Mayor Herbert Bautista bent on legitimizing Quezon City as "City of Stars"; plans to build school named after Dolphy

Balak maglagay ni Mayor Herbert Bautista sa Quezon City ng commemorative statues ng ilang movie stars upang pagtibayin ang bansag sa sinasakupang lungsod bilang "City of Stars." Aniya, “Parang dapat meron tayo dun sa mga tumpok-tumpok, within Tomas Morato area, dahil ’eto naman talaga yung entertainment, showbiz district, e. So, maglagay tayo ng mga kanto-kanto na merong parang mala-Dolphy na tumatawa siya with somebody, tapos si FPJ naka-ganun sa isang kan


Desidido si Mayor Herbert Bautista na makilala nang husto ang Quezon City bilang "City of Stars."

Isa sa hakbang na gagawin niya ay ang pagtatayo ng museo.

Nakausap na nga raw niya at ni Vice Mayor Joy Belmonte si MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares kung maaari silang gumawa ng museo mula sa mga memorabilia ng yumaong ama nitong si Fernando Poe, Jr.

Sabi pa ni Mayor Herbert, “And si Manay Ichu [Marichu Vera Perez-Maceda], baka may lugar ka pa dun na puwede nating gawing museum ng Sampaguita, kung meron pa.

“Unfortunately, LVN has a museum, pero they sold their entire property already. OctoArts siguro baka meron din.

“GMA-7 is building one in Tandang Sora, if I’m not mistaken. ABS-[CBN] has their own, within their studio."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Herbert sa launching ng Quezon City Film Festival noong July 17 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

COMMEMORATIVE STATUES. Nabanggit din ng alkalde ng Quezon City ang plano niyang magtayo ng commemorative statues ng mga sikat na artista sa kahabaan ng Tomas Morato.

"I was thinking, di ba, merong Michael Jordan [statue] dun sa Chicago? Parang dapat meron tayo dun sa mga tumpok-tumpok, within Tomas Morato area, dahil ’eto naman talaga yung entertainment, showbiz district e.

“So, maglagay tayo ng mga kanto-kanto na merong parang mala-Dolphy na tumatawa siya with somebody.

"Tapos si FPJ, nakaganun sa isang kanto, di ba?” sabi ni Mayor Herbert, na ang tinutukoy ay ang signature pose ni Da King.

Nilinaw din niya na hindi lamang ang atensiyon ng mga dayuhang turista ang gustong makuha ng kasalukuyang Quezon City government sa ilalim niya.

“We’re no longer catering to foreign tourists. We’re catering to domestic tourists.

“So pag sinabing ‘baduy naman,’ e, so what? Our market is domestic tourists and this is what we want to cater to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pang inilatag na mga plano ang alkalde upang lubusang makilala ang Quezon City bilang "showbiz capital of the Philippines."

Ito ay bilang paghahanda na rin sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Quezon City bilang lungsod sa 2014.

Bahagi rin ng selebrasyon ang paglulunsad ng QCinema: 2012 Quezon City Film Festival, na balak nilang palakihin sa mga susunod na taon.

(CLICK HERE to read related article.)

AMUSEMENT TAX. Pinagtutuunan din ng pansin ni Mayor Herbert ang isyu ng pagbubuwis sa film festivals upang makatiyak na ito ay mapakinabangan ng pamahalaan.

Una nang ipinatupad ng Quezon City ang "zero percent amusement tax" noong 2006, sa ilalim ng panunugkulan ni dating Mayor Feliciano “Sonny” Belmonte.

Tatlong taon na itong ipinatutupad sa Quezon City, bago pa man maisabatas sa Senado ang pagbaba ng amusement tax mula 30 percent sa 10 percent sa buong bansa.

Ang pangunahing author nito ay si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ngunit ayon kay Mayor Herbert, tanging mga theater owners daw ang kumikita sa ganitong set-up.

Paliwanag niya, “The observation or the study made by Boss Vic del Rosario [of Viva Films], si Vincent [del Rosario] na ngayon dito, e…

“Kaya, ano na, e…sabi niya, the intention of lowering or actually making it zero is to help the movie industry.

"Unfortunately, there was no guideline.

“Nung sinet natin yung amusement tax, there was no guideline kanino mapupunta yung income, etc.

"So what happened was, napunta sa theater owners.

“This time, because there is a national law and the limit is ten, if we bring it back, at least to zero ulit, i-zero natin ulit, then we must define further..."

Kailangan daw ay matukoy nang malinaw ang bawat bahagdan kung saan dapat mapunta ang amusement tax.

“Kung five dito sa theater owners, five sa producers. Or five sa Quezon City Film Development Commission, 2.5 sa producers, 2.5 sa theater owners… I mean, we can now define it further.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I hope that the Quezon City Film Development Commission takes action on this.

"So that as long as that legislation goes through the council, bringing back the amusement tax for December, e, iboluntaryo na rin dun sa mga darating, every therein after, e, eto na yung pagkakahati-hati.

“Kung magsi-zero kami ulit, e, for domestic films lang.

"Yung zero for domestic films, it should be broken down to as follows: Film Development Commission, two percent; three percent for ganito; five percent for the filmmakers…yung mga producer.”

DOLPHY’S SCHOOL. Samantala, balak din ni Mayor Herbert na magtayo ng isang high school sa pangalan ng namayapang Comedy King na si Dolphy.

“This year only, Ninong sold us a property in Barangay Gulod in Novaliches. And ang plano namin sa lupa, e, tayuan ng high school. Dahil ganoon kalaki ang lupa niya.

"And we will be calling it Rodolfo Vera Quizon High School,” wika ni Mayor Herbert sa hiwalay na panayam sa kanya ng Interaksyon.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN