, Annicka Dolonius, at Dawn Zulueta.

Ano ba ang kuwento ng Ang Nawawala?

Ayon kay Dominic, “Yung story ng Ang Nawawala is about a young man who doesn’t speak, kasi may nangyaring traumatic experience nung bata siya na he witnessed.

“So from there, I chose not to talk.

“It’s my first full-length film and it’s the biggest project of my career so far.

“The cast was really fun to work with, sila Ms. Dawn, sina Sir Boboy.”

Ano ang challenge sa kanya ng kanyang role?

“With this character, this is the most challenging role that I have ever tackled. Kasi hindi ako nagsasalita, kaya I had to double the effort.”

FIRST-TIME DIRECTOR. Kumusta ang first-time director niyang si Marie Jamora na nagdidirek na ng TV commercials and music videos?

“Perfectionist ang director namin, which I like. Kasi tutok siya sa movie niya, which is good, which is tama.

“Sana lahat ng directors ganun.

“Each scene, they discuss, they talk about it. What’s wrong, what’s right.

“And they talk to the actors so many times.

“She was really great, she was really professional. She was strict, but strict in a good way.

“Every scene, she would talk to us. She’d really talk to all actors so that it would really look natural.

“Parang hindi siya first timer, it was really natural for her to direct."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Dominic, “Also, yung availability ng cast, it was hard!

“Like si Ms. Dawn, si Sir Boboy, it was hard to get the cast all together.

“So, putol-putol po ang shoot, pero it worked perfectly.”

DAWN AND BOBOY. Kuwento pa ni Dominic, first time niyang makatrabaho si Dawn Zulueta, na kilala di lamang bilang isa sa pinakamaganda sa showbiz, kundi premyadong artista pa.

Kaya aminado si Dominic na kinabahan siya noong simula ng shooting.

“Noong una po, kinabahan ako, kasi nga it’s my first time working with her.

“Noong una, I don’t know how to react to her kasi na-starstuck ako, kasi, ‘Wow, Dawn Zulueta!’

“Napakahusay niyang artista, and she really taught as a lot with that short time we were together.

"It was an honor working with her."

Second time naman niyang nakasama sa pelikula si Boboy Garovillo, isang mahusay na aktor na maaaring mas kilala bilang miyembro ng Apo Hiking Society.

“Si Tito Boboy po, nakasama ko rin sa Madaling Araw, Mahabang Gabi."

Ang pelikula ay idinirehe ni Dante Nico Garcia, ang direktor ng tumatak na Ploning, starring Judy Ann Santos.

Sabi ni Dominic tungkol kay Boboy, “Ang sarap niyang kasama, para siyang bata. So, okey siya, cool lang.”

GMA ARTIST CENTER. Under contract si Dominic sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Diretsong tanong ng PEP kay Dominic: Satisfied ba siya sa takbo ng kanyang career ngayon?

Napangiti muna ito bago sumagot: “Right now, I think, for me, kulang pa…hindi pa ako kuntento.

“Sa tagal ko po sa GMA, I never felt that they gave me the break.

“But I’m not naman [complaining], ’coz I can’t do anything naman, and nasa tao rin yun.

“So right now, I’m just waiting…

“Okey ang Artist Center ngayon ‘coz they’re giving out workshops, like English proficiency, acting workshops, dance workshops…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, at least, you can see the effort of GMA Artist Center.”

Ayon kay Dominic, ikalawang kontrata na niya ang kanyang current contract sa GMA Artist Center.

“It’s five years but I still have two more years,” banggit ni Dominic.

“This is a renewed contract. Yung first contract ko was two years. And then, I signed a five-year contract.

“So, more or less, six years na ata ako sa GMA.”

Sa anim na taon niya sa Kapuso, hindi pa raw siya nabibigyan ng break sa primetime. Pero sa afternoon soap na Sisid (2011) ay naging leading man na siya.

“Opo, doon lang po ako nanghihinayang, na sana, they give out projects not only to me, but the other deserving artists of Artist Center.

“Nasasayangan lang po ako sa ibang talents,” sabi ni Dominic.

A few months ago ay nag-resign ang dating head ng GMA Artist Center na si Ida Henares. Paano naapektuhan ang mga contract artists, gaya ni Dominic, sa pagkawala ni Henares?

“Honestly, hindi ko po masasabi, e,” sagot niya.

“A lot of people or a lot of talents are having problems rin. It’s not only me who feels this way. Pero they’re fixing it naman.

“Like this, wala namang problema sa kanila. I asked them if I can do this film [Ang Nawawala], if I could do this project, ‘coz I really thought it will be a nice project to do. Sayang, e, sayang…

“Sana a lot of artists would try to do indie. Kasi, it’s really an eye-opener and it’s really a good experience for everyone.”

OFFERS FROM OTHER NETWORS. Sa panahong exclusive artist siya ng Kapuso network, may natanggap ba siyang offers mula sa ibang networks?

“Yeah,” pag-amin ni Dominic.

“I have to turn them down. Wala po akong magagawa, I’m exclusive to GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pag-usad ng showbiz career ni Dominic, may pagkakataon bang nainip o nagtanong siya, lalo na ang pagbibida sa pelikula?

“I leave that to Artist Center. Sila na po bahala.

“If they think I’m ready na for a lead role movie, so I’m just waiting…”

Hindi ba siya nag-iisip na naunahan siyang magbida sa film ng kakambal niyang si Felix?

“Hindi… it will come. Patient lang… you just have to have patience.”

Handa ba siya sa kumpetisyon sa ibang kasabayang aktor?

“Yeah, of course. We’re all here to stay long,” sagot ni Dominic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN