Roderick Paulate faces political issue head-on: “Siyempre, kailangang kayanin kasi pinasok ko ito."

Sa gitna ng pagsubok na pinagdaraanan niya ngayon kaugnay ng kanyang political career, nananatiling matatag si Roderick Paulate. Paniniwala niya, "Meron Siya sigurong greater and better plans for me, na sinasanay Niya ako na ’hindi puwedeng konting ganyan, nagre-react ka.’ Sinasanay Niya siguro ako."


Isa ang actor-politician na si Roderick Paulate sa hosts ng bagong showbiz-oriented talk show ng GMA-7, ang H.O.T. TV.

Makakasama niya rito si Regine Velasquez-Alcasid at ang dalawang hosts ng Showbiz Central na sina Raymond Gutierrez at Jennylyn Mercado.

Ang H.O.T. TV ang papalit sa Showbiz Central simula August 5.

NOT THE FIRST TIME. Lingid sa kaalaman ng marami, hindi ito ang unang pagkakataon na maghu-host ng ganitong klaseng show si Roderick.

Siya pa nga ang nagpaalala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naging host siya ng Showbiz Lingó ng ABS-CBN.

“Hindi ko first time, sa Showbiz Lingó ako, ako ang pumalit kay Edu [Manzano].

“Ang daming nakalimot nga rito. Parang ang tanda ko na!” natatawa niyang sabi.

Patuloy ni Roderick, “Tingnan mo yun, maganda ang ginawa ko do’n, kaya ako tumagal doon.

“Sabi nilang feedback, yung mga artista, natutuwa sila kapag ako ang nag-i-interview, hindi natatakot.

“Kasi siyempre naman, kahit anong sabihin mo, pro-actor ako. I will not put them in a humiliating position.”

Nakausap ng PEP si Roderick sa press conference ng H.O.T. TV, noong Lunes, July 23.

RODERICK, THE HOST. Ngunit dito raw sa H.O.T. TV ay mas pa-human interest ang mga topic na ibibigay sa kanya. Kaya aminado si Roderick na medyo ninenerbiyos siya.

“Nakakanerbiyos, kasi hindi mo alam kung ano ang makikita mo, makakaharap mo. Halimbawa, taong-ahas!” natatawa niyang sabi.

Bilang isa na rin siyang pulitiko ngayon, magbibigay ba siya ng mga limitasyon sa sarili bilang host?

Sagot ni Roderick, “Dapat maging maingat din. Kasi baka sabihin self-serving or something, wala yun.

“Ang gagawin ko, kung ano ang segment ko and, at the same time, walang pulitika ito. Bawal ang pulitika sa show.

“I am there as Roderick Paulate—the actor, the host.”

Nakikita naman daw niya na magiging masaya ang show nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Nakikita ko talaga rito, every Sunday, tawanan kami nang tawanan nila Regine. Masaya ‘to.

“Kasi, hindi pa kami nagti-take, masaya na. Nagba-bonding na, okay na.

“Sabi pa nila, magmi-meeting raw kami for bonding.

“Siguro konti na lang… parang hindi na kailangan, e.”

JOHN LAPUS. Isa sa mga hindi na-absorb mula sa Showbiz Central ay si John Lapus.

Bilang pareho silang komedyante ni Sweet, hindi kaya magkaroon ng impression ang iba na siya ang pumalit dito sa H.O.T. TV?

Sagot ni Roderick, “I don’t think that way.

“Kasi kung titingnan mo naman, ibang-iba ang portion niya sa gagawin ko talaga.

“Kita mo naman talaga, parang drama pa nga ‘to, parang film ang gagawin ko.

“At the same time, nagpapatawa siya do’n, at hindi ako nagpapatawa sa segment ko. Parang informative pa nga.”

May nararamdaman ba siyang pressure bilang host ng isang bagong programa?

“Wala, walang pressure,” sabi ni Roderick.

“Kasi kapag na-pressure ka, makakaapekto.

“Alam mo, ang gusto ko lang, trabaho lang. Hangga’t gusto ng taong gawin.

“Kasi, ganoon naman ang mga shows, they really come and go.

“Pero sa shows na ganito, kapag ginusto ng tao, parang matagal.

“Ang sa akin, lumagpas na ako sa sana naman umabot ito ng sampung taon, wala na. Tapos na ako do’n.

“Para sa akin, hangga’t nag-e-enjoy.

“Meron na rin naman akong ugali ngayon na parang, putulin na ‘yan, parang saturated na. Gusto ko, tanggalin na.”

DIFFERENT PROJECTS. Sa isang banda, masaya si Roderick dahil sa iba’t ibang klaseng programa na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Nag-drama siya sa primetime series na Munting Heredera, nagko-comedy siya sa weekly sitcom na Tweets For My Sweet siya, mentor siya Protégé, at host siya ngayon sa H.O.T. TV.

Sabi ni Roderick, “Alam niyo, natutuwa ako na nagawa nila ang gusto kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, wala pa silang in-offer na nag-no ako.

“Actually, hindi pa sana ako tatanggap, e. Kasi, after that Munting Heredera…

“Nagpapasalamat talaga ako sa GMA na yung mga ’binibigay nila sa aking proyekto, gusto ko, kakaiba. Tapos, malapit sa puso ko.

“Alam niyo, noong after ng Heredera, parang gusto nila ako, soap ulit.

“Pero sabi ko, pahinga naman muna ako. Pahinga muna ako ng two months.

“Alam niyo, hindi nila inabot ang two months!”

Ang tinutukoy niya ay ang pagdating ng Tweets For My Sweet.

Saad ni Roderick, “E, six hours, seven hours lang ang taping, sino ang aayaw?

“Tapos with Marian Rivera pa, ang sweet na bata ha, so okay na.

“Tapos, mentor kayo [sa Protégé] for three months or less. Depende kasi kung magaling ang artista mo o hindi.

“Kaya nagbibiro nga ako, ang next na gusto ko, game show!”

POLITICAL ISSUE. Samantala, hangga’t maaari ay ayaw na munang pag-usapan ni Roderick ang isyu tungkol sa pagkakasuspinde niya bilang konsehal ng Quezon City dahil diumano sa pagkakaroon ng ghost employees.

Pero nagawa pa rin ng PEP na maitanong sa kanya kung kumusta ang personal na aspeto ng buhay niya, ngayong masaya ang kanyang showbiz career.

“Okay rin,” nakangiti niyang sabi.

“Siyempre, kailangang kayanin kasi pinasok ko ito.

“At the same time, dapat talaga magwagi ang tama. Kung ano yung totoo, yun lang naman yun, e.

“Kaya lang siyempre, bago tayo.”

Pero masaya naman daw si Roderick dahil ilan sa mga artista at pulitiko ang nagsabing hindi sila naniniwala sa isyung ipinupukol sa kanya.

Sabi niya, “Of course, hindi sila maniniwala because they know. Alam nila ang proseso.

“Kumbaga, alam nilang hindi puwedeng mangyari iyan. Especially now na may system kami.

“Pero alam niyo, ito lang ang natutunan ko sa bago kong ginagawa ngayon: kahit wala kang ginagawang masama talaga, may lalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ayoko rin kasing sabihin na… Well, baka bumangon ang nanay ko at sabihin na, ‘O, ano ang sabi ko ‘yo?’

“Pero lahat naman ng makausap ko, sinasabi na, ‘What’s new? Siyempre popular ka, mahal ka ng tao.’

“Ang mahirap din dito, kapag may ginagawa kang mabuti, hindi maganda sa iba. Lalo lang bumabango.”

Sa lahat ng ito, masasabi niya bang mas lalo lang siyang naging matatag?

“Alam niyo, nagdarasal nga ako. Sabi ko, ‘Lord, what are you trying to do?’

“I think, nabasa ko nga sa Jeremiah, parang sinasabi Niya doon na ‘I have no intention of harming you. I want good things for you. I want you to prosper.’

“So, meron Siya sigurong greater and better plans for me, na sinasanay Niya ako na ’hindi puwedeng konting ganyan, nagre-react ka.’

“Sinasanay Niya siguro ako.

“Let go and let God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN