Comebacking actress Alma Concepcion sees herself in Pintada lead star Denise Laurel

Nagbabalik sa sirkulasyon ang beauty queen-actress na si Alma Concepcion sa pamamagitan ng ABS-CBN afternoon soap na Pintada. Ginagampanan niya rito ang papel ng ina ni Martin del Rosario.


Na-miss daw ng dating beauty queen turned actress na si Alma Concepcion, 36 na taong gulang, ang showbiz.

Kaya matapos ng tatlong taon ay muli siyang aktibo sa paggawa ng teleserye.

Kabilang si Alma sa cast ng panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Pintada, na pinagbibidahan nina Denise Laurel at Martin del Rosario.

Ginagampanan niya rito ang role ni Carolina, ang nanay ni Sev, na ginagampanan naman ni Martin.

Paliwanag ni Alma, “Actually, on and off ako noon sa showbiz after kong magkaanak.

“Three years ago I did Daisy Siete sa kabila [GMA-7]. So, after three years, ‘eto ulit ako.

“Nakaka-miss ang showbiz, e. So, ’eto ako ngayon, kasama ako rito sa Pintada.

“You know kasi, I am very happy with the role. Minsan kasi bilang artista, tumatanggap ka ng raket, pero hindi ka natsa-challenge sa role.

“Na-miss ko talaga ang showbiz, I really miss it! Kasi when I got this [Pintada], I’ve been in school for almost four years.

“So, medyo I want to add some spice sa buhay ko. Medyo monotonous na.

“I’m on my fourth year sa UP Diliman, I’m studying my second course, I’m taking up interior design.

“So, I’m supposed to graduate this year, kaya lang ang ginawa ko na lang, in-extend ko na lang hanggang next year para mapasok ko yung Pintada.

“Kasi na-miss ko na ring umarte.”

Ano ba yung na-miss niya sa mga dating ginagawa niya?

“Ang dami kong na-miss na gawin,” sambit ng dating Bb. Pilipinas-International titleholder.

“Kasi nakakatuwa ang showbiz, dahil it’s really fun.

“You go taping out of town, nagpupuyat ka. Tapos makikihalubilo ka sa mga bagong tao, bagong artista, and then yung mga bagong tao na yun, nagiging super close kayo.

“So, yun ang nangyari sa amin dito sa Pintada, kaya talagang nag-e-enjoy ako sa pagbabalik ko sa showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang dahilan din daw kaya hindi siya tuluyang makabalik sa showbiz noon ay dahil sa kanyang huling nakarelasyon.

Saad ni Alma, “Medyo strict yung relationship ko before, so one of the reasons why I went back to showbiz na rin is, ‘Okay, I’m single. I can do anything, no rules, no limitations.’

“Bilang babae, medyo may limitations din if you’re in a relationship din actually, e. Siyempre, ipa-prioritize mo yung walang away, di ba?

“So, yes, I’m single and ready to mingle!” biro ni Alma.

Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz?

“Gusto ko tuluy-tuloy na. Sana tuluy-tuloy din ang pagdating ng projects, ng offers,” asam niya.

ON DENISE AND MARTIN. Noong bagong pasok si Alma bilang artista ay nalinya siya sa mga sexy roles, tulad ng ginagampanan ngayon ni Denise Laurel, ang bida ng Pintada.


Kaya nakikita niya raw ang sarili sa co-star niya.

Sabi ni Alma, “Kaya lang sa akin, iba before, kasi more on movies ako noon, e. Ganyan din yung packaging sa akin noon, di ba, sexy-sexy, ganyan.”

Bilang isang nagbabalik-artista, humahanga raw si Alma kay Denise at nakikita niyang malayo pa ang mararating nito sa showbiz.

“She’s a very intelligent person and very humble. Kasi pag humble ka, ang dali mong turuan, e.

“She’s a very nice person. I think factor talaga… in any success, factor ang attitude, e, aside from being a good actress, di ba?

"Sobrang bait niya.”

Gaya ni Alma ay isa ring single mom si Denise.

Ano naman ang masasabi niya kay Martin, na anak niya sa Pintada?

“Alam mo ba na we’re studying in UP pareho? So minsan, nagkikita kami.

“You know what’s funny? Pareho kaming maliit ang isang mata.

“Tapos may picture ang anak ko na kamukha ni Martin nung bata pa siya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang ang turing ko kay Martin, anak na rin talaga.

“Alam mo, bilib ako kay Martin kasi may lalim siyang umarte.

“At saka in person, mabait talaga siya, ibang-iba doon sa role niya na very naughty at medyo pasaway.”

SUPPORTIVE SON. Speaking of her son, inamin ni Alma sa PEP na malaking factor din ang pagpayag ng nag-iisa niyang anak na si Cobie kaya siya nagbalik sa showbiz.

Si Cobie ay 12 years old na at varsity player sa Ateneo.

“Iba na kasi ngayon na 12 years old siya. Dati humahabol siya sa akin, so I was really a stay-home and hands-on mom.

“Pero ngayon, iba na. Actually siya yung nagsabi sa akin to go back [to showbiz]. Siya rin ang nagsabi noon to stop.

“Nung bata pa siya, ayaw niya akong lumabas, so okay, sumunod naman ako kasi mahal ko ang anak ko.

“So, ngayon, idiniscuss ko sa kanya kung okay ba sa kanya na I’ll be taping? Sabi niya, ‘Go, go.’

“Natutuwa naman ako kasi very supportive sa akin ang anak ko. Kasi number one priority ko siya, e, kaya kinu-consider ko talaga siya in every decision that I make. I talk to him like an adult.

“Kaya nung sinabi ko sa kanya na, ‘O, there’s an offer, are you okay? Can you manage?’

“Kasi may times na he’ll be sleeping alone, e, sanay siya na may katabi.

“Ever since na ipinanganak siya, hanggang ngayon, katabi ko siya e. Ngayon, may mga gabi na wala ako.

“He’s very independent naman, at saka I always call him sa cell phone para to make sure everything’s okay.”

OK TO FOLLOW IN HER FOOTSTEPS. Para kay Alma, okay lang kung sakaling magdesisyon ang anak na sundan ang yapak niya bilang isang artista.

“Okay lang. Kasi nasa dugo namin talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I came from a family of actors. My grandfather Alfonso Carvajal, my grandmother Monang Carvajal—they are actors before.”

Hindi naman kaya siya maging stage mother kapag nasa showbiz na rin ang anak niya?

“No naman, no naman siguro. Kasi bilang artista, alam ko naman yung limitations ko as a mom.

“Siguro ang concern ko lang sa kanya is yung safety and education.

“Kasi ako, when I was at the peak of my career, I stopped school for three years.

“So, sana gusto ko makatapos muna siya ng pag-aaral.

“Pero kung darating yung break sa kanya, hindi ko naman hahadlangan yun. Susuportahan ko siya.

“Kasi puwede namang bumalik sa school, di ba?

“Look at me, I’m 36 pero nag-aaral ulit ako, di ba? Kasi hindi laging dumarating ang break, e.”

ENJOYING SINGLE LIFE. Single mom ngayon si Alma.

Matapos ang ilang failed relationships, ine-enjoy raw niya ang pagiging single ngayon at hindi pa raw handa ang puso niya sa panibagong relasyon.

“Medyo nag-e-enjoy ako ngayon sa pagiging single. Parang iba pala yung enjoyment ng may relasyon, pero iba rin pala yung enjoyment ng single.”

Naging karelasyon ni Alma noon ang businessman-lawyer na si Dody Puno, na tatay ng anak niyang si Cobie. Pero nauwi ito sa hiwalayan.

“The dad of my kid, we broke up when I was pregnant. And then after that, eight years akong hindi nag-boyfriend.”

Si Dody ay naiugnay rin noon sa aktres na si Gretchen Barretto.

Ang huling karelasyon ni Alma ay isang non-showbiz guy na ayaw niyang pangalanan. Tumagal daw ng halos six years ang relasyon nila at naghiwalay lang sila noong December 2011.

Never daw siyang naikasal sa mga naging karelasyon niya.

“No, I was never married. Pero I was engaged to my last boyfriend.”

Ano ang naging problema at hindi ito natuloy sa kasalan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming ano, e, alam mo yun, differences?

“Napagod na rin ako. Ang hirap lang mag-adjust.

“May mga bagay kasi na non-negotiable. May mga bagay na puwede mong tanggapin, meron ding mga bagay na hindi mo kayang tanggapin.

“Siyempre, ayoko namang pag nabasa niya ito, sabihin sinisiraan ko siya.

“No, he’s a good person. It’s just that hindi lang kami compatible talaga.

“May mga lifestyle siya na ayoko, ganun.”

Ayaw ba siyang pag-artistahin ng huli niyang nakarelasyon?

“Hindi naman. Hindi naman niya sinasabi directly na ayaw niya.

“It’s just that may mga reaksiyon, like selos... yung mga ganun-ganun lang.

“So, ako naman kasi, magaling ako umiwas sa away, e.

“Pag alam ko na pag medyo maigsi lang yung palda, bawal na... so may bawal na rin sa ibang bagay, ganun.

“Wala, e, pag nag-love—all mine to give, submissive and everything.

“Pero yun nga, going back and forth sa showbiz is a journey of life dahil you go back to who you are.

“Siyempre, pag meron kang relationship, kailangan mong mag-adjust sa isang tao.

“When you’re actually single, you’re whole.

“Makikita mo talaga kung sino ba ako? Ano ba talaga ang gusto kong gawin?

“It’s so nice to live without limitations, yun talagang do everything, di ba?

“Celebrate life! And tipong kailan ko pa gagawin, di ba, habang strong pa and energetic.”

Basta ang priority raw ngayon ng dating beauty queen ay ang kanyang anak at ang muling pagkabuhay ng kanyang showbiz career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN