Two questions: Has Gerald given up on Sarah? And is Sarah going to fight for Gerald?

Sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo kaya ang tinutukoy sa isang blind item tungkol sa pagtigil ng panliligaw ni "G" kay "S" dahil di raw gusto ng ina ni "S" si "G"?


Pinag-uusapan ngayon ang blind item na ito na lumabas sa Twitter: “gumib ap na daw si G sa panliligaw ke S, dahil sa madir ni S.”

Ang sumulat ng blind item ay ang entertainment columnist/radio host/actor na si Ogie Diaz.

Nagbigay pa ng ilang detalye si Ogie tungkol dito sa magkakasunod niyang tweets mula July 23, tuloy ng July 24, at hanggang ngayong araw, July 25.

Pero dahil blind item nga, hindi niya tinukoy kung sino si G at kung sino si S.

Narito ang kuwento ni Ogie sa kanyang personal Twitter account:

“Sinabihan daw ng fadir si G na umakyat ng ligaw sa bahay. Ginawa naman daw ni G. Pero pag andun daw si G, iniirapan sya ng madir ni S.

“Dapat daw, me duet sina S at G sa concert ni S. Pero si Mother Dear daw ang umayaw. Kagabi daw after live ay cry si S dahil finally...

“Finally, nagpaalam na si G ke S na give up na siya, dahil ndi daw ma-please ni G si Mother Dear. Kaya super iyak daw si S. #Sad.

Ito pa ang tweets ni Ogie tungkol kina G at S:

“Tumimbre na si Madir Dear sa produ na wag ng ituloy ang movie ng anak na si S with G dhl ang sey ni madir, "Wag na, nahuhulog na anak ko!"

“Sinabi daw ni G ke S after a live show, "Im ready, but i think ur not. Ur mom doesnt like me," cry si S kc naudlot muli ang happiness nya.

“Sey ni Mother Dear ni S, me nagtxt sa kanya na me babae raw si G from Cebu. But d people who know d mom, nag-iimbento lang daw ito ng story.

“Dami nagpapayo ke S, "Malaki ka na, ikaw naghahanapbuhay. Bat ndi man lang iregalo sa yo ng mom mo ang tiwala nya sa yo sa lovelife mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ganyan din ang mom mo kc ina-allow mong ganyan sya sa yo. Samantalang responsable ka namang bata, ano ba ikinatatakot ng nanay mo?"

“Kahit daw paghawak ng celfone, limited lang ang ibinibigay na oras ni mom sa anak. Kailangan pang magtago sa cr ni S pag nakikipag-usap.

"All these years, ikaw ang kumakayod para sa pamilya mo, bat naman ganyan ang nanay mo? Ndi naman porke in love ka, pababayaan mo na sila!"

“Minsang me suitor na nagpadala ng food ke S sa bahay, ndi nakarating ke S, dahil hinarang ni Mom at ipinakain sa maid. Huminto na ang guy.

“Sa bahay, pag nagre-rehearse ng kanta ang bagets, yung 1 kapatid, "Ano ba yan, ang ingay-ingaaaay!" Heler! Yan ang bumubuhay sa inyo, teh!

“Minsan, nagkagusto ng Channel bag ang bagets. Sabi ng mom, pagpunta na lang daw nila ng abroad. Na-excite ang bagets. Pagdating dun, waley!”

Paalala ni Ogie: “Ilan lang yan sa mga kwentong nai-share sa akin. Ndi ko naman sinasabing maniwala kayo dahil kahit ako, ndi makapaniwala. Awa ako sa bagets.

“Kung totoo man ito, sana naman, bigyan ng karapatang lumigaya ng nanay ang anak bilang regalo sa pagiging mabuting anak at kapatid nito.

“Wag na sanang hintayin ni Madir yung araw na magrebelde ang anak nya bago nya pa ma-realize na ndi nya dapat ipinagdamot ang kabataan ni S.”

WHO ARE "G" AND "S"? Hindi man pinangalanan ni Ogie kung sino sina "G" at "S" dahil blind items nga ang pinili nitong isulat, nagkakaisa ang lahat ng nakabasa ng tweets na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

Di naman napakalaking palaisipan: G at S ang unang letra ng mga pangalan ng dalawang Kapamilya stars.

Liban dito, inamin na ni Gerald, 23, sa maraming interviews na umaakyat na siya ng ligaw kay Sarah, 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng batikos ng ilan na "gimik" lamang ang panliligaw ng binata sa singer-actress.

Sabi ni Gerald dito: "By now, nakita naman nila na wala akong masamang intensiyon.

“Nililigawan ko si Sarah dahil gusto ko talaga siyang ligawan at hindi para sa mga tao.

“Hindi para sa mga fans, sa mga tao sa paligid ko, kung hindi para sa akin.”

Kinumpirma naman ni Sarah sa kanyang interviews ang panliligaw ni Gerald sa kanya.

Alam din sa loob at labas ng showbiz ang pagiging istrikto at protective ng mga magulang ni Sarah, partikular na ang ina nitong si Divine Geronimo—o mas kilala sa tawag na Mommy Divine.

Pero naiintindihan naman daw ni Gerald ang paghihigpit na ginagawa ni Mommy Divine kay Sarah.

“Alam ninyo, si Tita, kailangan nating intindihin… Baby niya talaga si Sarah. Kailangan nating respetuhin yung pagmamahal at suporta na ibinibigay niya kay Sarah," pahayag ng matinee idol.

BACK STORY. Hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa paghihigpit ni Mommy Divine kay Sarah, lalo na pagdating sa lovelife ng anak.

Naging malaking balita nga noong 2011—ang masalimuot na pangyayari ay naganap noong huling bahagi ng 2010, ngunit naibalita lang nang buo noong Marso 2011—ang naudlot na pag-iibigan sa pagitan ni Sarah at ng young actor na si Rayver Cruz.

Ang buong istorya ng short-lived romance na ito nina Sarah at Rayver ay naisulat sa March 2011 issue ng YES! Magazine. Dito ay nagpa-interbyu sina Sarah at Rayver, Mommy Divine, Cristine Reyes, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Anna Dasig.

Sa naturang issue ng YES! nalaman ng publiko, sa unang pagkakataon, ang mga saloobin ni Mommy Divine.

Ito raw ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang pagpuprotektang ginagawa niya at ng asawang si Daddy Delfin kay Sarah:

"Siyempre, tao lang ’yong anak ko, e. Hindi naman puwedeng hindi siya magkagusto o magka-crush, at hindi naman puwedeng walang magkagusto din sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang po, ang palagi kong ’pinapakiusap sa kanila, kung magkagusto kayo, sana hindi ngayon. Sa tamang edad na o sa tamang panahon.

"Vocal naman ako na hindi ko naman pinagbabawalan ang anak ko totally. But for now, sabi ko, hindi pa dapat, kasi nakikita ko ang ugali ng iba. Iba siya sa mga kaedad niya na talagang exposed, na alam nila kung paano paikot-ikot, kung paano sumuong sa ganoong relasyon at kung paano lumabas. ’Yong anak ko, hindi, e.

"Kilala ko siya. Ang buhay niya, trabaho, school, bahay, kami, family. Hindi siya exposed sa labas. Hindi pa siya nakalabas kahit kailan nang mga ganoon. Lalabas kami, family lang.

"So parang alam ko kung mapapahamak ang anak ko, at alam kong base sa mga taong nagbibigay ng warning sa akin na mapapahamak siya kung pababayaan ko siya. Hindi po ako nanghuhusga. Kumbaga, kung ano lang ’yong nararamdaman ko."

RIPE TO LOVE. Ngayong araw, July 25, ay ipinagdiriwang ni Sarah ang kanyang 24th birthday.

Sa edad niyang ito, marami ang sasang-ayon kapag sinabing nasa hustong gulang na siya upang umibig.

Sa madaling salita, “hinog” na siya upang maranasang magmahal at mahalin ng isang lalaking maibigan niya.

At sa puntong ito, ang lalaking nagpapakita ng interes sa kanya ay si Gerald.

Ngunit tila hindi magkakaroon ng kaganapan ang pag-iibigang ito dahil, kung paniniwalaan ang blind item na lumabas, may paghadlang sa kampo ni Sarah.

Malamang nga ay may hadlang mula sa mga Geronimo, kung ang pagbabasehan din ay ang mga sinabi ni Mommy Divine sa YES! noong 2011. Ito ay noong panahong nagkaroon ng pagtitinginan sina Sarah at Rayver.

Sinabi ni Mommy Divine ang paniniwala niya tungkol sa pagbo-boyfriend:

"Sa akin po, kung ’yon ang magiging boyfriend mo, e ’yon na talaga. Nakikiusap ako na ’wag paiba-iba, di po ba? Kung sino talaga ’yong ano mo, doon ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipagdasal mo sa Diyos na kung ano ’yong ibinigay sa ’yo, ’yon na talaga. Kasi po, ang pakikipag-boyfriend at pag-aasawa, iisa lang ’yan, e. Parang sagrado na ’yan, e.

"Kumbaga, tatak mo na ’yan, e, di po ba? Tatak na ng pagkatao mo ’yon na pag naging bahagi na siya ng pagkatao mo, ’yon na ’yon. Kaya sabi ko [kay Sarah], ’Pakaingatan mo.’"

BIRTHDAY WISH: "FREEDOM." Sa concert ni Sarah noong July 5 sa Smart Araneta Coliseum, ang 24/SG, naipahayag ng Pop Princess na isa sa birthday wishes niya ay “freedom.”

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi ipinaliwanag ng singer-actress kung ano ang ibig niyang sabihin sa hiling niyang ito, ngunit sa palagay ng marami ay may kinalaman ito sa kagustuhan niyang magdesisyon para sa sarili pagdating sa pagmamahal.

Sa naturang concert din ay nagbiro pa si Sarah ng: “This is my 24th birthday, 24 na ako, puwede na!”

Pero dugtong niya sa huli: “Puwede nang maging 25. ‘Tapos 26!”

Nanood noong gabing iyon si Gerald, kasama ang kapatid na si Kenneth Anderson at ang kaibigang si Fred Payawan.

Nagkaroon ng repeat ang concert na ito noong July 21.

Kinabukasan, July 22, ay may nakakaintrigang post sa Twitter ang matalik na kaibigan ni Gerald na si Young JV, isang rapper.

Ani Young JV:" anderson don’t cry bro we here "

Marami sa mga nakabasa ng tweet ang nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang nangyari kay Gerald.

WHEN IS THE RIGHT TIME? Sa isang banda, may ilan ding nagulat sa blind item ni Ogie Diaz dahil ang buong akala nila ay tanggap na ng pamilya ni Sarah si Gerald bilang manliligaw.

Nabanggit kasi ni Gerald sa isang panayam na nakakapunta na siya sa bahay nila Sarah upang umakyat ng ligaw—na hindi nagawa ni Rayver nang magkagustuhan sila ng Pop Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Rayver kasi, lahat ng kapamilya ni Sarah ay tutol sa pagdalaw o pagtawag man lang ng binata kay Sarah. Kay Gerald naman, pumayag ang ama ni Sarah, ngunit tutol ang ina nito.

Samantala, sa parte ni Sarah, kapansin-pansin ang pagiging bukas na nito sa kanyang nararamdaman.

At mukhang napupusuan na ni Sarah si Gerald upang maging kasintahan.

Patunay pa ng ilang showbiz insiders, "kinikilig" daw talaga si Sarah kay Gerald. Gusto daw ng Pop Princess ang young actor.

Kung totoo ngang may ginagawa na namang paghadlang ang ina ni Sarah, sa pagkakataon kayang ito ay maipaglaban na ng Pop Princess ang kanyang nararamdaman?

O gaya noon, bilang isang masunuring anak, ay titiklop siya at susundin ang kagustuhan ng magulang sa kabila ng kanyang tunay na nararamdaman?

Sabi nga ni Sarah YES! noong 2011, nang tuluyan na silang magkahiwalay ni Rayver: "Pero ano naman po, at the end of the day, tama po lahat ng ’tinuturo niya [Mommy Divine] po, e. Kumbaga, may mga choices ako na bumabagsak sa turo ni Mommy, na tama rin pala si Mommy, na dapat nakinig din ako."

Sa panayam ni Rayver noon sa YES!, may sinabi ito tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Sarah: “Kung ipinaglaban lang niya ako, sana kami pa rin hanggang ngayon.”

Ngayon, kung totoo ngang sumuko na si Gerald sa panliligaw kay Sarah, kailan kaya magiging handa ang Pop Princess na ipaglaban ang nararamdaman at hayaan ang sarili na magmahal?

At isa pang katanungan: Kailan kaya darating ang sinabi noon ni Mommy Divine na "tamang panahon" para magmahal si Sarah?

Sinubukang kuhanin ng PEP at YES! ang panig ng kampo nina Gerald at Sarah ngunit walang nais magbigay ng pahayag alinman sa kanila.

LATEST TWEET. Ngayong gabi lang ay nag-tweet na naman si Ogie tungkol kina G at S.

Aniya: "True kaya na when S arrives from work abroad, me dinner sila ni G 2nyt? Aayusin yata ang kanilang sitwasyon. Sana, gift na nga ito ni Madir."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to subscribe to the e-mag version of YES! magazine’s March 2001 issue, featuring Sarah Geronimo on the cover.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN